KABANATA 13

1.3K 60 16
                                    

Pag katapos ng klase ay dumiretso agad kami sa ospital para tingnan si Kuya Naji.

Naabutan namin ang nurse doon na tinitingnan si kuya Naji.

"Kamusta po sya?" tanong ko dito na medyo nagulat pa sa pagpasok namin.

"Ayos naman ang lagay nya" sagot nito at nag paalam na.

"Hi Kuya" sabi ko dito at hinalikan sa pisngi.

"Bro gising ka na" biro ni Niro at hinaplos ang ulo ni Kuya Naji.

Naupo sina Bricks at Bryan sa sofa sa may paanan ni Kuya naji si Mica naman ay nakatayo sa may tabihan ko.

"Malapit na 18 th birthday ko Kuya Naji kaya dapat gumising ka na kasi kasama ka sa 18 roses" Nanginginig ang boses ko habang sinasabi ito.

Tumingin si Niro sakin na mukang napansin ang panginginig ng boses ko.

"Kasali kaya ako dun Kuya?" Aniya kay Kuya na mukang sakin pinaparinig.

"Hindi lagi mo kasi akong inaaway" Seryoso kong sabi.

"Magagalit si Kuya Naji sayo" natatawa nitong saad at pinilit maabot ang pisngi ko para mapisil.

"Niro kailangan kaya sya magigising miss na miss ko na sya e" Ani ko sa kanya at tiningnan sya.

"Magigising din si Naji before your birthday syempre di nya papalampasin yun kasi special day yun para sa prinsesa nya" Lintanya nya.

Tumulo ang luha ko na agad ko din naman pinunasan.

Pagka tapos naming kausapin si Kuya Naji ay umuwi na kami ganun din sina Micaella.

Sabi nina Mom uuwi din daw sila dito before my debut at dito na sila mananatili dahil ok na ang kompanya namin at tsaka para kay Kuya Naji.

Isang buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon hindi pa din nagigising si Kuya.

Mamayang gabi uuwi sina Mom dahil tommorow is my debut.

Ayaw ko nang ituloy ang birthday ko sapagkat wala si Kuya Naji. Ngunit gusto nina Mom na ituloy sapagkat yun din daw ang gusto ni  Kuya Naji.

Sabado ngayon at abala ang mga katulong namin at ang ibang tao sa pag aayos para sa debut ko.

"Are you excited baby girl?" Tanong Ni Niro na nasa may tabihan ko habang tinitingnan ang mga nag gagayak sa labas ng mansyon namin.

Maamong mukha ang pinaling ko sa kanya at umiling.

Inakbayan nya ako at nilagay ang ulo ko sa balikat nya.

"Maiisayaw ka din ni Kuya Naji pag gising nya" At hinaplos haplos nito ang buhok ko.

May nagpark na sasakyan sa di kalayuan samin at bumaba doon sina Mica at Bryan kasama sina Bricks at ate Jamilla.

Dito sila tutulog ngayong gabi at mamaya ay dadating na din sina Uncle at Auntie.

Dumiretso agad sila samin at nakipag beso

"Niro pwede ko bang mahiram si Janica sandali" paalam nya kay Niro.

Tumingin sakin  si Niro at tumango kay Bryan.

Hinila nya ako papunta sa kotse nya.

"Wait" rinig kong sigaw ni Mica ngunit di iyon pinansin ni Bryan.

Pinagbuksan nya ako at sumakay na sya tsaka pinaandar.

Nang mapansin ko ang pamilyar na daan ay tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon