"Sakin, pwede kang magtanong." Aniya. "Pero sa iba pang mga kasamahan mo, o makikilala mo dito wag mong gagawin." Halos bilin nitong payo sakin.
"Okay po."
"Kasi handa silang mapahamak ang iba, makaangat lang sila." Makahulugan nitong sabi sakin.
Napatitig ako sa kanya ng mapalingon ako sa pwesto nya.
Dumikit sya sakin ng kaunti.
"Dito lamang bukod tangging walang CCTV. Kaya ang mga tagalista ang karaniwang nakakatagal sa pagtatrabaho dito." Makahulugan nyang bulong sakin.
"Okay po," imik ko. "Naiintindihan ko na po."
"Mabuti at matalino ka. Wag kang magsasalita sa labas ng kahit anong nalalaman mo. Iba ang mundo dito sa loob ng hospital, Hija. Baka mapahamak ka kapag sinuway mo ang bilin ko."
Napalunok ako sa boses nyang tila nagbibigay babala sakin.
"Okay po." Halos pabulong kong sabi dito.
"Good." Pabulong nyang imik.
Lumayo na sya sakin ng kaunti.
"One week training ka pa lang naman kaya't more on tayo ang laging magkasama. Yung dating tagalista kasi, wala na," sabi nya sakin.
"Saan na po?"
"Isara mo na yan. Baka mamaya mangyakap yan sayo." Sabi nito sakin na ang tinitukoy nyang isara ko daw ay yung pinto ng fredge na nakabukas pa rin.
Sinunod ko naman sya.
"Tara na." Hindi nya ako sinagot.
Sumunod ako ng walang imik, lumabas kami ng kwarto at nagderetso kami sa table set na tila magiging opisina ko sa loob ng stock room.
"Dito ka, umupo ka dito." Aniya.
Sumunod pa rin ako ng walang imik.
Maraming nakahanay na record book sa gilid ng table.
"Ito ang record book ng mga medicine supplies, may mga code names ang mga yan, kaya ingat-ingat ka sa pagsusulat. I-check mo ng maigi." Sabi nya habang ipinakikita sakin ang bawat nilalaman ng mga record books.
"Ito naman ang record book ng mga injection needles. Marami yang klase, kaya ingat ka din sa pagsusulat mo, iche-check mo ng maigi palagi ang mga items na ililista mo."
"Ito naman ang record book ng mga oxygen supplies, ng mga dextrose, ng mga kumot and hospital bed sheets, marami pa yan. Basahin mo na lang."
"Ito naman ang record book ng mga fredge, doon sa loob, sa pinasok natin. Titingnan mo lang naman at babasahin ang mga yan, ang wala nang stock, yun lang ang ililista mo dito sa list of orders." Binigay nya agad sakin ang isang bond paper with hard board.
"Susundan mo lang itong mga record books, kung anong items ang mga nakasulat dito, yun lang ang pwede mong pagsama-samahin." Bilin nya agad. "Maselan kasi ang mga kumukuha ng orders, hindi yan pwedeng maghalo-halo, nagagalit sila pagganun. Kaya ide-depende mo na lang sa record book, para hindi mo mapaghalo-halo ang mga items." Aniya. "De bali nang magbalik-balik ka ng pagche-check, wag lang masira sa mga ahente." Bilin pa nito.
"Mga ahente?"
"May mga ahenteng pumupunta dito. Sila ang kumukuha ng orders, lahat ng listahan, ibibigay mo sakin at ako naman ang magpapasa nyan sa opisina ng mga boss natin. Sila ang magpa-finalize ng lahat ng mga orders." Paliwanag nito. "Sila ang mas pinakikinggan ng ating boss. Hindi sila pwedeng balewalain, Shawn. Malaking bagay din ang magkaroon ng friends na tulad nila."
Napapaisip ako ng sekreto...
Ang mga ahente?! Importante sa mga boss namin?
"Actually, yun lang ang alam ko. Pero kapag makita mo sila, para silang mga professionals, lagi silang naka-american suit." Sabi nito pagdaka ng matigilan ako at mapag-isip.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
General Fiction❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...