Ika-6 day.....
Nakarating na kami sa hospital ng mga 8:35am....
Actually nahirapan akong makatulog dahil sa mga nasaksihan ko kagabi.
Kasama ko palagi sa pagpasok si Malga. Matapos mag-time in ay dumeretso na ako sa mga stock room.
Nakarating ako ng eksaktong 9:00 o'clock.
Wala na doon si Marissa....
Bakante na ang table at wala doon ang mga record books.
Hala?! Bakit wala dito sa lamesa ang mga record books.
Iniayos ko ang mga gamit ko sa bakanteng cabinet na para sa roam attendants ng ground floor.
Hala?! Wala din ang nakahandang paper bond para sa list of orders?
Bakit kaya? May bagong issue na naman kaya?
Wala akong magagamit na papel para maging listahan kaya naiisip ko nang magsadya sa HR para makahingi ng papel.
May pumasok na mga asssistant staffs na kukuha ng mga stocks sa loob.
Pumasok din sa loob si ate Beth. Dala na nito ang mga record books...
"Ay, ate Beth, wala dito ang mga record books?" Tanong ko agad dito.
"Oo, kasi ito oh, dinala ko." Ani, Beth. "Ipinakuha ng mga ahente, eh kasi sinabi sa kanila ni Doc Enjien na tatanggalin na daw sa mga gawain ng night shift roam attendants ang maglista ng stocks. Day shift roam attendants na lamang ang gagawa nito sa araw." Paliwanag sakin ni Beth.
Nagtaka ako at naisip ko agad si Marissa.
"Uhm, ate Beth, gawain din ba ng mga night shift roam attendants yan dati?" Tanong ko. I mean, maglista din ng stocks sa gabi.
"Oo, lahat ng roam attendants, malista talaga ang pinaka gawain. Bunos na lang talaga yung mauutusan sila dahil sa pagro-roaming nila kapag bakante ang kanilang stock room." Paliwanag nito.
"Eh kahapon, nakausap ko si Marissa. Sabi nya hindi naman talaga gawain ng mga roam attendant sa pang-gabi ang maglista, roaming lang talaga ang ginagawa nila, so ako, sabi ko naman, sige! Ako na lang ang maglilista, idadamay ko nang ipaglista ang panggabi." Mahabang paliwanag ko.
"Hala?! Sayo pala galing yung salita na yon? Ikaw pala ang nagsabi nun?" Gulantang na sabi ni Beth.
"Ay, bakit po? May mali po ba?" Taka kong patanong dito.
Nagulat din ako sa reaction nya.
"Naku! Magagalit nito ngayon ang iba pang mga roam attendants ng day shift." Ani, Beth na nadismaya.
"Ay, bakit naman po? Dahil po ba sa sinabi ko kaya nagbago ang mga duties?" Taka kong tanong.
"Sinabi kasi yon ni Marissa sa anak ng may-ari, kay Doc Enjien. Ano ba naman yan, Shawn. Hindi mo pa ba alam? Wala bang may nagsabi sayo? Tuta yan ni Young Lord Enjien." Pabulong nitong paliwanag. "Kaya kahit i-reklamo pa yan ng paulit-ulit, eh walang mangyayari!" Dagdag pa nito.
"Dapat makausap ko si Marissa ngayon, ate Beth." Sabi ko dahil kinabahan din ako ng bahagya.
"Oh tara, sumama ka. Nasa 11th floor pa si Marissa." Sabi ni Beth dito.
Agad akong sumama nang mailapag na ang mga record books sa office table ng stock room.
May tinawagan si Beth sa kanyang inilabas na cellphone habang naglalakad sa hallway kami papuntang elevator.
"Hello, Manong Kiko, paki-intercom nga ang lahat ng mga roam attendants na nandito sa building. Pang-araw saka pang-gabi kung meron pang nandito." Hiling nito sa kausap.
![](https://img.wattpad.com/cover/215380859-288-k193656.jpg)
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Ficção Geral❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...