Nadaganan nya ang mga papeles nyang ginagawa at mabilis syang kumilos upang asikasohin ang mga yon.
"Naku, pasensya na, ate Beth. Hindi kasi ako naka-idlip sa buong pag-duty ko at hanggang ngayon na magte-10am na." Halos paliwanag nito.
"Kaya nga nagmamadali kami eh. Kasi alam kong pagod na pagod ka na dito, dapat talaga tatlo ang roam attendant na i-assigned dito sa area ninyo." Sabi lang ni ate Beth.
"Kasi ang mga nurses at doctors eh, kahit pagbili na lamang ng snacks nila, iuutos pa sa roam attendant." Sabi na lang ni Crisostomo. "Sa totoo lang, mas pagod ang mga paa ko kaysa katawan ko." Dagdag pa nito.
"Oh sya, papalitan ka na ni Shawn. Naaksidente si Lorenzo sa motor kaya biglaan ang pag-absent nya." Sabi ni ate Beth.
"Nasabi na nga sakin. Nasa emergency area daw sya ngayon, nasa red zone." Sabi naman ni Crisostomo.
"Puntahan mo sya, bago ka umuwi. Ang alam ko mako-confine muna sya, minor injury lang naman ang inabot nya. Kaya makaka-recover din yon ng mabilis." Sabi lang ni ate Beth.
"Sige, ate Beth. Uuwi na ako." Imik nito samin.
Naiwan na nga kami ni ate Beth sa loob ng malawak na stock room. Sinundan pa namin sya ng tingin palabas ng pintoan.
May mga pumapasok doon na mga assistant staffs at kumukuha lamang sila ng mga kailangan nilang products at saka aalis na rin.
Hindi sila nagtatagal at mabilis din silang umaalis, tila nagmamadali silang kumilos sa kanilang mga tina-trabaho.
"Ang gagaling ng mga tao dito. Masisipag silang lahat." Naging komento kong pabulong.
"Private hospital ito, dapat lang na maagap sila sa mga pasyente." Sabi lang ni ate Beth at napangiti ng malaki.
"Ay Oo nga naman." Sabi ko na lang.
Si ate Beth ang nag-asikaso ng mga record book ng 5th floor. "Shawn, ito ang mga listahan at katulad ng ground floor may mga bagay din dyan na hindi pwedeng pagsama-samahin." Sabi sakin ni Beth.
"Okay po, ate Beth." Imik ko lang.
"Excuse me," anang isang staff na lalaking bakla na may edad na rin. Kalbohin ito at halatang matagal na syang trabahador ng building.
"Ay yes?" Imik ni Beth dito.
"Mauubos na ang adult diapers ah, paki-lagyan na lang, yung large at XL. Saka wet wipes at dry tissue, please, need palagi yon eh." Sabi ng staff na ito.
May dala-dala syang products na katulad sa mga nabanggit.
"Sige, Sir Migs, lalagyan na lang yon ni Shawn mamaya." Imik na lang ni Beth dito.
"Shawn? Sinong Shawn? May bago bang staff dito?" Pagtataka nito.
"Hindi, kasi si Lorenzo, naaksidente sa motor nito lang umaga. Isinunod dyan sa emergency. Itong si Shawn naman ay roam attendant ng ground floor, pang-substitute lang today." Paliwanag ni ate Beth.
"Uh okay, si Crisostomo ba, nakauwi na?" Tanong muli nito.
"Kanina pa, mga 5 minutes bago ka dumating." Sagot ni ate Beth.
"Uh okay, paki-lagyan na lang yung mga sinabi ko ah." Bilin na lang nito bago umalis.
"Sige na, Shawn. Mamaya na lang tayo uli mag-usap, malapit nang magtanghalian." Sabi nito sakin.
"Sige, ate Beth. Ako nang bahala dito." Imik ko na lang dito, saka ko kinuha ang lahat ng record books na titingnan ko para sa paglilista.
Maraming naibilin sakin si ate Beth bago umalis ng stock room. May mga nakwento din syang nagpaparamdam na multo sa loob ng stock room at kung minsan nga daw ay salbahe ito dahil magugulat na lamang ang mga taong nandon na biglang malalaglag ang kung anuman sa mga shelves kahit wala namang tao o malakas na hangin.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
General Fiction❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...