"Teka?!" Ani, Beth at agad akong napatingin dito. "Itong si Raymond Alonso, walang thumb print dito! Kala-log in lang nya oh! 4:31pm..." Sabi ni Beth sa kawalan.
"Tara po, hanapin na natin sya." Sabi ko dito.
"Tara, dito lang naman ito sa ground floor." Sabi na lang nya.
Papalabas na kami ng faculty nang makita nya si Raymond na nasa loob din ng nasabing silid.
Marami syang kausap na mga kapwa nurses at nakikipag tawanan sa mga ito.
Naka-brace ito at nasa 20's lang din. Maputi at makinis ang mukha, gwapo at matikas ang katawan, saka matangkad din ito sa height na 5'10.
"Oy! Raymond." Tawag ni Beth dito.
Nabigla naman si Raymond at agad na napatingin sa pwesto namin.
"Uh? Bakit ate Beth?" Taka nyang tanong.
Wow! Straight na lalaki ito....
Kaya pala tampulan sya ng mga kababaihang kausap nya.
Nanahimik ako sa likuran ni ate Beth dahil sa angking kagwapohan nito.
"Hindi ka naglagay ng thumb print mo." Ani, Beth.
"Huh? Hindi, naglagay ako." Depensa nito.
"Nag-checking kami. Hindi yata pumasok yung sayo." Sabi nito agad. "I-check mo na doon agad at baka masermunan ka sa sweldohan." Dagdag pa nito.
"Wait lang guys, mag i-insert lang ako ng thumb ko." Pagpapaalam nito sa mga kasama nya.
"Tara, samahan ka na namin. Mamaya pa ako lalabas, mamaya pang 7:00pm ang duty ko." Sabi ng isang nurse na halatang may crush sa kanya.
"Oy! Wag mong landiin, may jowa na yan si 'Mond." Birong sabi ng may katabaang nurse na kasama nito.
"Ay! Shakit naman! May nauna na pala." Biro ding pagsakay ng babae.
Sinundan na lang namin ang grupo nila ng tingin papunta sa thumb print.
"Bakit kasi hindi mo sinu-sured?!" Anang kasama nilang babae din.
"Sa hindi pumasok ang finger print ko eh." Ani, Raymond.
"Kasalanan ng aparato!" Biro ng babaeng may crush dito. "Nang monitor system! Bakit hindi nila nire-record?!" Birong pagtataray nito sa kawalan.
"Ay! Uminit agad ang ulo ni Madam!" Birong sabi ng medyo payat na nurse, sabay tawa naman nilang lahat.
"You're fired!" Boss tone na sabi ng babae sa aparato ng makarating sila doon.
"Hoyyy!!! Ma-report ka, luka ka!" Saway agad ng may katabaan dito. "Sige ka! Ma-fired ka ng wala sa oras."
"Hindi dapat pinahihirapan ang Bebe ko!" Anang babae sa aparato na parang pinagagalitan ito.
"Hala! May jowa na yan, Alora." Anang payat na babae dito sabay tawa.
Natatawa lang si Raymond sa mga biruan ng kanilang grupo.
"Hindi, biro lang yon, 'Mond. Walang intention na masama.... Friends lang tayong lahat, happy-happy lang dapat!" Paglilinaw naman ni Alora sa kanyang biro sa grupo.
"Tara na, Shawn. Nakakatuwa sila. Ganyan din ako noong kabataan ko." Ani, Beth na nakatingin din pala sa grupo tulad ko.
"Oo nga po, masaya talaga ang panahon ng pagiging kabataan dahil lahat ng adventures sa buhay malaya mong maranasan." Makahulugan kong sabi.
Tila nakikita ko ang isang bagay na parang bumabalot kay Alora.
Isang matingkad na tila dark violet na kulay ang tila gumagalaw sa kanyang buong katawan.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Ficção Geral❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...