KABANATA 15

1.8K 67 62
                                    

Pagkagising ko kinaumagahan ay rinig ko na agad ang ingay sa baba.

Dumiretso ako sa banyo at agad naligo.

Pagkatapos ay pinili kong suotin ang isang high waist jeans at isang sando pagkatapos ay tinabunan ko ng blazer.

Sinuot ko din ang kulay itim kong Heels at tsaka humarap sa salamin, Naglagay ako ng kaunting blush on, pulbos at lip tint bago ko binolower ang buhok ko.

Kinuha ko ang shoulder bag na nakasabit at lumabas na ng kwarto.

Dumiretso ako sa dining kung saan maingay at naghahanda na ng mga pagkain

Agad na napatingin si Bryan sakin, nginitian ko sya at agad na nagiwas ng tingin.

Nakipag beso ako kina Mommy at Daddy pagkatapos Kina Auntie at Uncle sabay kina Ate Jane at Kuya Benedict.

Naupo ako sa tabi ni Niro.

"Ang gandaaa mo ngayon" puna ni Ate Jane.

"Salamat po" nginitian ko sya at yumuko na.

"Saan ang punta mo Ija?" Tanong ni Dad.

Napa angat ako ng tingin sa kanya.

"Kay Kuya Naji po" agad kong sagot.

"Di ka ba papasama kay Niro?" tanong ni Dad.

"Oo nga baby girl" saad nito.

"Ayos lang Dad, papahatid nalang po ako kay Manong." at nginitian sya. "Kayo po ba di nyo sya pupuntahan?" agad kong tanong sa kanila.

"Susunod nalang kami pagkatapos maayos ang mga ginamit kagabi sa Party mo" Sagot ni Dad.

"Bakit di mo isama si Mica, Janica? Wala naman din yan gagawin dito" suggest ni Uncle Jake.

Iimik na sana ako ng umuna na sya.

"May lakad po kami ni Bryan ngayon Daddy" agad nitong sabi.

Tumingin si Uncle kay Bryan, nahihiya itong tumawa at nagtataka sa sinabi ni Mica.

"Saan naman kung ganun?" tanong ni Mommy.

"Dalaga na ang anak ko, Nililigawan mo ba sya Bryan?" tanong ni Auntie Piya agad namang nasamid si Uncle Jake at matalim na tiningnan ang asawa.

"Kibabata pa ng mga iyan Piya." Hasik nito.

"Hindi ko po sya nililigawan Tito, Tita" magalang nitong sagot.

Bumaling sya ng tingin sakin kaya agad kong tinuon ang atensyon sa pagkain ko.

Pagkatapos ko ay dinala na ng mga katulong ang dessert, tumayo na ako  at nagpaalam sa kanila.

"Mauna na po ako" Aniko.

"Mag iingat ka Ija" Ani Mommy at nakipagbeso sakin.

Tumango ako at isang sulyap ang binigay ko sa pinsan ko na nakasimangot sakin.

Naglakad na ako palabas at pumunta na kay Manong na nagiintay na.

"Janica" tawag ni Bryan ng papasok na ako sa Van.

Nilingon ko ito at nginitian.

"Samahan na kita" Presinta nya.

"Wag na, Mamaya magalit na naman sakin si Mica. Pati may lakad kayo di-" Di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong yinakap.

"I love you only youuuu" malambing nitong sabi.

Tinulak ko syang bahagya ngunit mas humigpit ang yakap nya sakin.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon