KABANATA 22

948 51 15
                                    

Gumising ako na madami pa ding gumugulo sa isipan ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo upang gawin ang morning routine ko.

After that ay nagpasya akong bumaba para sa agahan.

Madaming boses akong naririnig sa dining ngunit pinagsa walang bahala ko ito.

Bumungad agad sakin si Mica at sina Bryan kasamahan nina Bricks at Ate jamilla.

Nginitian ko silang lahat at naupo sa gitna nina kuya Naji at Niro.

Nang magsimula na akong kumain ay tila natahimik ang lahat ng may makitang panauhin na pumasok sa Dining.

Agad na tumayo si Dad at binigyan ito ng malawak na ngiti.

"Tama ang dating mo Zack, halika at sabayan mo na kami sa agahan namin." Masayang bungad ni Dad at iginiya sa katabi nyang upuan

"wait tito? He's name is Zack?" Sabat ni Mica na sa kanya na nakatingin ang lahat.

"Yes Ija, Do you know him?" Tanong ni Dad napalunok ako at tiningnan si Bryan na diretso ang tingin kay Zack.

"Of course Tito, Sya yung boyfriend ni Janica sa States diba?" Natatawa nyang sambit sabay tingin sakin

Napayuko si Bryan sabay inom ng tubig

"Ang swerte mo naman Janica, talagang sinundan ka pa nya dito." Panunuya nito.

Tumawa si Zack

"Yeah, I love her somuch that's why im here" malambing nyang sabi at tiningnan ako.

Napalunok ako at agad na tiningnan si Bryan na kita sa mata ang galit.

"Let's Eat" putol ni Kuya Naji sa topic.

Maya maya pa sa kalagitnaan ng pagkain ay tumayo si Bryan  at nilisan ang Dining.

Busy si zack at dad sa pag uusap tungkol sa mga gagawin nila mamaya habang si Mom naman ay busy din sa pakikipag usap kay Ate jamilla.

Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Kuya Naji ang kamay ko.

"SIT DOWN!" Matigas nyang sambit

tumingin ako dito na naka focus ang tingin sa pagkain.

Tumayo  si Mica at agad na tumakbo palabas

"Kuya?" tawag ko dito.

Nilingon lang ako nito bago ako binitawan, nanlumo ako nasasaktan ako kasi nasasaktan sya.

Iloveyousomuch Bryannnn,  Im sorryyy nagsinungaling ako hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magpaliwanag sa kanya lalo na ngayon at sobra ko na syang nasasaktan.

Pagkatapos ng aming agahan ay nagpaalam sina Dad at Zack na pupunta muna sila sa Office upang ayusin ang bussiness namin

Habang si Mom naman ay nakikipag kwentuhan pa din kay Ate Jam.

Naupo ako sa swimming pool at hinayaan na mabasa ang aking mga paa.

Naupo sa tabi ko si Bricks kaya napatingin ako dito.

"Lalim ng iniisip mo ah" panimula nya huminga ako ng malalim at tiningnan ang repleksyon ng araw sa tubig.

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat Bricks." Naguguluhang sambit ko sa kanya

"Kay Bryan?" Tanong nya

Tumingin ako dito at tumango.

Huminga ito ng malalim tsaka nagsalita

"Pagkaalis nyo dito sa Pinas Janica, umalis din kami dahil sa dahilan na hindi pwedeng malaman ng kahit sino, Sobrang nasaktan si Bryan nung umalis ka at hindi nagparamdam sa kanya." Aniya at nagiwas ng tingin.

"Sa sobrang sakit at lungkot sinubukan nyang mag open up kay Mom about sayo at sa inyo ngunit lalo lang syang nalungkot ng malaman nyang magpinsan si tita Danica at si Mom." Aniya ngunit tulad nya ay nabigla ako sa nalaman ko at nalungkot

"Magpinsan?" Ulit ko

Tumango ito at ngumiti.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

"Nang lumipas na mga taon naging mas malapit sila ni Mica sa isat isa pero para kay Bryan hindi hadlang na magpinsan sina Mom at tita para mahalin ka nya." Dugtong pa nya.

Napaluha ako sa nalaman ko, agad akong tumayo at tumakbo sa kotse ko.
Wala na akong pake sa suot ko basta gusto ko mapagisa sa ngayon

Tinahak ko ang lugar kung saan mas nakakarelax at mas sumasaya ako.

Pagkababa ko ay agad kong pinalis ang mga luha ko sabay akyat.

Naabutan ko sa tuktok ang isang lalaking nakatanaw sa kabuuan ng gubat.

Pumikit ako at mabilis na humakbang papunta dito sabay yakap ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagkagulat nito kaya agad itong humarap at tiningnan ako.

"Ja-janica?" Malamig nyang tugon.

Tiningala ko sya at naiyak sabay subsob sa dibdib nya.

"Im sorryyy Bryan, sorryyy I still Love you." madamdamin kong sambit dito.

Unting unti gumapang ang kamay nya sa likod ko at mahigpit ako nitong niyakap.

Ilang segundo din kami sa ganung posisyon bago nya ako iniharap sa kanya.

"Do you Love Zack?" Aniya sabay iwas ng tingin sakin.

"NOOOOO BRYANNN BECAUSE  ILOVEYOUU" Naiiyak kong sambit

"Pero boyfriend mo sya?" malamig nyang tugon

"NO! Nakipagbreak ako sa kanya nung nasa States pa kami." ani ko at yumakap agad sa kanya.

"Bryan please forgive me, Give me another chance Bryan please" nakasubsob sa dibdib nya habang sinasabi.

Hinaplos nya ang buhok ko bago iniharap sa kanya.

Iniangat nya ang baba ko at madahang dinampi ang labi nya sa labi ko.

Napapikit ako sa ginawa nya at sumabay sa kanyang paghalik.

Mas diniin ko pa ang sarili ko sa kanya para mas lalo nya akong mahalikan.

Sa kalagitnaan ay tumigil ito at napamura.

"Holyshit!" Sabay talikod sakin.

"What's wrong Bryan?" tanong ko dito

"Hindi pwede Janica pero di ko mapigilan" nahihirapan nyang sambit sakin.

"It's about Zack?" tanong ko sa kanya at tiningnan sya sa mata

napapikit ito ng mariin at umiling.

"Kasi mag pinsan mga magulang natin?" kagat labi kong tanong.

Tumingin ito sakin na nagsusumamo.

"Bryan I don't Care, Iloveyouu". Hasik ko dito.

Agad nya akong kinulong sa bisig nya

"shhhh dont't worry Janica Iloveyouu tooo." Nahihirapan nyang sambit at hinalikan ang buhok ko.

Tiningnan ko sya at nginitian, ngumiti din ito sakin bago may kinuha sa bulsa nya.

"Ibabalik ko ito sayo pero hindi na promise ring, Tanda ito ng pagmamahalan natin kahit na bawal." Natatawa nyang sambit at kinuha ang kamay ko sabay suot ng singsing bago nya ito hinalikan.

"Sa ngayon secret muna itong relasyon natin." Aniya

Ngumiti ako at tumango dito.

Naupo kami sa upuan at tiningnan ang buong kalawakan nito.

Sana totoo ito, sana hindi panaginip ito.

At kahit na bawal susugal pa rin ako,  kami kasi mahal namin ang isat isa.

Hindi ko na hahayaan pa na may humadlang samin o makapagpahiwalay.




Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon