Nakarating din ako sa likod ng building nang pawis na pawis.
"Kuya, kayo po ba ang basurero dito?" Magalang na tanong ko dito.
"Oo." Imik nito agad.
Tiningnan ako nito at pinagmasdan lamang. Nagkaroon ako ng takot na baka hindi ito basurero, wala kasi sa itsora nito na nagbabasura sya.
"Saan po ba pwedeng ilagay itong basura?" Tanong ko sa lalaking nagse-cellphone sa isang tabi.
"Ano bang basura yan?" Anang lalaki.
Nabigla ako ng maglabasan sa kunsaan ang iba pang mga lalaki.
Lahat sila ay mga nakatingin lamang sakin.
"Uhhhh..." Agad kong pinagmasdan ang mga dala kong trash bags.
"Naka-segregate kasi ang mga basura dito. Hindi pwedeng halo-halo." Sabi ng lalaking nasa dulo.
"Uhm, ang sabi kasi sakin ni Mang Kiko, mga karayom lang daw ang laman nito. Nakisuyo kasi sya sakin na ako na lang ang magdala nito dito." Paliwanag ko. "Pero hindi ako sigurado, kaya tingnan nyo na lang din."
"Ganun ba?" Anang isang lalaki na agad na lumapit sakin. "Akina at titingnan ko."
Mabilis kong iniabot sa kanya.
"Nurse ka ba sa loob?" Tanong ng lalaking nagse-cellphone.
"Hindi, ako ang bagong roam attendant ng ground floor." Magalang kong sagot dito.
"Nakilala mo agad si Mang Kiko?" Sabi ng isang lalaki.
"Uh Oo, nakausap ko sya nung bago pa lang ako. Binilinan nya ako sa eggcell freezer na nakatuka sa kanya." Sagot ko.
"Uhhhhh close na agad kayo nun?" Natawang sabi ng isa pang lalaki.
"Uh hindi. Nautusan lang ako nun." Sabi ko na lang dito. "Sige, dito na ako, marami pa akong gagawin eh." Saka na ako umalis sa kanilang harapan.
Hindi ko na sila nilingon pa pagkat dama kong habol nila ako ng tingin paalis.
*****
Sa hallway, pabalik ng stock room.
"Shawn," tawag sakin ng isang boses.
Agad kong hinanap kung sino ang tumawag sakin.
Si Doctor Arah Gil, yung nakakalimot na makapag-thumb print noon sa screen monitor.
"Ay bakit po, Doc?" Tanda ko naman sya, kahapon ko lang din sya nakilala.
May kasama itong nurse na hindi ko kilala. Babae, ngunit, tila kilala sya ng puso ko.
Nakita ko na ba ang babaeng ito?!
Biglang bumungad si Payya sa likod ng babaeng nurse.
Nginitian agad ako nito nang magkatama ang aming mga paningin.
"Payya." Imik ko dito ng makita ko ito at makalapit ako sa kanilang pwesto.
"Paki-samahan sila, Shawn. May kukunin kayong document sa 10th floor at ibaba mo sa aking clinic." Paghingi ng pabor ni Doc Arah sakin.
"Uhhhhh Okay lang po." Magaan kong sagot ko dito.
Benipisyo pa sakin ang kanilang paghingi ng pabor. Sa isipan ko lamang.
"Si Nurse Irish ang magdadala sa inyo sa 10th floor, may access kasi sya doon." Sabi ni Doc Arah at saka hinawakan nito ang babaeng hindi ko kilala.
Siya pala si Nurse Irish.
Tiningnan ko lang ang babaeng tinutukoy nya. Nagngitian kami ng bahagya sa isa't isa.
I have feel an awkwardness.

BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Fiksi Umum❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...