CHAPTER 9: Ang Mga Ahente

268 13 0
                                    

Pagbalik ko nang stock room sa ground floor.

Nandoon si ate Beth sa lamesa ko at sya ang nag-aasikaso ng mga dapat sana ay ako ang nagta-trabaho.

"Ay! Ako na po nyan, ate Beth. Pasensya na po natagalan ako sa 3rd floor." Magalang kong sabi dito.

"Okay lang, tapos na rin naman ako sa report ko. Magtatanghalian na rin." Sabi nito sakin.

"Okay po," nahihiya kong sabi dito.

Hindi ko na sya pinakialaman pa sa mga ginagawa nya sa lamesa ko.

"Shawn, kapag humingi ng pabor ang mga yon, pagbibigyan mo." Ani, ate Beth. "Lahat naman ng tao ay may masamang ugali. Given na iyon sating mga tao." Dagdag pa nito.

"Okay po." Mahina kong imik.

"Si Doc Enjien ay anak ng may-ari ng hospital na ito. Mabait na tao yon, pero mahilig nga lang mag-utos." Pauna muli nito.

Nakinig na lang ako sa kanya.

"Mahirap kasing kumilos sa trabaho kapag mainit ang dugo sayo ng mismong amo." Makahulugang imik nito sakin.

Wala lang akong imik dito...

"Dahil sila ang amo, lahat ng nais nila ay magagawa nila." Sabi pa nito. "Given na yon, kahit saang lugar ka mapunta o ibang bahay man, kunsino ang hari, yon ang batas." Makahulugan pa nitong sabi.

"Okay po,"

"Sinasabihan kita, Shawn. Marami nang nagtrabaho dito na hindi nagtagal. Alam mo kumbakit?" Aniya na tumingin agad saking mga mata. "Dahil lang sa nagalit ang amo."

Nakatitig lang din ako sa mga mata nya. Saka tumango ako dito ng marahan.

"Dahil bago ka lang, asahan mo nang malimit kang mahihingian ng pabor ng mga tao dito. Syempre makikisama ka, hindi ka pwedeng basta tatanggi katulad ng ginawa ko kanina. Kaya tama lang ang ginawa mo, nag-alok ka ng extravagant sa anak ng ating amo. Malakas na kalasag yan laban sa mga taong sisira sayo sa trabahong ito pagdating ng araw." Mahaba pa nitong paliwanag.

"Okay po, ate Beth." Magaan kong sabi dito.

"Ang trabaho mo dito sa stock room, mahirap man dahil may hinahabol na deadline. Wag ka pa ring makaka-kalimot na makisama sa mga katrabaho mo." Dagdag pa nitong payo.

"Okay po,"

"Ngayon mo lang ako makakasama, dahil ako ang nagtuturo sayo. Matapos ng isang linggo, bihira mo na lamang akong makikita. Ako kasi ang naging Commander Leader ng mga low staffs sa buong building na ito. Hindi lang dito sa ground floor ang dapat na bigyan ko ng atensyon." Mahaba pa nitong sabi pagdaka.

"Opo, ate Beth." Imik na lamang muli.

"Okay, natapos ko na ang paglilista dito sa labas ng stock room. Doon ka na lang mamayang hapon sa cold room." Sabi na lang nito.

"Uh, sige po."

"Halika na, 12:08am na. Tanghalian na natin." Sabi nito at saka tumayo sa kanyang upuan. "Balikan mo na lang ito ng after lunch. Tapos i-review mo na lang ang mga nakalista dyan para mai-finalize mo muna ang lahat bago ibigay sa ahente mamayang 4:30pm." Bilin pa nito pagdaka.

"Okay po."

****

Sa hallway papuntang Canteen...

"Sasabay ka ba sakin? Kasi sasabay ako sa lunch ng iba pang mga leaders dito sa building. Nandoon din si Doc Enjien, sya muna ang kakatawan sa kanilang pamilya, kaya sasabay sya sa aming tanghalian." Sabi nito sakin habang naglalakad kami sa hallway.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon