MAURICIUS' POV
"Hello, Mauricius!" rinig kong bati sa'kin ng isang lalaki at nang magtama ang mga paningin namin ay bigla akong nakaramdam ng galit at kinwelyuhan siya.
Pero bigla itong naging demonyo at itinulak ako. Siya 'yung judge na bumato ng pera kay Daniel at siya rin ang judge na nag-anyong demonyo sa gubat na nasa likod lang ng gym.
"Sino ka?" tanong ko sa kaniya. Dinig ko ang boses kong mala-demonyo pero wala akong pakialam, "Ano'ng ginawa mo sa'kin, ba't ganito ako?!"
Tiningnan niya lang ako sa mata at sa isang iglap ay biglang bumukas ang pintuan at siya patakbong lumabas. Nang makalabas ito ay nakita kong mabilis nitong ibinuka ang kaniyang mga pakpak at lumipad.
Sa hindi maipaliwanag ay agad din akong lumabas at lumipad na para bang napaka-natural sa'kin ng mga bagay na nangyayari na ngayon. Alam kong may alam siya at siya lang ang makakasagot sa tanong ko.
Nalampasan na namin ang mga ulap at hindi man lang ako nito nililingon habang patuloy pa rin sa paglipad. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing gabay ko para makita siya.
"Hoy!" sigaw ko sa tonong mala-demonyo. Sa totoo lang ay natatakot ako sa sarili ko. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ako ganito pero sinasabihan ko rin ang sarili ko na tanungin ang lalaking 'yon dahil siya lang ang nakakaalam ng sagot sa lahat ng katanungan ko.
Nahinto ako sa pagpagaspas ng aking mga pakpak nang bigla itong nag-dive pababa. Agad ko siyang sinundan at nang makababa kami ay natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang bahay na parang makalumang mansiyon. Napakalaki nito at mukhang hanggang seventh floor ang taas.
Isinara niya ang kaniyang pakpak bago siya lumingon sa'kin, "Follow me"
Nagsimula na siyang maglakad paakyat sa hagdan na gawa sa bato at sa unang tapak pa lang nito sa unang baitang ay bigla nang lumiwanag ang paligid na kanina ay napakadilim at wala ako halos makita.
Pumasok kami sa loob ng mansiyon at namangha sa napakaganda bagaman napakalumang design ng kaniyang bahay. Naglakad siya papunta sa isang upuan at kinuha ang isang parang baston na gawa sa ginto at may pulang bato na nakadikit sa dulo nito.
"Let me introduce myself first, Mauricius" sabi ng lalaki dahilan para mapatingin ako sa kaniya, "My name is Azelar, your father"
"Ha!" singhal ko, "Bakit kita paniniwalaan?"
"Because I am really your father" sagot niya, "You may look like a human but you're not really a human, Mauricius. Not even a millimeter"
"Tao ako" sagot ko sa kaniya, "Dahil tao ang Mama ko"
"Talagang namana mo ang ugali ng mga tao, Mauricius. If I tell you the truth, baka hukayin mo ang nanay mo sa libingan at paglalasug-lasugin ang katawan nito" nakangising sabi niya.
"Ano'ng katotohanan?" takang tanong ko sa kaniya.
"Your real mother is an angel and I, your real father is a demon" sabi niya saka niya kinuha ang bote ng wine sa lamesa na gawa sa marmol at nagsalin sa wine glass.
"Ano'ng ibig mong s-sabihin?"
"As I've said earlier, you're not a human" sabi niya saka siya humigop ng wine at tingnan ako ng may namumulang mga mata, "You're a half blood"
Hindi ko alam pero hindi na ako nakagalaw pa. Nanatili akong nakatayo at hindi makapagsalita. Ngayon alam ko na ang totoo, isa akong half blood na pinalaki ng dalawang tao na itinuring kong mga magulang at tinuring din nila akong anak.
"Bakit mo sinasabi sa'kin ang mga 'to?" tanong ko sa kaniya.
"Because I want to say that someone... someone stronger like you will kill you and the whole human race" sagot niya sa'kin at natigilan naman ako, "Once he killed you, he'll end the human race next and even I am a demon, I still love humans"
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasíaDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...