"Magpapa-palit sya ng kasarian?" Naging komento ko.
"Eh wala na ngayon dahil patay na sya." Malungkot na sabi ni Barbara.
Nanghinayang ang dalawang babae para sa nasayang na buhay ni Mitzi.
Ako man, na may nakitang kaperasong katotohanan.
Ngunit wala naman akong lakas ng loob upang masabi ko sa kanila ang posibleng gumawa nito sa pobreng si Mitzi.
Matatago sa aking isipan ang lihim sa likod ng pagkamatay nito.
Ang alam ko lang kasi ay lalaki ito. Pero yung pagkakakilanlan, yun naman ang hindi ko nakita ng malinaw. Kahit nga ang mismong wangis ni Mitzi sa mga nakita kong malalabong imahe ay hindi rin malinaw.
Tila natakot ako sa hospital na ito.
Unang araw ko dito pero, sinalubong agad ako ng nakakatakot na bagay, katulad na lamang nito.
****
Dinala na ang bangkay ni Mitzi sa morgue ng hospital.
Ang lahat ng mga nakakakilala dito ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kawawang tomboy.
Hindi pa rin makapaniwala ang dalawang babae na patay na nga talaga ito.
"Shawn, halika. Mag-usap tayong dalawa." Sabi sakin ni Beth at dinala ako nito sa walang taong lugar.
"Ano po yun?" Pagtataka ko.
"Paano mo yon nalaman?" Aniya. "Na may bangkay doon sa freezer?"
"Ho?!" Naging imik ko sa pagkagulat.
Ay! Oo nga no! Ako nga pala ang nagpumilit na buksan namin ang freezer na yon.
"Uh, hindi ko po alam ang sinasabi ninyo." Pinili kong itanggi ito sa kanya.
Dahil hindi naman ako sigurado sa mga nagawa ko.
Ito pa lamang ang unang beses na nangyari sakin ang may nakita akong namayapang tao, saka ng makakita at makarinig ng mga hindi inaasahang pangyayari na tila nangyari na sa nakaraan.
Hanggang ngayon ay nahihiwagaan ako kumbakit nagawa kong makakita ng mga ganung bagay sa isipan ko.
"Pareho nating nakita si Mitzi, tama ba? Alam kong nakita mo sya dahil nakatitig ka din don sa pintoan."
"Actually po, hindi ko din maintindihan ang mga nakita natin kanina. Sa tingin ko po, may malakas lang akong instinct." Pagdadahilan ko dito.
"Wala kang nakitang tao kanina?" Ani, Beth sakin na tila nagkakaroon na naman sya ng takot na baka sya nga lang talaga ang nakakita sa pagpasok ni Mitzi sa cold room kanina.
"Nakita ko nga rin po yon, kaso nga lang, hindi normal ang itsora nya, at dahil pumasok nga sya sa cold room, na-instinct ko agad na baka namatay na ito." Paliwanag kong palusot.
"May 3rd eye ka yata...." Bulong sakin ni Beth.
"Ho?! 3rd eye po?" Imik kong nagtaka dito.
"Actually, 15 years na akong Commander Leader ng mga low staffs dito. Marami na akong nasaksihan na mga taong may 3rd eye at lahat sila bigla na lang nawawala at hanggang ngayon, classified pa ang imbestigasyon." Paliwanag nito sakin.
Nanahimik ako sa tipo ng pananalita nya. Tila nakakaramdam ako ng pagbabanta sa aking buhay.
"Wag mong ipagsasabi ang naging pangyayari, gagawa na lamang kami ng kwento ni Barbara para mapagtakpan ang ability mo."
"Wala naman po akong ability eh?" Imik ko dito. "Basta ko nga lang po na-instinct yon. Kung ayaw ninyong pag-usapan ang nangyari kanina, okay lang po. Wala akong pagku-kwentohan."
![](https://img.wattpad.com/cover/215380859-288-k193656.jpg)
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Ficção Geral❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...