CHAPTER 12: Elevator

257 13 0
                                    

Hapon....

Nagchi-check ako ng mga attendance sa faculty....

Naka-sabay ko ang roam attendant ng 11th floor, nakapwesto sya sa gawing kanan ko.

"Hi, Shawn." Imik nya sakin.

Nilingon ko sya para makita.

"Oh, Hi, Hello." Magaang imik ko dito.

"Bago ka lang ba dito?" Aniya.

"Oo, nung isang araw lang." Sagot ko. "Teka? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Taka kong tanong dito.

"Nakilala mo na ba si Miss Malgaritte?" Sabi nito sakin.

"Uh, hindi pa?" Taka kong sagot.

"Sya ang dahilan kaya ka nagkatrabaho." Sabi nito sakin ng may kahulugan.

Nakangiti naman sya pero naging maanghang saking pandinig ang tinuran nya.

"So pasasalamatan ko ba sya?" Taka ko pa ding sabi.

"Ikaw, nasa iyo yun. Basta ang mga boss, sila ang batas." Sabi nya sakin sa magaang tono at nakangiti. "Kaya ikaw, swerte mo dahil hindi mo pa sila nakakaharap. Enjoy!" Makahulugan pa rin nyang sabi.

Natahimik ako nang umalis na sya sa harapan ko. Tapos na pala syang mag-check ng attendance na hawak nya.

Naiwanan akong natatahimik at napapaisip sa mga sinabi nya.

Anong problema nya?!

Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.

Meron na namang apat na pangalan ang walang thumb print sa monitor.

Oy! May bago na naman akong hahanaping mga tao!

Tila masaya pa ako sa ginagawa kong ito, kaysa okay ang mga thumb print at wala akong magiging rason para makapag-libot sa building.

Hahanapin ko sina....

Doctor Kaila Almaron-Pobrero

Doctor Ronald Pajardo

Nurse Yvonn Bunzalan Salazar

Intern Doctor Carlo Almuzalan Patiarca

Ay! Nakakatuwa naman... Marami akong hahanaping mga tao-tao... Masayang sabi ko sa aking sarili habang nagsusulat ng mga pangalang hahapin ko sa aking ginawang scratch paper.

****

Sa Emergency room ako unang nagtungo.

"Excuse me everyone, nandito ba sina.... Doctor Kaila Almaron-Pobrero, Doctor Ronald Pajardo, Nurse Yvonn Bunzalan Salazar, and Intern Doctor Carlo Almuzalan Patiarca?" Patanong ko sa mga taong nakabantay sa information area ng emergency room.

"Ay! Ako si Doctor Almaron-Pobrero? Bakit, ano yon?"

"Doc, nakalimutan ninyong makapag-thumb insert sa monitor?" Sabi ko dito.

"Huh? Nag-thumb ako don, nagloloko na yata ang screen monitor na yon." Anang babaeng lumapit sa harapan ko.

"Nag-check ako ngayong hapon, Doc. 1:37pm ang nakalagay sa inyong time card, wala ang pangalan ninyo sa mga naka-inprint sa screen ng 1:00-1:59pm." Paliwanag ko dito. 

"Ganun ba? Sige, puntahan ko na lang maya-maya." Anang doctor.

"Ano yon? Bakit ako'y pinatawag?" Takang tanong ni Doc Ronald habang papalapit sya samin ni Doc Pobrero.

"Wala tayong thumb in print sa screen ng attendance sa faculty." Si Doc Pobrero ang sumagot para sakin.

"Ganun ba??? Meron ako don ah! Nag-thumb ako don!" Imik nito agad.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon