"Hi" sabi nya sa kabilang linya.
"Kakauwi nyo lang?" tanong ko sa kanya
Tumango ito at pabagsak na humiga sa kama nya.
"Ok na pala kayo ng mga kapatid mo" Usisa nya sakin.
Tumango ako dito at ngumiti..
"Pahinga ka na mukang pagod ka na" Sambit ko sa kanya.
Ngumiti lang ito at umiling.
"Ayos lang, hindi pa naman ako inaantok" tutol nya at kinuha ang isang unan na nasa ulo nya sabay yakap dito.
"Bryan?"
"Yes?" Malambing nyang sagot.
"Mutual pala feelings nyo ni pinsan" natatawa kong komento dito.
Kumunot ang noo nya at naging seryoso ang muka nya.
"What do you mean?" seryoso nyang tanong.
"Matagal na kayang may gusto sayo si Mica, tapos kanina sa laro umamin ka din na may nagugustuhan ka na" Saad ko sa kanya.
Humalakhak ito kaya kumunot ang noo ko.
"May sinabi ba akong pangalan?" natatawa nyang tanong.
"Kung hindi si Mica e sino?" tanong ko sa kanya at dumapa sa aking kama.
"Secret HAHAHA" sagot nya habang tumatawa.
Matapos naming mag asaran ay nag paalam na kami sa isat isa upang makapag pahinga na dahil maaga pa bukas para sa pag pasok.
Pagkagising ko ay agad na akong nag ayos ng aking sarili at lumabas na sa aking silid para pumunta sa baba at kumain.
"Magandang umaga Ija" Bungad ng isa sa mga katulong naman na si Manang Gloria na nasa 40's na.
Ngumiti ako dito at yumuko.
"Magandang umaga din po" Bati ko sa kanya at naupo na.
"Manang sina Niro po?" tanong ko kay Manang ng di ko makita sa hapag ang mga kambal ko.
"Umuna na si Kuya Naji mo si Niro naman ay may sakit hindi daw muna sya papasok" Sagot ni manang.
Tumango ako at tinusok na ang hotdog.
"Goodmorning" tamad na bati ni Niro sakin.
"May sakit ka daw?" Agad kong sabi at tiningnan sya habang umiinom ng tubig.
"Napagod lang siguro ako kahapon sa training" Sagot nya at umupo sa harapan ko.
"Where's Naji?" tanong nya.
"Umuna na daw eh sabi ni manang" Ani ko at inabala ang sarili sa pagkain.
"Bakit naman? Paano ka? Wala kang kasama?" Sunod sunod nyang tanong.
"Hoy Niro hindi na ako bata ha!" Sigaw ko sa kanya at dinuro duro sya ng tinidor.
Naiiling na tumawa ito.
"Chill ka lang" Sabay subo ng fried rice
"At tsaka may driver naman tayo" dagdag ko pa.
Tumango lang ito kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako kay Niro at kay Manang.
Sakay na ako sa van namin ng biglang nag vibrate ang phone ko sa aking bag.
Bryan Fontelo:
Where are you?
BINABASA MO ANG
Lost Love (Complete)
RomancePaano kung pinagtagpo kayo pero bawal? Paano kung mahal nyo ang isat isa ngunit kailangang lumayo? Pagpapatuloy nyo ba o kakalimutan nalang ang nakaraan? Basahin natin ang Kwento ni Janica Wilson at Bryan