KABANATA 5

1.6K 68 3
                                    

"Kids" panimula ni Mommy habang nakain kami ng agahan.

"Napagdesisyunan namin na mag outing ngayon since Last day na namin dito." Pagpapatuloy ni Mommy. Uuwi na kasi kami mamaya para sa pagpasok. Ang alam ko mamaya din ang alis nina Bryan para sa paglipat ng bahay.

"Let's Go Auntie" Galak na yaya ni Micaella.

"Ok finish your food first"  Natatawang saad ni mom

Nice view.... Nandito kami ngayon sa Isang resort na puti at pino ang buhangin.

May wave pool akong nakita sa di kalayuan samin at sa bandang dulo naman ay ang dagat.

"Let's Go Janica" At hinila na ako ni Mica palayo sa sasakyan namin.

Pumunta kami sa Cottage at agad agad hinubad ni Mica ang saplot nya tumambad samin ang kulay berde nyang two piece.

"Don't tell me baby girl may to two piece ka din" Seryosong bigkas ni Niro.

"Beach ito Niro anong gusto mo mag panjama ako?" At inirapan sya.

"Mom, Dad" naiinis syang bumaling kina Mommy natatawa nalang sina Uncle sa kanya.

"Niro hayaan mo na sya malaki na yan" bulalas ni Auntie Piya.

"Di ka mag to two piece" biglaang lingon ko sa nag salita sa likuran ko.

Napalunok ako ng makita doon ang madilim na nakatitig sa aking si Kuya Naji.

"But..." Naputol na ang sasabihin ko ng pinakita nya ang nasa kamay nya.

Isang racer back at isang short, Seriously pinagdala nya ako?

"See? Sabing bawal e" Nangiinis na umakbay sakin si niro.

"Mana talaga kayong dalawa sa Daddy nyo" natatawang singit ni Kuya Benedict.

"Oo nga, napaka protective din nyan kay Danica noong nakaraan" Natatawang sambit ni Uncle Josh.

"Until Now" Daddy said.

Naiiling nalang akong kinuha ang nasa kamay ni kuya Naji at nagmartsa papunta sa Cr.

Pagbalik ko dun ay kita kong nasa buhangin si Ate Jamilla at si Mica habang naguusap na kapwa naka two piece.

Si Bryan at Bricks naman ay naliligo na sa wave pool kasama sina Niro at Kuya Naji habang pinagpapantasyahan ng mga babae.

Sina mom and Dad naman ay nag iihaw ng barbeque. At si Uncle Jake at Uncle Josh ay nag aayos ng mga pagkaing nasa basket. Si Auntie Clara naman at si Auntie Piya ay naggagawa ng maiinom na parang gulaman ata. Si Ate Jane naman ay tumayo para lumapit kina Auntie at si Kuya Benedict ay dumiretso kina Mommy na nagiihaw.

Dumiretso ako sa Wave pool napatingin sakin ang mga babaeng pinagpapantasyahan ang aking mga kambal.

Umakbay ako kay Niro inirapan ako nung isa at tumayo upang umalis sa pool.

Umahon si Kuya Naji sa harapan ko at pinasadahan ako ng tingin.

"Perfect" Aniya.

"Kuya sorry na" At hinawakan pa ang braso nya.

"Fine" tipid nyang sagot at pinisil ang ilong ko.

"Dito muna kayo nagugutom ako e" Paalam ni Niro.

"Iinom lang ako" Ani kuya Naji at ginulo pa ang buhok ko.

"Bryan pakibantay naman dine sa aming prinsesa" natatawang bigkas ni Niro na hindi nadinig ni Kuya Naji dahil nauna na ito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon