Ngunit sa puso ni Mitzi, hindi nya ito gusto. Nag-aangaw sa kanyang isipan ang dalawang uri ng konsensya na meron sya.
Agam-agam sa pangangarap ng mataas, at kumpyansang nais nyang makuha ang matagal nang minimithi sa ganung kaparaanan.
Sa mga oras na iyon....
Tila mas matimbang kay na Mitzi ang isuko ang kanyang matagal nang pangarap.
Ang magpa-palit ng kasarian....
Pangarap nga nya ito, ngunit hindi pa nya nais nang agarang pagde-desisyon. Sa naging kasunduan nilang dalawa ay tila na-pressure syang magdesisyon sa madaliang panahon.
Marami pa syang isinasaalang-alang na mga bagay, marami syang tao na mariing inaalala, marami syang bagay na ikinukonsedera matapos ng magiging operasyon nya.
Sa katotohanan, wala pa sya sa punto at sukdulan na handa na syang magpabago ng kasarian.
"Pero habang buhay ko itong dadalhin, Sir. Hindi ko kaya! Ayoko ng ganito----"
"----- ganun talaga ang mararamdaman mo! Dahil wala ka ngang napala! Hindi mo makakalimutan ang mga nangyari dahil wala kang nakuha maski katiting. Ngayon ka lang naman magpapagal, Mitzi. Kung hindi sayong katawan yan at hindi mo gusto sa ganyang kataohan, at yan lang ang meron ka, yan lang naman talaga ang meron ka! Gamitin mo yan para makuha ang gusto mo! Gawin mong makuha ang pwesto sa mundong ito na dapat para sayo!" Mahabang paliwanag ng lalaki dito.
May tama naman sya sa puntong ito...
Dahilan para mabalik kay Mitzi ang desisyong ituloy na namang muli ang kanilang naging kasunduan. Kahit ang puso nya na mismo ang umaayaw.
Mas pinili ni Mitzi ang pangarap dahil sa mga naging paliwanag ni Enjien sa kanya.
"Pagkatapos mong makuha ang gusto mo! Swear it, Mitzi, makakalimutan mo na ang lahat ng mga ito! Lahat ng ito ay proseso lamang, okay lang sakin na umiyak ka, kasi naiintindihan ko namang katawan mo lang ang kaya mong ipagpalit. Wala kang kahit anong kakayanan para ibayad sakin. Kaya gawin mo, para sa pinapangarap mo!" Sabi pa ng lalaki sa kanya. "Mag-isip ka ng matino, Mitzi. Swerte ka ngang naging kaibigan mo ko! Dahil sa katunayan ay murang-mura na itong hinihingi ko, kumpara sa makukuha mo sakin at sa ibibigay ko sayo."
Sa bagay na iyon...
Muling nakuha ng lalaki ang pagpayag na ito ni Mitzi.
Ginawa muli ni Mitzi ang utos ng kanyang amo, makipagtalik sya dito kahit ayaw ng kanyang damdamin at kaisipan.
Nagniig sila sa mismong office chair ng opisina nito.
Para na akong nanonood ng porno sa pagkakataong ito, hindi ko na makilala pa si Mitzi dahil sa laswa ng kanilang ginagawa.
Parang wala na si Mitzi sa kanyang katinuan habang sumusunod sa kalooban ng doctor na ito.
Ngunit, habang nangyayari ito, nararamdaman ko naman personally ang malakas na enerhiya na nanggagaling sa kunsaan.
Nakakakilabot ito sa aking pakiramdam, tila hindi tao ang doctor na ito, base sa presensya nyang nararamdaman ko sa buong silid.
Natapos na ang kanilang himala, at ganun pa rin naman.
Umiiyak pa rin si Mitzi dahil labag ito sa kanyang kalooban.
"Hindi ka na pwedeng umatras, Mitzi. Habang buhay mo nang dadalhin ito sa alaala mo. Mamili ka na lang ng magiging invesment nyang sama ng loob mo, gumanda ang buhay mo o maging miserable ka na lang habang buhay?" Sabi sa kanya ng doctor habang nagbibihis ng damit.
Hindi kumibo si Mitzi sa paanan ng nakaupong lalaki sa chair ng office table.
"Lahat ng tao, may kailangang isakripisyo para sa mga bagay na nais nilang makuha. Walang libre sa mundo, Mitzi, yan ang totoo. Ang lahat ay may katapat na presyo. Nasa sa iyo kung alin ang nais mong pagbayaran para sa mga nais mong makamit." Sabi pa ng lalaki dito. "Tibayan mo na lang ang loob mo, Mitzi. Kayanin mo ang mga bagay na ito. Maliit na bagay lamang ito kumpara sa isinasakripisyo ng ibang mga tao, makuha lang ang mga nais nila." Dagdag pa nitong pangaral sa babae.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Fiction générale❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...