CHAPTER 27: Marissa Vs Shawn

234 12 0
                                    

Mga nakaitim silang damit, as in all black suit at meron din silang mga gwantes na kulay itim.

Wala silang magiging pagkakakilanlan! Nasabi agad ng isipan ko.

May dala rin silang pamalo at ang ilan sa kanila ay may lanseta pang nilalaro sa kanilang mga kamay.

Mabagsik silang nakatitig samin, halata namang kami ang kanilang pagti-tripan dahil sa amin lamang sila naka-focuss.

Nagtakbohan ang mga taong nakakita sa kanila, ang mga nadaan naming tindahan ay nagsipag-sara na ng kanilang pwesto.

Tila walang may makikialam isa man sa mga taong nandoon, nag-alisan ang lahat at tila ayaw nilang madamay.

Naalerto kami ni Malga habang nagtataka sa kanilang ginawang panghaharang samin.

Napahawak si Malga ng mahigpit sa kaliwang braso ko at saka nagtago sa likuran ko.

"Malga, humanda ka ah, kapag may sumugod sakin, tumakbo ka agad palayo!" Mariing bulong ko dito.

"Eh paano ka?! Mukhang mga halang ang kaluluwa ng mga yan oh?!" Mariin nitong pagtanggi.

"Kayang-kaya ko ang sarili ko, ang kailangan lang ay walang pabigat, kung hindi mo kakayaning labanan sila tulad ko, lumayo ka na lang. Mas magandang tulong sakin yon dahil wala akong iisiping kakampi." Bulong kong paliwanag dito.

"Sige!" Ani, Malga. "Basta mag-iingat ka." Bilin nyang bulong sakin.

"Hey!" Boses ng lalaking nasa unahan na katapat ko. "Ano ngang pangalan mo?" Nanunuya sakin ang tinig nito.

Hindi ako sumagot, pinagkatitigan ko lang sya at pilit na kinikilala.

Sinisipat ko ang bawat hilatya ng kanyang kabuoan upang makahanap ng posibleng pananda sa kanyang pagkakakilanlan.

Maging si Malga ay napipi rin tulad ko.

"Ano na?! Bakit hindi ka sumasagot?!" Galit na sabi naman ng nasa gawing kanan.

"Teka?! Sino ba kayo?" Taka kong tanong. "Bakit nyo kami hinaharang?"

"Mga holdaper ba kayo?" Takot na tanong ni Malga sa mga ito. "Shawn, tumakbo na kaya tayo!" Nangangatog na pala ang mga kalamnan nito sa matinding takot na pinaglalabanan.

"Hindi pwede, Malga. Marami yata sila." Bulong ko dito.

"Wala kaming pakialam sa pera nyo! May atraso ka sa kagrupo namin kaya ka namin hinarang ngayon! At yung pera nyo?! Yes! Oo, pwede rin naming kunin! Bakit hindi?!" Maangas na sabi ng nasa unahan.

"Teka lang?! Anong atraso ang sinasabi mo?!" Taka kong tanong dito agad.

"Anong pangalan mo nga uli?!" Anang lalaki. "Shawn Empire?!"

"Bakit mo ko kilala?!" Nakadama ako ng panganib ng sabihin nya ang pangalan ko. "Saan mo nalaman ang pangalan ko?!"

"Bakit kilala ka nya, Shawn?" Takang bulong sakin ni Malga.

"Nalaman ko kay ano, lang naman! Kay Marissa na kagrupo namin! Ano ngang ginawa mo sa kanya?! Binully mo lang naman!" Mabagsik na sabi nito sakin.

"Marissa?" Patanong ko sabi.

"Sino si Marissa, Shawn?"

Naalala kong bigla ang sinabi ni ate Beth.....

May praternity group si Marissa at pwede akong ipaharang nito upang ipabugbog.

Baka sila na nga yon?!
Nagkatotoo nga ang sinabi ni ate Beth sakin. Imik ko pa sa aking isipan.

"Kilala ko na, si Marissa pala ang leader ninyo?! How sad?! Mga lalaki pa man din kayo pero tao-tao lang pala kayo ng isang babaeng katulad nya na mahilig mam-bully!" Maangas kong sabi dito. "Wala naman palang binatbat at sumbong agad kapag dinaig." Dagdag ko pa.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon