KABANATA 3

1.7K 65 1
                                    

"How old are you?" napapitlag ako sa nagsalita sa likuran ko. Kasalukuyan akong nasa Harden nina Uncle Jake at nagpapalamig.

Nilingon ko ito at napatulala sa kanya, Nakasando syang puti na kitang kita ang pag fle flex ng mga muscle nya sa braso dahil sa paggalaw nya. Dagdag gwapo pa ang dimple nya nung ngumiti sakin.

Inulit nya ang sinabi nya bago ako nabalik sa ulirat.

"A- Ahh I'm 17 and you?" At dahan dahan kong inayos ang sarili ko.

"I'm 18, So what are you doing here?" Matikas na pag e english na tanong nya.

"Hmmm nagpapahingin lang tsaka mahilig talaga ako sa mga bulaklak" Nakangiti kong sagot sa tanong nya. "Ikaw?" dugtong ko pa.

Humalukipkip sya bago nag salita.

"I'm so bored kaya naman lumabas ako sa room" usal nya at naglakad papunta sa tabi ng fountain at tiningnan ang mga isda na lumalangoy.

"Kailan balik nyo sa ibang bansa?" Tanong ko sa kanya at lumapit sa kinatatayuan nya.

"Hindi na siguro, Bumili kasi si Dad ng rest house malapit lang dito sa pinsan mo". Sagot nya na sa mga isda pa rin nakatuon ang tingin.

"Janicaaaa" Sigaw ni Mica sa loob kaya naman kapwa kami nagkatinginan ni Bryan, Napatakbo ako paloob at tsaka sinalubong ng patalon na yakap ni Mica.

"What?" taka kong tanong.

"Dun sa School nyo ako mag e enroll next sem" sabik na saad nito.

"Good to hear" Nasisiyahan kong tanong.

Kumalas sya ng yakap ng nakita ang nakasandal na si Bryan sa pintuan.
Tumingin sya sakin bago kay Bryan ulit. Nangliit mga mata nya sakin, Binatukan ko sya at umiiling na nilampasan sya. Balak ko na maligo kaya iniwan ko na sya dun alam ko nasa utak ng babae na yun.

"JANICA" sigaw nya sakin at tumakbo papunta sakin.

"Bat kayo magkasama?" Tanong nya at may pagkainis na sinara ang pinto.

"Nakita nya lang ako sa harden nyo" At pinagpatuloy ko paghahanap ng damit ko.

"Talaga!" May bahid pa ng pagdududa nyang tanong sakin.

"Ewan ko sayo Mica! Diyan ka na nga" nangingisi kong usad sa kanya at dumiretso na sa banyo.

Narinig ko ang padabog na sara ng pinto ng kwarto napatawa nalang ako sa nagiging reaksyon nya. Para syang bata.

Nag susuklay na ako ng buhok ng biglang may pumasok sa pinto, Tumayo ako at hinarap ang pumasok.

Pinaningkitan nya ako ng mata at ni head to foot.

"What?" Tanong ko sa kanya dahil di ko alam kung bakit ganyan ang reaksyon nya, Madilim at seryoso syang nakatitig at nagmamadaling pumunta sa bag na dala namin.

"Wear this!" utos nya at binigay sakin ang isang panjama.

"Ayaw ko Niro!" At tinalikuran sya. Ok naman kasi ang suot ko naka Over size t shirt ako at short.

"JANICA! I..... SAID WEAR THIS!!" Madiin nyang utos sakin.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Alam ko kasi pag galit na sya e.

"Niro please ngayon lang naman ito e" At tiningala ko sya gamit ang nangungusap na mata.

"NO! WEAR THIS" at bahagya nya akong tinulak at inaabot sakin ang Panjama na gusto nyang isuot ko.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon