CHAPTER 29: Meeting sa HR

256 13 1
                                    

Pagbukas ko ay marami nang tao, may ilang naghihintay na ng magbabakanteng banyo.

Si Erica ay nasa labas na pala at doon na lamang nya ako hinintay.

"Oy, tinatawag kita kanina, kinabahan ako akala mo ba?" Reklamo ko dito.

"Bakit mo naman ako tinatawag?" Taka nyang tanong.

"Ang creepy kasi ng banyo na yan. Ewan ko ba?" Imik ko dito.

"Masasanay ka din, bago ka lang kasi, saka first time mong magbanyo dyan." Ani, Erica.

Naglakad na kami pabalik....

"Ang creepy ng na-experience ko doon. May babaeng umiiyak talaga sa dulong cubicle. Kung hindi pa ako tinawag ng isang low staff, alam mo, talagang bubuksan ko ang pintoan nun." Sabi ko dito.

"Walang may gumagamit doon. Takot ang mga matatagal nang employees na umihi sa cubicle na yon." Ani, Erica.

"Yun nga ang sinabi sakin ng isang babae kanina. Tapos matching pang may umiiyak doon sa loob." Sabi kong nangingilabot.

"Wag mo na lang pansinin, basta kapag narinig mo uli, wag ka na lang umimik o kumibo." Sabi sakin ni Erica.

"Ganun ba?" Mahina kong imik dito.

"May kwento daw ang dulong parte na yon sabi ng mga employees na dito na tumanda sa pagta-trabaho, mas maraming kwento ang mga dating construction workers na nagtrabahong maitayo ang building na ito." Bulong na kwento sakin ni Erica. "Maraming madadaldal na mga taohan ang ipinapatay ng may-ari ng hospital, minsan, inililibing pa daw ng buhay sa sementeryo nitong mismong hospital. Nakakatakot na lugar yon, dahil maririnig mo ang mga boses na animo talagang humihiyaw ng saklolo." Mahaba pa nitong kwento. "Wag kang maliligaw sa gawi doon, at talagang lalagnatin ka sa takot."

"Narating mo na rin ba ang lugar na yon?" Tanong kong bulong din.

"Naku! Wala akong balak." Sagot lang nya.

"Saan mo naman narinig yan? Sinong nagkwento sayo?"

"Ang mga mas matatagal na sakin." Bulong nito. "Oh, wag mong ipagsasabi yan sa labas ah. Mayayari ka!" Halos bilin nyang may thrilling tone sa huling salita.

Ganun pala ang pamamalakad nila, kapag nagkwento ka sa ibang tao na hindi nagta-trabaho sa building na ito. Agad-agad ipapa-patay ka na lang o hindi lang baka madamay pa pati ang pamilya mo.

Nakakatakot naman pala silang mga nilalang?!

****

Sa loob ng stock room....

Naglilista ako ng mga kagamitan sa bawat shelves para sa hapong ito.

Isusunod ko na rin ang loob ng cold room dahil maya't maya ang mga assistance na kumukuha ng stocks sa loob nun.

Hawak ko ang isang record book para sa mga gamot na itinuturok sa tao at saka ang list of orders.

Maraming uri ito at ingat na ingat ako sa pagbabasa ng bawat mga pangalan.

Actually mas mahirap itong part na ito kaysa sa iba pang mga record books.

Ano-ano ba itong isang to? Bakit lagi na lang itong gamot na ito ang mabilis maubos?! Naging tanong ko sa isipan ko.

Maya-maya lang ay gumana ang psychic ability ko.

Nakita ko ang uri ng mga gamot na itinuturok sa isang pasyente. Merong pam-pamanhid, para ito sa mga taong tuturukan ng anesthesia.

Meron din namang pampatulog, laan ito sa mga taong nakalagak sa 8th floor.

Meron ding pampakalma o pampa-relax ng mga muscles at nerves.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon