Chapter 9

12 0 0
                                    

Ipinarada niya ang bisikleta malapit sa isang chinese bamboo na katapat ng bintana nila. Mabilis niyang hinubad ang sapin sa paa at tumuloy sa kusina. Binuksan ang ref at uminom ng isang basong tubig na ssooobbbrrraaannnggg lamig.

Clara: Andito na ko Madam.

Walang sumagot sa kanya.

Clara: madam??

Hinanap niya ito. Pumunta siya sa likod ng bahay pero wala ito dun. Pumunta siya sa CR, sa kapitbahay at sa mga kwarto nila... wala parin...

Pumasok siya sa kwarto ni tisoy at napansin niyang bukas ang bintana.

Pinuntahan niya iyon at nakita niya ang taong hinahanap niya...

Andun naka upo sa bubong,yakap ang mga tuhod at naka yuko ang ulo.

Clara: hayy... naku naman madam.. kanina pa kita hinanap andito ka lang pala.

Narinig niyang humikbi ito.

Clara: O, anong nangyari sayo?? Namatayan ka ba ng pusa?? Ano na naman bang drama mo???

Michelle: madam sorry!!

Iyak nitong sabi sa kanya.

Clara: huh?? Sorry sa'n???

Michelle: sorry talaga,di ko sinsadya.

Clara: ano ka ba, wala ka namang nagawang kasalanan ba't ka nag so-sorry? Anong nangyari??

Humikbi ito. Hinimas niya ang likod nito she can't stand it when she's watching her friends crying, parang maiiyak din siya.

Clara: can you tell me what's the problem??

Michelle: (napaiyak ng tuluyan) i stole your money.. huhuhuhu...

Nabigla naman siya.

Clara: what?? Anong--

Michelle: sorry..

Clara: anong ginawa mo sa pera??

Michelle: Sabi kasi ni Kylla na manghihiram daw siya ng pera . Sinagot ko siya na wala ako. Sinabi kong sayo siya dapat manghiram pero tumanggi siya. Nakakahiya daw sayo baka sabihin mo daw na binabawi niya ang tulong na ibinigay niya sayo. Eh walang-wala talaga ako kaya naisipan kong kunin yung sayo na ipinatabi mo sakin. Sorry talaga madam.

Clara: ano ba yan.. loka-loka ba siya?? Ganun ba dapat ang iisipin ng isang kaibigan?? Aanhin niya ang pera?

Michelle: Lumala daw kasi ang sakit ng tatay niya. Malapit ng maging TB. Wala na daw siyang ibang matatakbuhan kundi tayo lang.

Bumuntong-hinga siya... Oo nagalit siya, pero dahil sa alam naman niya ang rason, eh isinantabi nalang niya ang sariling galit.

Clara: ok lang yun. At least nakatulong ako kahit di niya alam. Gagawa nalang ako ng paraan para sa bayarin ko kay tisoy.

Michelle: hayaan mo madam, kakayod ako mapalitan ko lang yun.

Clara: naku, ano kaba. Kaibigan ko kayo kaya dapat lang na tulungan ko din kayo.

Michelle: you really are our bestfriend...

Maluha-luha niyang sabi sa kaibigan habang nakangiti.

Clara: syempre.

At nag yakap sila. Maya maya ay bumaba na sila para mag hapunan.

Kinabukasan ay dinalaw niya ang kapatid sa ospital. Kagaya ng dati niyang ginagawa, kinakausap na naman niya ito kahit alam niyang di ito sasagot sa kanya. Ok lang...

Coffee Please!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon