CHAPTER 21: Pabor Para Kay Mr. Khun

231 13 0
                                    

Bumalik na ako ng ground floor....

Maraming mga taong nandoon.

May bahagyang pagtataka sa isipan ko habang pinagmamasdan ko silang naghahanap ng mga bagay na kailangan nila, naisip ko na lang na, kaya mga aligaga sila ay dahil marami na namang o-operahan.

Papasok na ako sa loob para pumunta sa table ko nang may lumabas na assistant staff mula sa cold room.

"Wala pa bang deliver ng human parts?!" Anang lalaki na assistant staff.

Agad akong kinabahan dahil kaninang umaga ko lamang napansin na halos mauubos na ang mga stocks sa cold room.

"Uhm, naglista ako kanina, baka bukas pa ma-deliver." Sabi ko agad dito.

"Bukas pa?! Eh anong dadalhin kong liver ngayon sa operating room?" Anang assistant staff.

Shiiittteee! Mapapa-trouble pa yata ako!

Agad kong tiningnan ang record ko kanina sa mga list of orders.

Hinanap ko agad kung ilan pang liver ang meron don kaninang umaga.

"Naku! Eh apat pa ang nandyan kanina." Sabi ko naman agad.

"Hindi yon compatible sa reciever ngayon." Sabi naman ng assistant staff.

"Ngayon na ba talaga o-operahan?" Tanong ko habang malakas ang kabog ng puso ko.

"Oo, kailangan na daw eh." Anang assistant staff na ikot din ang pwet maghanap ng madadala sa operating room.

"Naku! Kalilista ko lang kaninang umaga. Bukas pa yon ng hapon made-deliver."  Sabi kong medyo kabado na rin at nakakadama ng tension.

"Shit, paano yan?!" Anang lalaki.

Oh my God! What shall I do now?!

I need some help! Pagtawag ko ng tulong.

Bigla na lang, nagkaroon ng ideya ang isip ko.

Since na ako ang tagalista, I can do adjust the delivery time using my pen.

"Ganito na lang, anong oras o-operahan ang pasyente?" Tanong ko dito.

"Mamayang 9:30pm." Anang lalaking assistant staff.

Inihanda ko ang list of orders ko upang idagdag na mailista ang parts na ipapa-prioritize sa mga ahente.

"Anong type ng liver ang kailangan nya?" Tanong ko dito.

"Type B negative." Anang lalaki. "Makakakuha ka ba?" Agad nyang tanong

"Pwede kong ipa-prioritize para makahabol sa oras ng operasyon." Sagot ko dito.

"Sana magawa mo, pwede kang matanggal sa trabaho kapag walang nagamit mamayang 9:00pm." Masungit na sabi ng nadi-dismayang lalaki.

Hindi ako nakapagsalita para doon, umalis sya nang walang napala, dahil hindi nya nakuha ang kailangan nya sa cold room.

Patay tayo ngayon! Baka mapagalitan ako nito!

Naalala ko tuloy ang sinabi ko sa mga ahente at pati na rin kay ate Beth noon.

Basta estimation, hindi ako mapapahiya. Tinig ko na naulit lang sa isipan ko.

Naupo na lamang ako sa upuan na nadidismaya sa result ng trabaho ko ngayong araw.

Shit! Mala-mala akong mapagalitan ni ate Beth.... Sabi ko sarili ko.

Kabado ako habang nananahimik sa kawalan, habang nakatitig sa list of orders ko.

Lampasan lamang ang mga taong nandon, hindi ko sila mapansin dahil napapaisip ako sa pwedeng maging resulta ng trabaho ko ngayong araw.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon