Sabay sabay kaming nag dinner at busy sila sa usaping bussiness nina Dad sa States.
"So, pag nagising na si Naji lilipad agad kayo papunta sa States?" tanong ni Uncle.
"Oo mas mababantayan namin sila dun" sagot ni Daddy.
Tumingin sakin si Niro at tumingin ako na nagtataka dito, ang akala ko ba dito na sina mom at di na sila aalis pero bakit nagiba ang plano nila?
Nagkibit balikat si Niro at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay naging abala sila para sa party bukas.
Pumunta ako sa pool upang mag pahangin.
"Favorite Place?" tanong ni Bryan na kadadating lang.
"Tahimik kasi dito kaya mas gusto ko dito magpahangin." Ani ko at tiningnan sya.
Ngumiti sya sakin at nag iwas ako ng tingin.
"Janica I Like you so much" Napalingon ako sa sinabi
nya sakin.Seryoso ang mga titig nya, Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay, Masaya nyang pinaglaruan ang sing sing na nandun.
Tumingin ako sa kamay ko at nag angat ng tingin sa kanya sabay bawi ng kamay ko.
Nagtaka sya sa ginawa ko kaya kunot noo syang nakatingin sakin.
"Im sorry" Tangi nyang nasabi.
"Hmm No It's Ok" nahihiya kong sabi at tiningnan ang repleksyon sa tubig.
"Janica, Bryan" sabay kaming napalingon ni Bryan kay Mica.
"Anong ginagawa nyo dito?" seryoso nyang tanong.
"Nagpapahangin lang" agad kong sagot at binaling na ulit ang tingin sa tubig.
"May hindi ba kayo sinasabi samin?" tanong nya.
Tiningnan ko sya at nag taas ako ng kilay sa kanya.
"Umalis kayo kanina, saan kayo nagpunta?" tanong nito.
Tumingin ako kay Bryan, nagkibit sya ng balikat napairap nalang ako at iniwan sila doon.
Ramdam ko ang pagsunod nila kaya mas minabuti ko na umakyat nalang sa aking kwarto.
Pagkapasok ko ay syang pagpasok din ni Mica.
"May relasyon ba kayo ni Bryan?" Agad nitong tanong.
"Mica ano bang sinasabi mo?" walang gana kong sagot dito.
"Alam mong gusto ko sya diba?" Nangingiyak na tanong nito.
"Mica pwede ba wala akong panahon sa mga ganito" Tamad kong sagot at umupo sa kama ko.
"Saan kayo galing kanina ha! bakit kayo lang ha! Bakit nya hinahawakan ang kamay mo ha!" Tanong nya.
Pumikit ako ng mariin at tiningnan sya ng pagod na ekspresyon.
"Hindi ko alam, Bakit di mo sa kanya itanong! At tsaka Mica alam mo naman na ang laki na ng problema ko ngayon tas iisipin ko pa yan." naiinis kong sagot sa kanya.
"Mica! Janica!" tawag ni Niro.
Bumaling si Mica dun at pinalis agad ang luha nya sabay alis sa kwarto ko.
"May problema ba baby girl?" Tanong nito na nakahabol tingin pa din sa kalalabas lang na si Mica.
"Wala Niro, sige na papahinga na ako medyo madami na nangyare sa araw na ito." sagot ko sa kanya at nahiga na sa kama.
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomantizmPaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan