Ako nama'y napapaisip sa aking pananahimik sa isang tabi. Nakikinig lamang ako sa ingay ng mga tao sa paligid ko.
Talaga ba?! So ibig sabihin, kumpleto pala sa mga kagamitan ang hospital na ito?!
Ganun sila kayaman? Na kahit walang kasusyo sa negosyo, hindi sila takot na malugi dahil kaya nilang bigyan ng paunang gamutan ang mga pasyenteng naaksidente sa Bus.
Nakakalula pala ang tayog nila...
Pero may nalalaman na ako kahit kaunti sa lugar na ito...
Ground floor-- Hospital lobby, emergency room, stock room, canteen, HR, morgue, crematory, X-ray area, operating hallway, ICU hallway, hospital pharmacy, public restroom, professionals faculty and ect.
2nd floor-- Marternity floor, nursery room, mga batang naka-confined and babies incubator.
3rd floor-- Cosmetic floor, ward for under healing process
4th floor-- Diagnosing Chronic illness, Cancers and Kidney Dialysis and ward for chronic illness patients
5th floor-- Patient's recovery floor
"So anong ganap sa 3rd floor, beh? Naririnig ko kasi kayo eh. Kaya makiki-chismis na rin ako sa inyo." Sabi ni Malga sa kanila.
"Ayon! Syempre, sa una lang talaga, mukha silang nabugbog. Pero kapag paalis na sila, ay! Naku mga beshie! Kung makikita nyo sila! Parang pinaganda sila ng isang fairy God mother, ganun!" Anang babaeng naka-assign doon.
"Talaga ba?!" Namanghang reaction ng mga nakikinig.
"Hindi sila mapaghahalataang nagpa-retoke." Sabi naman ng katrabaho nitong lalaki.
"Ay! Parang gusto ko ring doon na lang ma-assign!" Anang isang babaeng natutuwa sa mga naririnig nya. "Gusto ko ring makita!"
"Ano yon? Puro mukha lang ang pinagagawa?" Tanong ni Malga.
"Hindi lang siguro, kasi nakita ko doon sa mga pictures sa loob ng opisina ni Doc Enjien. Yung iba, may mga after na balikong buto, tapos yung before na-straight na. Meron ngang buong mukha, ipinagawa eh." Kwento ng lalaki, sabay natawa. "Ewan ko ba kumbakit may mga taong mukhang hayop?!" Natatawa nitong sabi.
"Meron taong ganun?" Ani, Malga.
"Nakita ko doon eh. Nagpabago sya ng mukha o baka hindi nga, buong katawan kasi hanggang sa paa, may balahibo na katulad ng sa aso?" Namamangha naman nitong kwento.
"Talaga ba?!" Anang mga nakikinig.
Parang lahat na yata kami ay mga nakatambay na sa maingay na grupo.
"Oo nga! Nakita ko nga eh." Anang lalaki.
"Paano mo nakita?" Tanong ko.
"Ako ang naka-assign sa loob ng opisina ni Doc Enjien. Sya ang unang naging plastic surgeon sa pamilya ng Scargan." Sagot nito.
Plastic Surgeon?
Naalala ko ang mga boses na narinig ko sa mga alaala ni Mitzi. Pati na rin ang mga malalabong pagbalik sa alaala gamit ng ballpen.
Doctor ang kausap nito at kung hindi ako nagkakamali, baka iyon na ang salarin sa pagkamatay nito.
Doctor Enjien Scargan
Ito ang unang naging plastic surgeon ng pamilya Scargan.
Dahil mayaman sila at matalino...
Hindi malayong gamitin nila iyon sa masama?
Nasa kanila ang dalawang bagay na kailangan ng tao upang maging makapangyarihan.
Pera at talino...
"Totoo ba talagang gwapo ang doctor na yon?" Tanong ko pa dito.
BINABASA MO ANG
SHAWN SexLusyon II (Under Editing)
General Fiction❗RATED SPG 18+❗ VOLUME #2 INCLUDED CRIMES, DEAD BODIES, SPIRITUAL BATTLES, GRUDGE, VIOLENCE, MURDER, HIDDEN PLANS AND CLUE FOR EVIDENCES Many secrets has been told.... But there's more... Get ready to rumble.... Because the real battle has began! *...