KABANATA 24

786 44 2
                                    

Lumapit si Zack sakin na nakangiti.

Ngunit mas naka focus ako sa mga taong nasa likudan nya.

Sina Mom at Dad kasama sina Uncle at Auntie na may hawak na Banner na may nakasulat na....  Will you marry me?

"Mom? Dad?" ani ko ngunit tanging tango at ngiti lang ang ginawad nila sakin.

Hinila ako ni Zack palapit sa pamilya ko, tumingin ako kay Kuya Naji na nakahalukipkip sa may hagdan at kay Niro na nangingiyak at matalim na nakamasid kay Zack.

Lumuhod ito at sinimulang iangat ang aking kamay.

"Janica Wilson will you marry me?" nagagalak nyang alok.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon, kita ko ang phone ni Mica na nakatutok samin.

Luminga linga ako sa nakapaligid sakin at kapwa silang masaya at naghihintay sa aking isasagot.

Tumingin ako kay Zack na nakaluhod, iniangat ko sya dun bago ako nagsalita.

"Sorry Zack" tanging sambit ko at nilagpasan sila.

Hindi ko na tiningnan ang reaksyon ng bawat isang nandun.

Umakyat ako sa aking kwarto at agad itong nilock.

Napaupo ako sa sahig at tsaka umiyak.

I can't......

Alam kong mali ang relasyon namin ni Bryan pero alam kong mas mali kung pakakasalan ko si Zack.

Napahinto ako sa kumatok.

"Janica, open the door please." Nagsusumamong sambit ni Zack.

"Leave me alone,  ZACK please" ani ko

"Can we talk? pagusapan natin to." Nagmamakaawa nyang hinaing.

Tumayo ako at pinihit ang pinto.

Nagalak sya sa ginawa ko at agad nya akong yinakap. 

"Iloveyouuu Janica, it's ok if hindi ka pa ready sa ngayon." Aniya at pilit kinakalma ang sarili.

"Zack i dont love you anymore." Diretso kong usal sa kanya.

Ayaw ko na syang paasahin o ano pa man.

Alam ko magiging mahirap to sa kanya at lalo na sakin pero ito ang tama.

"Sorry, Zack I.... I'm really sorry. I can't be your wife." Usal ko na nanginginig ang boses.

"Janica, you're Joking right? " aniya habang pilit kinakalma ang sarili.

Namuo ang mga luha nya sa mata napapikit ako. It's hard for me shet.

"Zack, I'm inlove with someone else, Madly inlove with someone else " pagpapatuloy ko.

Litong lito syang tumingin sakin

"Kaya ba inaya mo ko ng break up sa states? Kaya ba hindi ka nasisiyahan na sinundan kita dito sa Pilipinas?" tanong nya umiling ako at naiyak na.

"Who is that man?..  Say it!" hinawakan nya ako sa braso ng mahigpit at sinigawan.

Napapikit ako sa lakas ng sigaw nya.

"Zack nasasaktan ako" daing ko sa kanya.

Kitang kita ko sa mata nya ang galit at pag ka irita.

Mas lalo nyang diniinan ang pagkakahawak sakin.

"TAKE YOUR HAND AWAY FROM MY SISTER." Malakas na sigaw kasabay ng malakas na suntok ang pinakawalan ni Kuya Naji.

Rinig ko ang mga yapak paakyat.

Agad na natumba si Zack at pinaibabawan ito ni Kuya Naji at pinagsusuntok.

Niyakap ako ni Niro at pinabayaan si Kuya sa ginagawa nya.

"Oh my god, Jerome!" Ani Mom na nagulat sa nakita.

Agad pumasok si Dad at inialis si Kuya Naji sa ibabaw ni Zack na hinang hina.

"Try again to approach or hurt Janica, I WILL KILL YOU!" Galit nyang sigaw bago lumapit sakin.

Itinayo ni Uncle Jake si Zack at inalalayan pababa, sinundan ito ni Uncle Josh.

"Naji, what did you do?" hasik ni Dad kay Kuya.

Ngunit parang wala itong narinig

Humarap sya sakin at hinaplos ang aking ulo.

"No one will hurt you babygirl... And I will never let anyone hurt you again!" aniya at yumakap sakin ng mahigpit, ginantihan ko ito ganun din ang ginawa ni Niro.

Lumapit si Mom at hinawakan ang braso ko, na may bakas pa ng pula doon.

"Jerome!" Tawag nya kay Dad

Lumapit si Dad at hinawakan ang braso ko.

"F*ck!" mura ni Dad

Agad itong lumabas kaya hinabol ito ni Mom.

"Are you ok now?" tanong Ni niro at pinunasan ang luha ko.

"Yeah, thanks Kuya Naji and Niro." Nangingiyak ko pa ding sambit.

"As long as Kuya and I are alive, no one can hurt our princess." Aniya at hinaplos ang buhok ko.

Natawa ako sa sinabi nito.

Agad kong yinakap silang dalawa at nagpapasalamat dahil may mga kapatid o kakambal ako na katulad nila.

Pagkatapos nang nangyare ay minabuti nina Kuya na hindi muna ako pababain.

Kinausap nina Dad si Zack sa baba.

Mas minabuti ko nalang na pumunta sa bathroom at maligo.

After nun ay kinuha ko ang laptop ko upang tawagan si Bryan.

Ngunit si Bricks ang sumagot nito.

"Hi bricks?" pinilit kong ngumiti ng maayos.

Suminghot ito at mahahalata sa mata nito na bagong iyak ito

pinagkibit balikat ko ito.

"Where's Bryan?" tanong ko.

Ngumiti ito ng mapait.

"Kasama sya ni Mom umalis, siguro matatagalan pa sila." Aniya at pinilit ngumiti.

"May problema ba Bricks?" Kinakabahan kong tanong.

"Where's Bryan, bricks!" hinihingal na tanong ni Ate Jamilla na mahahalata ang pagmamadali.

Nilingon ako ni Bricks

"Call us later" nagmamadali nyang pinatay ang tawag.

Bigla akong kinabahan.

Pakiramdam ko may mali, may nangyare kaya kay Bryan?

Natatakot ako ngunit pinagsa walang bahala ko ito.

Nag iwan ako ng message kay Bryan.

Me;

Text me when you get home.

Im worried about you

I hope you are fine.

Let's meet tommorrow on the hill ok?

I will wait for you there.

I love you and i miss you.

Goodnight.

Pag kasend ko ng lahat ng message ko ay agad na akong natulog at naghanda para bukas.



Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon