/1/ When Our Eyes Met

757 23 5
                                    

CHAPTER 1

WHEN OUR EYES MET

R O Y

Umagang-umaga asa Auditorium ako, nag seseminar. Bumagsak nanaman ang section namin sa isang Drill, Earthquake drill, bakit kasi ayaw seryosohin ng mga ito yung drill namin.

Ayan bago pa tuloy mag simula ang seminar eh nanermon pa itong speaker sa amin.

Isipin mo nalang na lumilindol talaga noong earthquake drill, tapos makikitang nagtatawanan at naghaharutan pa sila pababa ng building sa kabila ng agaw buhay na sitwasyon.

Nakakainis, na sermunan din kami ng Adviser namin na si Ma'am Paluhanan.

Hindi lang kami ang nandito, pati narin ang ABM 12-B. Sila din ata bumagsak sa earthquake drill.
Katabi lang namin sila, halos ilang espasyo ang pagitan nito sa amin.

Makikita rin sa kanila ang pagkabagot at kawalan ng interes sa pakikinig, gano'n din kami. Parang mga nasa harapan lang yung nakikinig at kung meron man iilan lang din.

Mag tatatlot' kalahating oras na kaming nakikinig sa speaker at tinitiis ang kanyang pasimpleng parinig sa bawat terms o scenario na dinidiscuss nya.

Dahil sa sobrang pagkabagot ko napatingin ako sa ABM 12-B. Sakto din naman na may lalaking napatingin din dito. Nagkasalubungan ang aming mata.

Agad kong iniwas yung mata ko at ibinaling ang tingin sa powerpoint presentaion ng nag seseminar.

Inisip ko nalang na wala lang' yon...

Pero may nararamdaman parin ako na may naka-titig sa akin na nanggagaling kung saan ako nakatingin kanina.

Nakatingin ba sa akin yung lalaking 'yon?

Kaya sumulyap ulit ako sa kanya.

Napansinsin ko na umiwas sya ng tingin at bumalik sa pakikinig. Pinagmasdan ko sya saglit, mapapansin mo sakanya yung matangos nyang ilong, medyo singkit na mata saka yung nakaka-agaw atensyon nyang  jawline.

Biglang humarap 'yung mukha nya sa akin, dahil sa gulat ibinaling ko ang aking tingin sa iba.

Ang weird, sobra, pakiramdam ko nakatitig parin sya sa akin...

Nagpapalitan lang ata kami nito ng tingin eh. Napakagat nalang ako sa labi at nag aalangan kung titignan ba 'tong lalaking tumitititg sa akin.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong iginalaw ang mukha ko papunta sa kanya.

Sabay kaming nagkatitigan sa isat-isa, hindi ko maintindahan kung bakit hindi ako naiilang. Bumibilis lang 'yung tibok ng puso ko at parang umiinit ang aking mukha.

Aaminin ko, Oo may itsura sya, guwapo, pero lalaki sya saka lalaki ako imposible naman na magkagusto ako sakanya.

Baka guni-guni ko lang 'toh...

"Everybody, Lunch nyo na. After an hour ay bumalik kayo dito para ipagpatuloy ang seminar ninyo" anunsyo nung speaker.

May kumlabit sa akin kaya napalingon ako sakanya.

"Roy, hintayin mo ako sa labas. Kakausapin ko lang saglit si Ma'am," sabi ni Jennie.

Tumango lang ako at lumabas na ng Auditorium.

Habang hinihintay sya nakasandal ako sa may tabi ng pintuan, lumabas narin ang mga taga ABM 12-B. Malakas na tawanan at kwentuhan ang lumabas sa auditorium na para bang wala ako dito sa may tabi ng pintuan.

Sobrang saya nila na aakalain mong nakalaya na sila sa bilangguan.

Akala ko lahat sila nagtungo na sa canteen pero may isa papalang estudyante na ABM 12- B din ang lumabas mula sa pintuan.

Nagderederetsyo lang sya ngunit bigla itong huminto at humarap sa akin.

Sya nga, yung lalaking nakipagtitigan sa akin.

Dahan-dahan itong lumapit at bigla nitong hinawakan ang balikat ko at unting-uti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin.

Kinakabahan at nangangatog ako sa harap nya ngunit hindi ko maibaling ang tingin ko sa iba dahil narin sa kanyang nakakaakit na presensya.

Medyo nagulat ako nang bigla syang magsalita.

"I think I like you," lakas loob nyang sinabi ito sa pagmumukha ko na syang lalo ko pang ikanagulat.

"I-I-I Like you too," pabiro kong sagot sakanya "As a person."

"hindi sa ganoog like, ma-mahal na ata kita."

"HA?!" napanganga na lang ako sa sinabi nya

"You're looking at me right?"

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo," tanggi ko dito.

"Hindi ko maintindahan eh, pero sa tuwing nagkatitigan tayo at tumitingin ako sayo may iba akong nararamdaman," litanya nya sakin.

Kinuha nya ang kamay ko at inalagay nya ito sa dibdiba nya. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Kaso, agad akong bumitaw mula sa kanyang pagkakahawak.

"Hi-hindi ko talaga maintindihan yang sinasabi mo.... Ba-baka nagkakamali ka-ka lang?" pautal-utal kong tanggi.

Sinuri nya ang buong mukha ko at hindi na sya nakapagsalita pa. Napatingin ito sa kaliwa nya at binitawan ang mga braso ko. Wala syang imik ng mga ilang segundo, parang may tumusok sa dibdib ko at nakardam ng lungkot.

"Gano'n ba? Sorry," pabulong nyang sinabi at nagsimula na itong naglakad palayo.

Tinignan ko yung papalayo nyang imahe.  Nakaramdam ako ng bigat sa aking dib-dib, lungkot at pagsisi na hindi ko maitangi.

Hindi ko maintindihan o maipliwanag ang sarili ko basta feeling ko na nagpapakawala ako ng isang importanteng tao.

Sa hindi inaasahan biglang gumalaw ang aking katawan at hinablot ang kanyang braso. Napatigil sya at nilingon ako habang kitang-kita sa kanyang mata ang mga namumoong mga luha.

"Kung gusto mo, i-try natin kung mag wo-work yung relationship or kung may patutunguhan sya pero kilalanin muna natin siguro ang isat-isa"

Bumuka  ang aking bibig habang nakatingin ng diretsyo sa kanyang mga mata. Hindi makapaniwala sa mga binitawang salita.

Nagulat ako nang bigla nya ako hinila at niyakap ng mahigpit.

"Thank you," malambing nyang sagot sabay himas sa aking buhok.

Sa yakap nyang mahigpit biglang kumalma ang aking pakiramdam. Gumaan ang loob ko na parabang nawala ang bigat sa dibdib ko. Kaya niyakap ko din sya ng mahigpit pabalik.

"Magkita tayo sa GYM ng 5:30 hihintayin kita doon," paalala nya habang lalong humigpit ang pagyakap nya.

Sobrang komportable ng kanyang katawan na parang mga unan kaya napasanadal yung noo ko sa balikat nya.

Lalaki sya lalaki ako pero hindi ako naiilang sa kamya kahit na alam kong straight ako.

Edi ibig sabihin bakla sya?

Hindi na ako straight?

Sa itsura nyang 'yan?  Lalaki ang hanap nya?

May naging girlfriend na basya?

Mayroon na ba syang naging boyfriend?

Lalo akong nacucurious sa kanya. First time kong makaramdam ng ganito, towards same sex.

Maya-maya pa ay bumitaw na kami sa pagkakayakap. Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Humirit pa sya ng titig na may ngiti sabay kaway sa akin at tuluyan ng dumiretsyo sa Canteen.

END OF CHAPTER 1

Stranger's Feelings [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon