Pinuntahan nila si Marissa sa kabilang kwarto. Naunang pumasok si Mang Kiko at binuksan nito ang ilaw ng bakanteng kwarto.
"Mang Kiko? Bakit ako nandito?" Nagtatakang tanong ni Marissa habang natataranta ito sa naging presensya ni Mang Kiko.
Sabay pasok naman ni Enjien sa loob ng kwarto. Natulala sa kawalan si Marissa sa nakita nyang pagpasok ni Enjien sa loob.
"Doc Enjien?" Halos pabulong nitong sabi sa lalaki.
"Good evening, Marissa." Masungit nitong bati sa babae.
Nakatali ang braso, kamay at binti ni Marissa sa pagkakaupo nito sa karpet ng bakanteng kwarto.
"Doc, ano to?" Pagtatakang patanong pa nito Marissa sa lalaki.
Kumuha ng upuan si Mang Kiko at umupo naman doon si Enjien.
"Bakit may ganito? Anong ibig sabihin nito, Doc?" Paawang sabi ni Marissa na may halong lambing sa doctor.
May bahagyang takot din sa kalooban nya sa mga oras na ito.
"Ano sa palagay mo ang dahilan kaya ka nandito, Marissa?" Galit na tinig ni Enjien sa kanya.
"Doc, pag-usapan natin to ng maayos." pagmamakaawa ni Marissa sa lalaki.
Ngunit, masamang titig lamang ang ibinigay sa kanya ni Enjien. Nanahimik lamang si Mang Kiko sa tabi ng kinauupuan ng kanyang amo.
"Mag-uusap talaga tayo, Marissa. Hindi ko nagustohan ang kumpaano mo ko tinatrato kanina sa meeting." Galit nitong kompronta sa babae.
"Eh kasi nagtatampo lang naman ako dahil hindi nyo ko kinampihan eh." Paliwanag ni Marissa sabay umiyak sa harapan ng amo. "Pakiramdam ko kanina, napagtulungan nila ako at hinayaan mo lang yon." Dagdag pa nitong sabi.
"Bakit ka kasi naninira?! Nasa trabaho ka, Marissa! Ano bang feeling mo sa sarili mo, huh?!" Galit na sumbat sa kanya ni Enjien. "Boss ninyo ko ng mga oras na yon at hindi rin tayo lovers! Naglalandian lang tayong dalawa!" Galit pang sabi ni Enjien dito. "Matuto kang lumugar!"
Umiyak lang ng umiyak si Marissa sa harapan ni Enjien.
"Sinusunod ko ang lahat ng mga sex fantasies mo, dahil akala ko, mag-on tayo, tinatawag mo pa akong Babe?! Manloloko ka pala!" Sumbat ni Marissa sa lalaki.
"Bayad ka, Marissa! Bawat perang ibinibigay ko sayo, kabayaran yon sa talent fee mo." Sumbat naman ni Enjien dito. "Wala kang galang sakin! Hinahayaan na nga kitang magpantasya, pero sumusobra ka na! Sobrang nagagalit ako sa ginawa mong pamamahiya sakin?! Sino ka para titigan ako ng masama at irap-irapan kanina huh?!" May halong gigil ang mga labi nito.
"Edi sorry, kasi ikaw eh, ayoko sa babae na yon. Tanggalin mo na sya sa trabaho, masyado syang paepal." Reklamo na lang ni Marissa.
Uhhhh manipulative person pala itong si Marissa. Naging komento ng isipan ko.
"Hindi ka na masusunod pa sa pagkakataon na ito, Marissa. Bwesit kang babae ka, matapos mo kong bastusin. Hindi na kita kailangan pa, wag ka nang lalapit pa sakin at talagang sasamain ka na." Galit na pagbabatas sa kanya ni Enjien.
Sa pagkakataon na ito ay talagang umiyak na ng totoo si Marissa.
"Hihiwalayan mo ko dahil lang sa babae na yon?" Naiiyak sya ng totoo dahil alam kong nag-iinarte lamang sya kanina.
"Walang tayo, Marissa. Matapos ng ginawa mong pamamahiya sakin, hindi ko na kailangan pa ang katawan mo. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho at hindi mapahamak ang buhay mo, wag kang gagawa ng eskandalo kahit kailan." Huling sinabi ni Enjien sa babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/215380859-288-k193656.jpg)
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
General Fiction❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...