Chapter 1: First Day Of Work

900 18 2
                                    

Ang kwento ni Kira ay unang bahagi pa lamang ng inyong nalalaman tungkol sa mga natatagong sekreto ng Dark Scargan Clan.

Nabunyag na nga ang ilan sa mga ito....

Ang kanilang sekreto patungkol sa kanilang angking kakayahan kumpaano sila nagkaroon ng kanilang timatamasang kapangyarihan at kayamanan.

Kung gaano sila kabagsik at kalupit, dito sa aking kwento nyo pa lamang malalaman.

****

Unang araw ko sa trabaho ngayong umaga.

Bilang attendance staff sa Scargan Group of Health and Medical (SGHM).

Galing nga pala ako sa Agency ni Madam Shari Magbulac Tan, kunsaan si Kira ay doon din nanggaling.

Nauna syang makapasok sa Local Agency at maging trainess doon bago ako sumunod matapos lang ng ilang araw.

Pero halos sabay kaming natanggap sa trabaho dahil sa pagkakapasa namin ng magkasabay sa final test ng agency.

Nakarating na nga ako sa HR ng building.

Nandoon si Commander Leader Beth Sta. Maria-Soriano, 35 years old na at sya ang incharge commander leader ng mga low staffs na walang ranggo sa day shift.

"Kompleto na ba ang lahat. Kasi sasabihin ko na ang mga ruta ninyo." Ani, Beth na syang nagsasalita sa pinaka unahan ng kumpulan.

Huminto ako sa pinaka dulo kunsaan natatanaw ko syang nagsasalita.

"Okay, babanggitin ko ang mga pangalan ninyo at sasagot kayo kung nandidito kayo. Kasi ang wala dito ngayong umaga, wala nang trabaho pa, so importante ang lahat ng first day." Ani, Beth na medyo may katarayan ang tono.

Walang may kumuntra sa kanya.

"Luhhhh? Late na ba ako?" Bulong ng babae sa tabi ko.

Hindi ako umimik, at hindi ko rin sya nilingon.

"Ate, pwede magtanong? Kanina pa ba nagsimula?" Tanong sakin ni Malga.

"Ewan ko, kararating ko lang din." Walang amor kong sagot dito.

Nanahimik sya sa tabi ko.

Nagbanggit na agad ng mga pangalan ang Commander Leader upang makuha ang mga pangalan namin.

Lahat naman ng mga aplikanteng nag-apply ay present naman ng araw na ito.

"So let's go. Ituturo ko sa inyo kunsaan tayo nagla-log in at la-log out para bukas alam na." Sabi nito agad matapos ng attendance.

Papunta na nga kami sa lugar kunsaan magla-log in ang mga staffs ng hospital.

"Dito sa hospital ng Scargan Group of Health and Medical or Scargan Hospital for short, sa ibang lugar nagla-log in ang mga staffs at mga janitress, nakabukod tayo sa mga nurses at mga doctors." Paliwanag nito habang naglalakad.

"Ngayong araw na ito, sa entrance door kayo ng hospital pumasok dahil wala pa kayong alam tungkol dito sa building. Ngayong alam nyo na, bukas ay sa iba na kayo papasok, bawal tayong maglabas-pasok sa entrance door ng building na ito. Doon tayo sa fire exit sa likod, papasok at lalabas." Sabi pa nito habang naglalakad.

"Kayo ay 50 katao, hahatiin ko kayo. Ang iba, mapapa-tuka sa iba't ibang floors ng building. Malawak itong hospital na ito na may 11 floors at 1000 square meters ang lawak ng lupa." Sabi nito.

Walang may nagsasalita isa man saming mga baguhan, sya lamang ang maingay sa paglalakad.

"Bawat areas dito may mga tag names, ayan oh, pakibasa na lang," sabi nito saka itinuro samin ang maliit na square board sa may itaas ng pader na malilikuan namin. "Para hindi kayo maligaw. Kapag kasi maligaw kayo, pwedeng mapunta kayo sa sementeryo ng hospital na ito." Anang commander leader namin.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon