KABANATA 9

1.2K 49 2
                                    

Sobra akong na enjoy sa lugar na ito at masaya kasama sina Shiela and tama sila kahit papaano nakalimutan ko ang problema ko sa bahay.

Inom lang kami ng inom at nagsasayaw.

"Kailangan kitang ipasundo" ani shiela ng nakaupo kami sa table namin.

"No! Ayaw ko pang umuwi" sabi ko habang nakapikit at dinadama ang pagkahilo.

"Pero Janica gabi na" Aniya

"Umaga pa tayo nandito" ani Carol

"Baka hinahanap ka na sa inyo" singit ni Carla

Tumahimik sila saglit kaya nagmulat ako ng mata.

Naaninag ko si Bryan na nagtitiim bagang na nakatingin sa mga kasama ko bago sakin.

Nginitian ko sya at iniabot sa kanya ang isang baso ng wine.

"Inom ka muna" natatawa kong sambit.

Hinawi nya ito at mabilis akong hinila sa kinauupuan ko palabas sa bar.

"Wait Nahihilo ako" ani ko dahil sa bilis ng paghila nya sakin.

Tumigil sya kaya napatigil din ako at napasubsob sa dibdib nya.

Ramdam ko ang paghinga nya ng malalim sabay buhat sa akin.

Naramďaman ko ang sarili ko na nasa kotse na nya.

Pinilit kong mumulat at tumingin sa dako nya na nakatitig sakin.

"Ano bang naisipan mo at pumunta ka dito?" naiirita nyang tanong

"Bored sa bahay e" simple kong sagot at humilig sa upuan ng kotse nya.

"Nung nakipag vc ka sakin kanina ang weird mo, dumaan ako sa inyo upang kunin yung binake mong cake and mga kambal mo nakita ko, tinanong kita and he said na nasa kwarto ka. Pinuntahan ka ng maid nyo at dun namin nalaman na wala ka. Simula umaga pa kami naghahanap sayo Janica" Galit na hasik nya

Ngumiwi nalang ako at umidlip na sa sasakyan nya.

"Sa bar? Sinong kasama?" Sigaw sa labas ng kotse ni Bryan ang narinig ko.

"Sina Shiela" simpleng sagot nito kay Niro.

"Ipasok na natin bago pa maabutan ni Kuya Naji" ani Niro

At wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na, na may kumarga sakin papasok sa bahay.

Madahan ako nitong inilapag sa aking kama.

Nagawa ko pang mumulat at nakita ko si Niro na nakatingin sakin.

"Baby girl what's wrong with you?" inis na tanong nito.

Bumangon ako at umupo sabay hilot sa sintido ko.

"Can you please shut your mouth Niro" iyamot kong sagot sa kanya.

Tumayo ako upang pumunta sa closet ko at magpalit ng damit ng biglang bumukas ang kwarto ko.

"Janica" Tawag ni Mica at agad akong yinakap.

Sumunod na pumasok si Kuya Naji at Bricks.

"Amoy alak ka!" Ani Mica at agad na lumayo sakin.

"Pabango nya lang yun" sabat ni Niro at lumapit pa sakin para alalayan sa banyo.

"Niro!" Malamig na tawag ni Kuya Naji na dahilan para mapatigil kami.

Lumapit ito samin at tiningnan ako ng blangkong ekspresyon.

"San ka galing?" malamig na tanong nito sakin.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon