Chapter One

190 4 14
                                    

MAURICIUS' POV

"Ma, alis na ho ako" paalam ko kay Mama na kasalukuyang naghuhugas ng mga plato sa lababo ng kusina.

"Sige" tugon nito pero hindi ako nito tinapunan ng tingin at nanatiling tutok ang atensiyon at paningin nito sa mga hinuhugasang pinagkainan namin ngayong umaga.

Naglakad ako palapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran. Naramdaman ko naman ang basang kamay niya na hinawakan ang magkabilang braso ko na nakayakap sa kaniya ngayon. Ipinatong ko ang baba ko sa kaliwang balikat niya.

"Ano 'yun?" takang tanong ni Mama sa'kin.

"Ma, 'wag ka nang malungkot. Hindi naman kasi ako galit" sabi ko sa kaniya.

Wala namang dahilan para magalit ako kay Mama. Eh ano naman kung hindi ko sila totoong mga magulang? Wala namang mababago kung hindi ko sila totoong mga magulang dahil kahit na ano pa man ang mangyari, sila pa rin ang mga magulang. Sinabi 'yun ni Mama sa'kin nakaraan makalipas ang isang buwang pagkakalibing ni Papa.

Oo, patay na ang Papa ko dahil sa isang karumal-dumal na krimen nang patayin ito na parang hayop.

Ah basta, natatakot akong mag-kwento.

Naramdaman ko naman ang pagkalas ni Mama mula sa pagkakayakap ko sa kaniya. Humarap siya sa'kin kaya umatras ako ng kaunti at tumingin sa kaniyang napakagandang hubog ng mukha.

"Happy birthday" nakangiting bati nito sa'kin dahilan para ngusuan ko siya.

"Ma, next week pa ang birthday ko. Masiyado kayong mabilis mag-isip" sagot ko sa kaniya habang nakanguso pa rin. Kinurot niya ang ilong ko habang nakangiti itong iniwasiwas, "Ma naman, eh"

"Pumasok ka na" sabi niya saka niya ako nginitian at hinalikan sa pisngi.

"Sige, Ma. Alis na ho ako" tumango lang siya kaya agad kong kinuha ang bag ko na nakapatong sa upuan dito sa salas namin.

Tumingin pa ako kay Mama na nakatingin lang sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya bago ako lumabas ng bahay. Agad kong isinara ang gate nang makalabas ako at naglakad palabas ng eskinita.

"HaHaHaHaHaHaHa!" dinig kong tawanan ng mga tambay sa tindahan nila Aling Andang nang batuhin nila ako ng softdrinks dahilan para mabasa ang puting T-Shirt ko at maging kulay orange ito.

Dahan-dahan ko silang nilingon at nakita ko naman na nagtatawanan pa rin sila habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung paano akong biglang lumitaw sa harapan ni Oscar na tuwang-tuwa pa na nakatingin sa'kin.

"Ano?" tanong nito sabay tawa ng malakas.

Dahil sa sobrang galit na naramdaman ko ay bigla kong hinawakan ang likod ng ulo nito at inihampas sa lamesa na nasa harapan nila. Nakita ko pa'ng nag-crack ang plywood na patungan ng lamesa kung saan tumama ang mukha ni Oscar pero hindi ko 'yun pinansin at nagtungo lang sa mga kasamahan nito na akmang susuntukin ako at tatadyakan pero agad akong naka-ilag at hindi ko namalayan na nakahandusay na pala silang lahat sa sementadong sahig sa harapan ng naturang tindahan dahil sa galit ko.

"'Wag" natauhan ako nang marinig ko ang pagmamakaawa ni Melvin na kasalukuyang nakahiga sa sahig at patuloy na umaatras papunta sa poste na nasa likuran nito.

Agad ko silang tinalikuran. Kinuha ko pa ang lamesa ni Aling Andang at itinapon sa kanila bago ako umalis. Marami-rami rin ang nakakita pero hindi ko na na sila pinansin at mabilis na sumakay sa jeep na huminto sa gilid ng kalsada.

Ilang minuto rin ang itinagal ng biyahe at nang makarating ako sa factory na pinagta-trabahuhan ko ay agad na akong bumaba ng jeep at naglakad papasok.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon