Chris POV
Chris: this is crazy! NO!!she's crazy! What in the hell is she doing???
Natapon ko ang kanina'y hawak ko na dyaryo.
Fabian: most of our investors during the meeting a while ago are asking if it's true and saying congratulations.
Chris: No! I won't marry her. Masyado na siyang sagad. Kulang pa ba ang pag tanggap ko sa bata, at kelangan talaga ay pakasalan ko pa siya.
Pasalampak akong umupo sa upuan. Di ko na talaga alam kung anong itinatakbo ng isip ni Angel. Di ko siya kayang pakasalan. Not now not ever!
Just this morning I receive a call from Daniel, basahin ko daw ang laman ng dyaryo ngayon. I was curious that's why I asked my secretary to get me one. And I was shocked to see an article saying Angel and me are engaged!!! Like what the Fvck!
I'm not yet out of my mind.
Fabian: ayokong malagay sa kahihiyan ang angkan natin Chris.
Tiningnan ko siya. Even in his 60's I can still convey power and authority in his image. Alam kong takot si Cheif na mapahiya kami.
Chris: don't worry Cheif I'll fix this.
--
(Angel Suzette Suarez- Angel/Sue)
Jenny's POV (Angel's Sis)
Jenny: you think this is a good idea Sue??
Tanong ko sa kanya habang siya naman ay nakaupo lang sa terrace at umiinom ng wine.
Jenny: you think pushing yourself to him can make him love you?? You're doing bullshit!
Angel: wala akong pakialam. Masyado na akong desperada para isipin pa yan. Ayokong mapunta siya sa gold digger na yun. Ako ang una, ako ang pinangakuan kaya dapat ako rin ang pakakasalan.
At ininom ang wine na nasa baso. Masyado na siyang sinungaling, sa harapan ng tao, sa akin at sa sarili niya. Alam ko na mas mahal niya ngayon si Clavin pero palagi nalang niyang dini-deny yun. Masyado siyang baliw sa nakaraan kaya di niya matanggap na nabaling na sa iba ang pagmamahal ni Chris na dapat sana ay sa kanya. Di niya matanggap na di niya natupad ang kanyang mga pangako at nakalimutan ang taong dapat sana ay nilingon niya at binalikan.
Jenny: ano bang nagyayari sayo???
Umiiyak na ako sa harapan niya.
Jenny: Sue, hindi ganyan ang pagmamahal. Sa ating dalawa alam mong ikaw ang mas may alam na hindi ganun ang pagmamahal dahil ikaw ang nagturo sakin nun. Ikaw ang nagturo nun samin ng kuya Joseph mo.
Oo siya. Nakakatawa mang isipin na sa aming dalawa siya ang mas mature mag isip kahit pa ako ang ate niya. Siya ang naging daan kung bakit nagkabalikan kami ng fiancee ko na ngayon ay asawa ko na.
Tinangka kong hawakan ang kamay niya pero tinabig niya lang iyon.
Angel: Mahal ko siya, higit pa sa buhay ko. At kung kelangang banggain ko na lahat maging akin lang siya ulit ay gagawin ko. Ate, ganun din ang pagmamahal hindi isinusuko palaging ipinaglalaban. Ilang ulit man niya akong ipagtabuyan, kahit humarang man ang Clara na yun sakin ay wala akong pakialam. Kukunin at kukunin ko parin si Christian.
Naiiyak ako, naiiyak ako dahil sa nangyayari sa kanya. Hindi ito si Sue, ang kilala kong kapatid ko ay mabait, malambing at higit sa lahat mapagparaya. Kahit paman may matigas siyang ugali ay masasabi ko paring mabait siya sa kahit na sino.
Jenny: hindi na kita kilala.
Tinignan niya ako. I saw sadness in her eyes. Tao rin si Sue marunong masaktan but her actions and words contradicts what her eyes are trying to convey.
Angel: wala akong pakialam. Iwan mo nalang ako kung gusto mo.
Tumalikod siya sakin at lumakad papuntang bintana.
Angel: I don't need you.
Dapat masaktan ako, dapat ay tinalikuran ko na siya ngayon but I'm her ate. And Ate's never leave their lil sisters.
Jenny: No, I won't. Ipagtabuyan mo man ako di parin ako aalis. Magiging ate mo parin ako. At bilang ate mo araw-araw ko ring sasabihin sayo ang salitang "tama na, wag mo ng saktan ang sarili mo". At di ako magsasawang gawin yun dahil mahal na mahal kita at tutuparin ko ang pangako ko kay mama na poprotektahan at aalagaan ka.
Angel: leave now ate. I wan't to be alone.
Pinahid ko ang mga luha ako.
Jenny: okay. Iiwan kita ngayon but promise babalik ako bukas. Aasikasuhin ko rin si Christina. Masyado na kasing apektado ang bata. Sana lang, sana lang Sue. Makita mo rin sa mata ng anak mo ang pangungulila niya sa TUNAY niyang ama.
Tumalikod nako at nagsimulang humakbang papuntang pintuan.
Para sa isang kapatid wala ng mas masakit pa ang makita mo ang kapatid mo na nasasaktan. Pero siya narin ang gumawa ng sarili niyang kalungkutan kaya ang tanging magagawa ko nalang ay damayan siya. Sana nga lang ay dumating na sa puntong ma realize niya na tadhana narin ang kusang sumira ng pag-ibig nila sa isa't-isa.
--
Angel's POV
Ano nga ba ang pagmamahal??? Matagal narin mula ng itanong ko yan sa sarili ko. Dati ang galing kong magpayo at mag ayos ng relasyon, pero ako, sa siywasyon ko ngayon...ewan!
Ano nga ba ang mali?
Ang mahalin ko ang taong minsan ng naging akin at ngayon ay may mahal na?,O ang...
Ipagmukhang tanga ang sarili ko sa taong mahal ko at patuloy na saktan ang sarili ko.
Parehas lang yun.
Di ko na alam. Mahal ko si Chris, at di ko kayang itanggi yun. Walang araw na hindi ko siya naiisip at minsan ay hinihiling na makasama siya. But tao rin ako, minsan nagpapako ng pangako. Napamahal ako sa taong nagpakita ng pagmamahal at pagaaruga sakin. Nahulog ako at tuluyan ng nakalimot ng pangako.
Di ko sinasadya, hindi talaga. Pinilit kong kalimutan si Clavin. Mas pinili kong balikan si Chris kesa sa ipagpatuloy ang nararamdaman ko sa kanya. Masama man na pinaasa ko siya sa mga panahong yun pero wala akong magagawa.
Tao lang ako, nagkakamali rin.
Pero tama ba talaga ang ginagawa ko ngayon??
--- ----
Stubborn! Hmp!
Stubborn as ever!!!
BINABASA MO ANG
Coffee Please!!
Romance" You don't marry someone you can live with, you marry the person who you cannot live without... And I can't live without her" =Christian @fantasia2156 Copyright 2015 All Rights Reserved ……………………………………………… hi po!!! Sana magustuhan niyo po ang story...