CHAPTER 26: Killing Yvonn

227 11 1
                                    

"Ang layo pala ng restroom." Ani, Andeng.

"Nandoon pa yon sa unahan. Bawal kasi tayo sa professional's comfort room, mapapagalitan tayo." Paliwanag ni Payya.

"Ay, pabalik na pala tayo." Imik naman ni Thea na medyo nalungkot.

"Sa susunod na lang, marami pa namang ibang araw na makakagala kayo rito sa 3rd floor." Sabi ni Payya sa kanila.

"Sa bagay, baka pag-ipunan ko ang pagpapatanggal ng scars sa katawan." Sabi na lang ni Thea.

"Huh? Mapeklat ka?" Takang tanong ko.

Lumiko kami sa isang hallway at sinusundan lamang namin si Payya.

"Oo, dahil laking probinsya ako. Madalas laging nagkaka-sugat dahil sa kaka-akyat sa mga puno." Paliwanag ni Thea.

"Uhhhh..." Imik na lang namin.

"Nandito na tayo." Ani, Payya.

Narating na namin ang public restroom ng 3rd floor.

"Pwede din kayong pumasok." Pag-aaya nya.

"Hindi naman ako naiihi, dito na lang ako." Sabi ni Malga.

"Ako rin." Anang iba pa.

"Ako, iihi ako para sigurado." Sabi ko naman agad.

Magkaiba kami ng cubicle na pinasukan pero magkatabi lang naman.

Since na walang tao at kami lamang dalawa ang nandoon.

May bidet sa tabi ng bowl kaya pwede din ang magbanyo dito in case na maje-jebs ang tao.

Ngunit sa kabilang cubicle, naririnig kong gumagamit ng bidet si Payya.

Huh? Ang bilis naman nyang gumamit ng bidet?! Kapapasok lang namin ah?!

"Shit naman talaga?!" Narinig kong bulong na usal ni Payya sa kabila.

Matalas lang ba ang pandinig ko o sadyang medyo malakas ang bulong nya?!

Parang nagtataka na rin ako sa uri ng pandinig ko. Hindi naman ako dati nakakarinig ng mga bulungan pero ngayon nakakarinig na ako!

Hindi na yata ako normal?! May hindi na yata tamang nangyayari sakin?!

Gusto ko na talagang magpatingin sa doktor o sa albularyo kaso wala naman akong panahon para isagawa ang nasa kalooban ko.

Nung unang pasok ko dito, lumakas ang psychic ability ko. Sumunod ang pakiramdam ko, sumunod ang pang-amoy ko, sumunod nun ang pandinig ko.

Anong meron ang mga Scargan at sa kanilang lugar mismo naglalabasan ang mga abilities na dati naman ay hindi lumalabas sakin?!

Anong meron at nangyayari sakin ito?!

"Hugh!" Narinig kong bumuntong hininga si Payya sa kabilang cubicle.

Bulong lang ba nya yon o sadyang naririnig ko talaga sya?!

Sa puntong ito, hindi ko na talaga maintindihan kung napapaano na ako?!

Talagang nararamdaman kong may hindi tama sa sakin?! Kaso kanino ako magtatanong? Wala namang may makakaintindi sakin! Sa pinagdaraanan ko both emotional and spiritual?! Sinong makakaintindi sakin?! Sinong makakaunawa?!

Yung hindi ako lalaitin o huhusgahan?!

SINO?!

Unti-unti ay nababalot na talaga ako ng pagkalito at marami nang katanungan ang siyang unti-unti na ring nalalagay sa isipan ko patungkol sa pagkatao ko.

Sino ba ako?!

Ano ba ako?!

Sino kaya ang tunay kong mga magulang?!

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon