Tumingin silang dalawa sakin....
"Ikaw? Bago ka lang ba?" Anang babae.
"Oo eh, ngayong araw lang." Sagot ko agad.
"Uhhhh... Pasilip na lang doon. Kailangan na naming umalis eh.
I-prioritize mo na lang yung blood type O+ at O-. Wala nang stock non eh." Anang lalaki."Okay, got it." Sabi ko na lang sa kanila.
Agad na silang umalis sa harapan ko.
Agad ko namang ginawa ang sinabi ng lalaki. May mga tao akong kasama sa loob ng cold room.
Nandoon nga yung lalaking nagpapalit ng eggcell freezer. Nakikita ko at napupuna na inaayos nya ang pagkakalagay ng freezer sa pwesto nito sa dulo sa kanang corner.
Medyo nakakadama ako ng kilabot, dahil nakita nga naming nandoon ang bangkay ni Mitzi kaninang umaga.
"Ikaw ba ang tagalista dito sa ground floor?" Tanong ng isang lalaking nakasuot ng katulad ng uniform ni Mitzi.
"Uh, Oo ako nga." Imik ko agad dito matapos ko syang lingunin.
"Pakilista na lang ng human skin dyan. Paki-prioritize na lang, please." Sabi nya sakin.
"Okay, got it." Sabi agad dito.
"Saka isama mo na ding ilista ang tilapia skin, mauubos na ngayong araw panigurado." Sabi pa nya habang nakatingin sa mga bagay na bibitbitin nya paalis.
"Okay, wala na ba?" Imik ko agad.
"Yun lang, thanks." Imik na lang nya saka na ito umalis.
"Miss, wag mo nang pakialaman yung nasa dulong eggcell freezer ah. Ako nang mag-aayos nun bukas." Sabi sakin ng lalaking nag-aayos doon kanina.
"Okay po." Imik ko dito na hindi ko man lang sya tiningnan dahil nagsusulat ako sa aking listahan.
"Bago ka lang ba dito?" Aniya.
"Opo, ngayong araw lang." Magaang sagot ko dito.
Saka ko sya tiningnan nang matapos ko nang maisulat ang lahat ng binilin sakin ng lalaki kanina.
"Anong pangalan mo?" Tanong pa niya.
Malaya ko syang napagmasdan dahil nakatingin sya sa dulo sa pwesto ng eggcell freezer.
"Shawn po." Magalang kong sagot.
Tigasin syang lalaki base sa aura ng mukha nya, boses at pangangatawan.
Fitted syang tao, parang katawan at tindig ng isang sundalong nasa training.
Matangkad sya sa height na 5'10 at base sa itsora ng mga wrinkles nya sa mukha, nasa 40 years old na ito.
Malakas syang tingnan, hindi halata sa kanyang edad ang kanyang katandaan. Nga lang, tila isa sya sa mga klase ng tao na pwedeng mabayaran para sa maduming gawain.
"Shawn Poe?" Anang lalaki. "Kaano-ano mo si Senator Grace Poe?" Biro nyang natawa agad.
"Huh?" Napataka ako dito.
"Biro lang, Hija. Wala kasing may nagpo-po sakin dito eh. Akala ko lahat ng GenZ ganun na." Paliwanag nya pagdaka saka mas natawa.
"Ay, grabe naman sila, Sir." Naging imik ko na lamang dito.
"Hindi ako, Sir. Manong Kiko, yun ang tawag sakin dito." Magaan nyang sabi.
"Hello po, Manong Kiko. Okay po, hindi ko yon gagalawin." Sabi ko na lang dito.
Matapos nun ay nagpaalaman na kami at agad na syang umalis pagdaka.
Naiwanan na nga kami ng natitirang babae na may kinukuha sa freezer ng mga buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/215380859-288-k193656.jpg)
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Ficción General❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...