Chapter 4

32 0 0
                                    

Medyo stable na daw ng kunti ang kondisyon ni tisoy kaya nilipat na ito sa isang private room...

Nagtaka nga siya kasi di pa to nagigising... binatukan naman siya ni Kylla dahil sa ang  boba daw niya...

Medyo malakas daw  ang pagka sagasa ng kotse sa kanyang kapatid kaya ito medyo tumilapon at nabagok ang ulo sa lupa...

Nanginig siya ng marinig ang salitang tumilapon...
Ang grabe naman ng demonyong driver na yun...wala talagang puso dahil di man lang inalam kung buhay pa ba kapatid ko... putcha!!!

At dahil malaki ang bayad sa isang private room... kayod kalabaw na siya sa trabaho...lahat pinasukan niya.... tagahugas,tagadeliver,cashier,taga welcome ng pumapasok o di kayay taga linis ng mesa....Lahat ginawa niya para lang mag kapera ,pantustos sa pag papaospital sa kapatid...

Tinatablan na din kasi siya ng hiya sa mga kaibigan... alam niya wala naring mga magulang si Michelle, wala ring kapatid pero alam din naman niya na may sarili rin  itong mga pangangailangan... Si Kylla may pamilyang pinapadalhan... napabuntong-hininga siya....kung buhay lang sana ang mga magulang nila...

Isang araw habang nag tatrabaho sila ni Michelle sa shop ay may natanggap silang masamang balita galing sa pinagtatrabahuan ni Kylla..... Nahulog daw ito sa hagdanan...

Michelle: ang tanga naman kasi... ang daming elevator.. naghagdan pa talaga ang maldita....

Himutok nito...

Clara: nako,alam mo naman  na takot yun sa elevator nuh!!! Tinitingtan palang niya yun eh nangangatog na,,,, ang pagsakay pa kaya....

Michelle: o see,, yan tuloy ang napala niya...

Clara: hayaan mo na... para naman maka experience ng something new ang babae...

Sabay ngisi niya..

Michelle: heh!! Something new na pala ngayon ang pag papakamatay...

Nag make face siya sabay tawa ng slight....kahit kelan talaga... mga abnoy sila...

Tumingin ang kaibigan niya sa kanya...

Michelle: teka,,, napansin ko atang nka bestida ka ngayon ng sobrang ganda a...ang kinis ng legs... may date ka ba ngayon???

Clara: date ka jan,,,in my 25 years of existence in this world...ni minsan wala pang nangahas  makipag date sakin...

Michelle: ikaw naman kasi sobrang pihikan... akalain mo ba namang sobrang choosy...ang gusto ay yung may pa epitome of goodness pa...tse!!! Ambisyosa..

Litanya nito sa kanya habang kumakain ng lollipop...
Duh... lahat naman ng babae choosy...syempre kasi ayaw nilang mapunta sa isang ugok lang na lalaki...

Clara: eh ikaw ba't wala  ka pang asawa?? Wag mong sabihin sakin na gusto mong maging old maid??!!

Michelle: errr... puede na rin...

Clara: tae ka!!! Eh mas malandi ka pa nga kesa  sakin eh pag nakakita kana ng gwapo..

May pairap pa siyang ginawa.... napangisi siya ng kunti... ayan ikaw din pala  choosy ha...hehe...

Nagsalita ulit ito...

Michelle: uyy.. muntik ko ng makalimutan... may nag papa deliver pala... and guess who???

Kumunot ang noo niya??

Clara: sino??

Michelle: your ever loving Mr.Christian del Valle

Nanlaki ang mga mata niya....

Michelle: takot ka nuh kasi  may kasalanan ka pa sa kanya...

Clara: eh bakit ako,,, di ba anjan naman si Tj siya nalang kaya...

Reklamo niya----

Michelle: sabi ni boss gina ikaw daw...unless takot ka!!!

Kantiyaw nito sa kanya..

Pahablot niyang kinuha ang kape..

Clara:  akin na nga yan baka...lumamig pa...

Michelle: ayan, good girl!!

Tinapunan niya ito ng masama...

Dasal niya lang na... nagka amnesia nato para di na nito maalala pa ang  kahihiyang ginawa niya...

………………

Fabian: you are an idiot!!!

Singhal ng lolo niya sa kanya...

Chris: eh sa wala nga akong mahaharap na babae sa inyo... wala akong girlfriend at lalo na ang fiancee na hinihingi nyo..

Fabian: it's because you're not looking for her...

Chris: nagpapatawa ka ba ha chief???

Vicky: Chris!!!!

Saway ng mama niya sa kanya

Chris: Gusto mong maghanap ako ng asawa?? Ni hindi ko nga alam kung sino siya eh..

Fabian: if you can't find the girl... then you better step back from your position as the president of the company and i will hand it  over to someone else...

Chris: but chief---

Fabian: no buts boy,,that's the deal...

At nilisan nito ang salas...

Hindi niya alam kung anong gagawin niya... ayaw niyang i hand over ang kompanya sa iba... hindi dahil sa ayaw niyang mawalan ng kayamanan.... but because of the trust that his lolo has given ti him.... Fabian trusted him the company because the great oldman believes  that he can handle such big responsibility...

Alam niyang hindi biro ito... dahil di lang isang malaking building ang hinahawakan  niya kundi pati narin ang mga sangay nito...

Meron silang hotels and restaurants,,,beaches,,,travel agencies,,,at iba pa...

Naihilamos niya ang sariling mga palad...

Vicky: Chris...

Chris: ikaw ma... gusto mo na bang magka apo???

Nakangiting tanong niya sa ina...

Ngumiti rin ito...

Vicky: bakit hindi.... basta ready kana ring magka pamilya...

Chris: masyadong nagmamadali si lolo...

Vicky: hayaan mo na... sa papa mo ganun din siya dati...

Pampalubag loob nito sa kanya...

Hindi naman sa ayaw niya talagang magka pamilya...masyado pa naman siguro siyang bata...he's still 29...

Tumayo siya at hinalikan ang ina sa pisngi...

Chris: punta na  po  akong office...

Vicky: o sige... ingat ka ha... wag kang pagabi ngayon....

Chris: yes ma...

At  mabilis na tinungo ang sasakyan...

……………

Halos magka sabay na dumating ang dalawa.... Dalawa kasi ang entrance ng del Valle Inc....

Si Clara nasa left,,,,si Chris sa right...

Deretso si Chris sa elevator samantalang si Clara ay sa reception area...

And then a maroon butterfly make its eay through the crowd...

*^_^* <3<3<3<3<3<3

Coffee Please!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon