CHAPTER 25: Naggala Sa 3rd Floor

232 13 0
                                    

Dumating na ang alasingko ng hapon at pinuntahan ako ni Malga.

"Shawn?" Boses ni Malga sa pintoan ng stock room.

Walang may sumagot....

Nasa cold room ako ng mga oras na ito, naglilista ng para sa gabi.

Matapos sa loob ng cold room, lumabas na rin ako.

"Shawn, nandyan ka pala." Nagulat si Malga ng lumabas ako sa cold room. "May kwarto pa pala dyan?"

Binabasa nya pala ang listahan ng record books.

"Oo, isang kwarto na nakalaan para sa mga bagay na kailangang naka-freeze." Sagot ko dito. "Cold room ang tawag sa loob nito."

"Cold room? Meaning, malamig na kwarto?" Inosente nitong tanong.

"Ganun na nga!" Imik ko na lang. "Oh? Anong meron at nandito ka?" Sabi ko ng makalapit na sa lamesa ko.

Agad nyang isinara ang binabasa nyang record books.

"Marami palang mga pangalan ang mga bagay-bagay dito. Buti at hindi ka nahihilo sa pagbabasa?" Komento nya pagdaka sa mga record books na kanyang nabuklat.

"Kaya naman ng isip ko. Saka maselan ang mga record books na yan. Baka nakita ka sa CCTV," sabay hanap ko ng mga cameras sa mga bawat corner ng kisame na malapit sa table ko. "Authorized personel lamang kasi ang pwedeng magbuklat nyan." Sabi ko dito pagdaka.

"Uh? Ganun ba? Naku, sorry naman." Nag-alala ito pagdaka.

"Okay lang, hindi naman tayo abot dito sa pwesto ng mga cameras." Sabi ko dito.

"Nakakatakot naman pala dito. Bantay-sarado ka." Komento nito pagdaka.

"Teka? Bakit nandito ka nga pala?!" Malaking pagtataka kong tanong.

"Pinuntahan kasi ako nina Erica. Sabi nila ipaalala ko daw sayo. Maaga tayong aawas para maggala sa Mall."

"Oo naman, hindi ko malilimutan yon."

"Oh mag-a-alasingko na. Hihintayin ka namin sa labas ah."

"Sige, puntahan ko lang si Payya."

"Si Payya? Sino naman yon?"

"Room attendant ng 3rd floor. Niyaya ko syang sumama satin."

"Oh? Anong sabi nya?"

"Pumayag sya! Pupuntahan ko sya para hindi nya malimutan."

"Sige! Ngayon na, bago tayo mag-out sa record book natin."

"Sige, tapusin ko lang na maglista ng para sa panggabi." Sabi ko dito.

Umalis na si Malga para iayos naman ang work place nya.

****

Umakyat na ako sa third floor upang tawagin na si Payya.

"Payya, mag a-alasingko na." Pinuntahan ko ito sa stock room ng third floor.

"Ay, may inililista pa ako eh. Saka kulang dito ng syringe set, pwede mo ba akong tulungang kumuha nun sa ground floor." Paghingi nito ng pabor.

"Oo sige, katatapos ko lang naman sa duty ko. Hintayin mo ko, ilan ba ang kailangan mo?"

"Medyo damihan mo na, please, saka ng IV Cannula na rin, lagi kasing ginamit yon dito." Sabi sakin ni Payya na may pakiusap ang tono.

"Sige, ako nang bahala." Imik ko na lang.

Bumaba naman ako para dalhan si Payya ng hinihingi nyang pabor.

Nakasakay ko pa nga si ate Beth sa elevator at pababa din sya ng ground floor.

Nagkagulatan pa kami dahil kaming dalawa lang ang magsasabay sa elevator.

SHAWN SexLusyon II (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon