CHAPTER 16: The 6th Floor

318 14 2
                                    

Naka-shades sila ng sosyal at halata namang mamahalin, tatlo sila at si Miss Malgaritte lamang ng kilala ko sa tatlo.

May dalawa syang kasama na mga mas bata sa kanya ng edad ngunit walang tulak-kabigin sa kanila, pare-pareho silang magaganda, makikinis at mga seksi.

Bale apat pala kaming nasa unahan nila, ako, si ate Beth at dalawa pang mga naka-uniform ng pang-assistant staff.

May kasama pala silang babaeng assasin na tila bumabakod sa kanilang tatlo. Naka-american suit din ito ng pambabae at naka-shades ng katulad sa mga ahente ng hospital.

Pababa na muli ang elevator para sa aming mga bababa ng ground floor.

"Sino sila, ate Beth?" Taka kong tanong na pabulong sa kasama ko.

"Magpipinsan ang mga yon." Sagot lamang nito. "May mga kapatid pa si Doc Khun, iyon ang mga magulang nun." Dagdag pa nitong sabi.

****

Sa faculty....

"Ito ang pwesto ng 6th floor. Ganun lang din ang method na gagamitin mo sa kumpaano mo ichine-check ang attendance ng ground floor." Sabi nito.

"Okay po, ate Beth."

"Tapos ito lang ang problema." Ani, Beth pagdaka.

"Bakit po?" Taka ko agad.

"Paano kapag may hahanapin ka palang tao." Ibig sabihin nya ay mga hindi nakapag-thumbs sa attendance monitor.

"Eh okay lang po, hahanapin ko na lang." Imik kong wala ding ideya.

"Hindi, sige! Isulat mo na lang ang mga whole names nila at ako na lang ang maghahanap sa kanila if ever na wala silang thumb in print dito sa monitor." Sabi na lang nito agad. "Kainis si Arthuro! Nadagdagan pa nga naman ang gagawin ko sa araw na ito!" Dismayadong imik nito sa kawalan.

"Sige po."

Wala na si Beth at ako na lamang ang mag-isang nag-umpisa ng mga duties ko.

Madali akong kumilos sa paraan ko ng pag-chi-check ng mga attendance. With in one hour ay nagawa ko nang matapos ang attendance checking. Parehong time cards ng Ground floor at 6th floor.

Thanks God! Gifted ako sa mabilis kumilos....

Pabalik ako nang stock room upang unahin ang gawain ko don.

"Hi, Shawn..." Bati sakin ni Ramon.

Makakasalubong ko kasi sya sa pasilyo ng ground floor papuntang stock room.

"Oh, Hi, Ramon..." Imik kong balik dito.

"Paki-list naman ako ng syringe.... Naubos na doon eh. Sana magkaroon na mamayang hapon." Sabi ni Ramon sakin.

"Syringe?"

"Oo, yung ginagamit sa pagtuturok."

"Uh okay. I see it na lang..."

"Wala nang stock ron eh." Pa-reklamong imik nito.

"May lista ako nun kahapon, maybe magkaroon na nga mamayang hapon." Sabi ko dito.

"Alam mo, sana masabihan mo ang roam attendant ng night shift! Hindi sya maayos maglista ng mga stocks. Kulang-kulang!" Inis nito sa kawalan.

"Uhm, kapag nakita ko sya, sabihin ko sa kanya." Imik ko na lang.

"Pasabi na lang huh, kasi nire-reklamo na sya ng iba pang mga katrabaho nya eh. Akala nya siguro, hindi importante sa hospital na ito ang tina-trabaho nyo!" Sabi pa nito na dismayado ang tono.

Aba! Dismayado yata ang mga tao ngayon araw!

"Wag kang mag-alala, sasabihan ko sya."

"Alam mo, mabilis lang tumanggap dito ng empleyado at mabilis ding magpaalis. Sana hindi ka magbago! Kasi sya, magaling lang sya nung bago eh, tapos ngayon waley na." Sabi pa nito sakin.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon