Kabanata 19

855 58 9
                                    

Nang matapos ang binyagan ay nagyaya silang kumain sa restaurant ngunit tumanggi ako dito dahil may mahalaga akong pupuntahan.

Nagpaalam ako at agad na sumakay sa kotse ko.

Habang palapit ng palapit ang sasakyan ko sa lugar na pupuntahan ko ay naninikip ang dibdib ko, di ako makahinga ng ayos.

Nang nasa tapat na ako nito ay unti unting bumagsak ang luha ko. Bumaba ako sa kotse at umakyat sa tuktok nito, napansin ko ang isang upuang kahoy na haba dito.

Dito kaya sila nagpapahinga ni Mica? Kaya ba may upuan kasi dito sila namamalagi?

Pinalis ko ang mga luha sa pisngi ko at mabilis na hinubad ang singsing na suot sa aking daliri.

Tinitigan ko ito at madahan na nilapag sa upuan.

Kakalimutan na kita, di na ako aasa sayo mali na pinakawalan ko si Zack para sa pagmamahal ko sayo.

Mabigat ang dibdib nang bumaba ako sa burol na iyon.

Nasa loob na ako ng kotse at humihinga ng malalim.

Kasalanan ko din, umalis ako ng walang paalam shet it hurts!

Pinaandar ko ang kotse ko ang nauna nang umuwi sa bahay namin.

Sinalubong ako ni Manang, tumango lang ako dito tsaka dumiretso sa kwarto ko.

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe kina Mom and Dad na nasa bahay na ako.

Nag open ako ng laptop at agad na bumungad si Zack sakin sa Skype.

"Hi" nakangiti nyang bati ngunit mahahalata sa mga mata nito ang pait at pangungulila.

Pagod akong ngumiti dito.

"Hello,How are you?" Ani ko

"Im fine Janica" aniya sabay ngiti sakin

Ginantihan ko ito at nagpaalam na sa kanya

Humilata ako sa kama ko buong hapon, wala din naman akong balak lumabas ng kundi lang kinatok ni Kuya Naji ang pinto ng kwarto ko.

"Di ka nagpasabi na didiretso ka na dito" bungad nya pagkapasok nya sa kwarto ko.

"Sorry kuya, Btw sina Mom?" ani ko at sumandal sa kama ko.

"Nakina Uncle Jake pa sasama ata sa paghahatid kina Uncle Josh" sagot nito.

Tumango ako dito

"Are you ok?" tanong nya sakin.

Tumingin ako dito at ngumiti

"Of course Kuya" sagot ko dito

Tumango ito at nagpaalam ng papasok sa kanyang kwarto gusto ko sana tanungin si Niro but I decide na wag na lang din para makapag pahinga na sya.

Tumayo na ako para maglinis ng katawan.

Inubos ko ang oras ko sa pag shashower at pag aayos sa sarili.

"Babygirl" malakas na tawag ni Niro sa labas ng kwarto ko.

Nagmamadali kong tinapos ang pagbloblower ng buhok bago ko ito pinagbuksan.

"Nasa baba sina Bryan at Bricks kasama si Mica" sya lang ata ang natutuwa sa kanyang binalita.

"Sige sunod na ako jan" usal ko dito

Tumango ito at bumaba na

Huminga muna ako saglit bago bumaba.

Nakita ko sila agad sa salas na nakaupo at nagmemeryenda.

"Hi couz" bati ni Mica at niyakap ako ginantihan ko ito at umupo sa tabi ni Niro.

"Kuya Naji?" Tanong ko kay Niro

"Niyaya nya si Ate Jamilla kumain sa labas." Sa halip na si Niro ang sumagot ay si Bryan ang umimik

Tumingin ako dito at inismiran sya.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Mica sakin kaya naman binaling ko ang atensyon ko kay Niro.

"Dito na kayo magdinner" imbita ni Niro.

Napalunok ako sa sinabi nito

"Naku wag na, nakakahiya naman" pagtanggi ni Bricks

"Sige Niro" sabay kaming napatingin ni Bricks kay Bryan di naman iyon napansin ni Niro at tumango lang ito.

"Ehem.. Niro sina Mom and Dad?" Pagtatanong ko dito

"Kasama nina Uncle Jake naghatid" sagot nito at sinalinan ang baso ko ng juice

"Bryan try this" maarteng sabi ni Mica sabay subo ng chips kay Bryan

Busy si Niro sa phone kaya di nya napapansin ang kaharutan ng kanyang pinsan.

Sinubo ito ni Bryan, nabigla ako sa sunod kong nakita mabilis na dinampi ni Mica ang labi nya sa labi ni Bryan.

Mabilis ang naging pag iwas ko ng tingin doon, kita ko ang pagtingin sakin ni Bryan ngunit inabala ko ang sarili ko sa juice na iniinom ko.

Ng di pa inaalis ni Bryan ang tingin nya ay tumayo na ako at nagpaalam na tutulong kina Manang sa paghahanda ng gabihan.

Pagkadating na pagkadating ko sa dining ay agad akong napapikit ng mariin at huminga ng malalim.

"Mam ok lang po kayo?" Tanong ng isa sa mga katulong namin.

Napadilat naman ako at tumango dito bago dumiretso sa lutuan.

"Hey" napatingin ako sa nasa likuran ko

Ngumiti ako dito bago pinagpatuloy ang pag aayos ng pagkain.

"Are you ok?" tanong ni Bricks at tumulong din sa aking ginagawa

Ngumiti ako dito at agad na tumango.

"Nakita mo?" napatigil ako sa tanong nya tumingin ako dito na abala sa kanyang ginagawa.

Huminga ako ng malalim at nagkunwari na walang narinig.

"Nakita mo yung ginawa ni Mica?" Tanong ulit nito

Pumikit ako ng mariin at hinarap sya.

"Wala akong pakealam sa kanila, kaya pwede ba Bricks wag mo na silang banggitin sakin" inis kong saad dito bago sya tinalikuran.

Nagtungo ako sa ref at agad na kumuha ng malamig na tubig.

Nangangatal ang kamay ng binuhat ko ang pitsel ng tubig, muntikan kona itong mabitawan kung hindi lang nahawakan ni Bricks ang kamay ko.

Inalalayan nya ako, napatingin ako ditoo

Agad naputol ang titigan namin ng biglang pumasok sina Mica, Bryan at Niro.

Agad na lumiit ang mata ni Niro kaya agad kong kinuha ang kamay ko kay Bricks.

Kita ko ang madilim na ekspresyon ni Bryan ngunit agad itong nawala ng hinila sya ni Mica sa bakanteng upuan.

Tumango si Niro sakin at sinenyas ang upuan na katabi nya at ni Mica.

Napalunok ako at agad itong sinunod

Naging tahimik naman ang pagkain namin at natapos ng mapayapa.

Ng mag papaalam na sila ay umuna na ako sa aking kwarto upang itulog nalang ang mga nangyare ngayon!

Naupo ako sa kama ko at inisip kung paano hinalikan ng pinsan ko ang lalaking mahal ko.

Napaiyak nalang ako habang iniisip ito, humiga ako at pilit na ipinikit ang mga mata upang makatulog at makalimutan sandali ang nangyare.

Lost Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon