Nakikinig lamang si Malga sa isang tabi ng walang kakibo-kibo. Ngunit, medyo napansin ni Enjien si Malga sa spot na yon, ng walang may nakakapansin sinuman samin.
"Teka, teka lang?! Parang may napapansin ako? Kinakampihan nyo yata si Shawn?" Inis ni Marissa kay ate Beth.
"Ipakita mo na lang kasi ang sinasabi mong ebidensya mo! Ang dami mo pang pautot!" Inis kong sabi dito. "Nagsisinungaling ka kasi eh." Asar ko pang sabi dito.
"Anong sinabi mo?! Ang kapal mo, anong palagay mo sa ginawa mo sa mukha ko! Sa mga pasa ko?! Malaking ebidensya to no!" Singhal sakin ni Marissa.
"Marissa! Bibig mo! Nasa harapan nyo ko." Mariing saway ni Enjien dito. "Para kang lion ah." Pahabol pa nitong komento.
Tinitigan sya ng mariin ni Marissa. Malalim ang kahulugan ng mga titig nito sa binata.
"Amo natin yan, Marissa. Wag kang ganyan!" Saway naman ni ate Beth.
"Yan ang reklamo sayo ng mga katrabaho mo, Marissa. Wala kang respeto, kahit ang mismong amo natin, binabastos mo." Anang lalaking head ng HR.
Hindi nito pinansin ang matandang lalaki. Basta sya nanahimik habang naiiyak na naman sa kawalan.
Tahimik lang din ako sa pagkakaupo ko. Basta ang ibabato lamang sakin ni Marissa ang siyang ibabalik ko sa kanya.
5 minutes na katahimikan sa loob ng kwarto.
"Ano ang dapat maging desisyon ko para sa inyong dalawa?" Ani, Enjien sa kawalan. "Matatanda na kayo, dapat meron kayong tinatawag na, GMRC." Makahulugan nitong sabi saming dalawa ni Marissa. "Sige! Kayo ang magsabi sakin ng dapat nating maging desisyon para sa inyo."
"Wala naman palang bullying na nangyayari, Marissa, kung makapag-reklamo ka kanina dito, daig mo pa ang malalang inapi?" Anang lalaking head ng HR kay Marissa.
"Meron, kaso hindi naman kayo naniniwala sakin! Purke ba walang video? Eh paano ko yon makukuhaan ng video, malay ko bang haharangin nya ko sa daan kasama ang mga kaibigan ko?!" Pagwe-welga nito sa matandang lalaki.
"Eh malay ba namin kung naninira ka lang, Marissa? Dapat meron talagang kunkretong ebidensya, hindi yung basta ka lang pupunta dito at gagawa ng ganitong eskandalo sa HR." Finally nagsalita na si ate Beth.
"He?!" Singhal nito kay ate Beth. "Isa ka pa! Meron kang pinapaburan dyan!"
Galit na sabi sa kanya ni Marissa.
"Nasaan na ang mga kaibigan mo?" Imik ni Doc Enjien dito. "Sabi mo, may testigo ka diba?"
"Nasa labas po sila, Doc. Sumama sila para lang talaga magtestigo sa ginawa nya sakin. Naawa lang sila kaya magti-testigo sila." Mahinahong sabi ni Marissa dito.
"Papasukin nga dito ang mga yon." Ani, Enjien.
Relax lang naman ako, basta kung ano lang ang itatapon nya sakin ang siya kung ibabalik sa kanya.
"Pwede po ba akong tumawag?" Pagpapaalam ko kay Doc Enjien. "Kasi tatawagan ko rin yung magte-testigo na ako ang hinarang ng mga katropa nya sa praternity." Deretso kong sabi kay Doc Enjien at tinitigan ko sya.
May hinuha na akong ang pag-iinarte ni Marissa ang siya nyang alas laban sakin, dahil kahit naman yata babaero ito ay sisimpatya ito sa babaeng to.
Syempre, alam kong may ginawa sya saking hindi maganda noon kaya't susubukan ko ring mag-inarte ng bahagya dito.
"Praternity?" Sabay baling ni Enjien kay Marissa.
Biglang umakyat ang dugo sa ulo ni Marissa ng banggitin ko ang salitang praternity.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Ficción General❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...