Matapos maglista sa stock room ay agad na kaming pumunta ng HR.
Nasalubong namin sa hallway sina Erica, Thea at Andeng.
"Oy! Thea, nakasahod na kayo?" Taka tanong ni Malga sa kanila.
"Hindi pa, 50 katao tayo. Saka alphabetical ang pagtatawag." Sagot ni Thea.
Iihi muna kami, ang tagal magsimula.
"Ang dami-dami pang sinasabi kasi." Sabi naman ni Andeng.
"Huh?" Imik ko.
"Akala ko nga program eh." Imik naman ni Erica.
"Sige, tutuloy na kami doon." Imik ko na lang sa kanila.
"Anong apelyedo mo, Shawn?" Tanong ni Malga pagdaka na humakbang na kami.
"Empire."
"Oy! Malapit ka lang, letter E."
"Ikaw ba?"
"Tanwe." Malungkot nyang sabi. "Letter T, ano ba yan? Ang layo pa nun."
"50 katao lang naman tayo." Imik ko sa kanya.
"Sa bagay." Sabi na lang ni Malga. "Sana bigyan na tayo ng ATM, no?"
"Kapag naging regular na tayo. Hangga't hindi pa, hindi yan sila magsasayang ng slot ng ATM satin." Sabi ko dito.
"Hay, hindi rin naman madali ang magtago ng mga chismiss dito. Actually, mas nakaka-stress ang chismiss kaysa ang trabaho."
"That's what is true." Imik kong sabi.
****
Nakarating nga kami at kasalukuyan pang nagsasalita sa unahan si Malgaritte.
"So, kung tatanungin ba kayo? Saan ba mas maganda ang pasahod at pagtrato ng boss sa mga taohan? Dito ba sa Hospital ng Scargan Group o sa ibang hospitals?" Nakangiting patanong ni Malgaritte sa lahat.
"Syempre po dito, Ma'am." Anang bida-bidang babae na nasa 35 years old na.
May nakikita akong mga chart sa unahan na naka-pizza slice, it means may ipinaliwanag si Malgaritte na hindi na namin naabutan.
I think tungkol yata yon sa pagpa-pasahod.
Kasi sa ibang parte ng pizza slice may nakalagay na OT, Being Industrious, Being Genuine, Associative Person.
Tapos nakita ko pang nakasulat sa chart na may bawas pala ang pagiging late. Nabasa ko rin na, isa sa mga nakakasira sa reputasyon ng mga empleyado ay ang parating late pumapasok.
"Totoo yan?! Dahil importante samin ang aming mga taohan, para kasi saming pamilya, kayo ang aming angels at pampaswerte. Kung hindi ninyo mamahalin ang mga trabaho ninyo hindi kami lalago sa industriyang ito." Mahabang paliwang pa ni Malgaritte.
"Pinahahalagahan namin ang bawat kasipagan ninyo, pagiging matapat na taohan sa kanyang boss at mahusay na pakikisama sa kanyang mga kapwa katrabaho. Ayaw namin dito ang mga bully, wag kayong mambu-bully ng sinumang bagohan kapag naging regular employees na kayo. We will not tolerate that." Mabait pang sabi ni Malgaritte saming mga nakikinig na lamang. "Every wrongdoing has a punishment, however, if you are a great worker, we will be greater." Dagdag pa nito.
Nagpalakpakan ang mga taohang katrabaho ko. Bukod sa magaling itong magpaliwanag at magsalita ay maganda din ito.
Hmp?! Hindi mahahalata sa kanyang pagkatao ang pagpaslang sa isang 13 years old na si Giselle. Nanunuya sa kanya ang aking isipan dahil sa nakikita kong peke nyang kagandahan.
I wonder kung ano kayang magiging karma ng pamilyang ito in the future?!
Nasasabi ko ang mga yon sa aking isipan habang napapanood ko syang mangusap sa unahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/215380859-288-k193656.jpg)
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
Fiction générale❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...