Chapter Nine

44 3 0
                                    

LAYCA's POV

Ang tupperware na hawak-hawak ko kanina ay dumiretso sa basurahan na nasa trash bin ni Mr. Tierro na nasa gilid ng kaniyang opisina.

"Hindi mo ako madadaan sa ganiyan, Ms. Reymundo" sabi niya saka niya itinuon ang kaniyang mga braso sa desk nito.

"P-Pero, sir—"

"You've already said na hindi galing sa'yo ang pagkain na 'yun. What if may lason 'yun?!" tanong niya sa'kin, "Hindi ka dapat tumatanggap ng bagay, especially food, galing sa kung sinu-sino lang"

"S-Sir, hindi naman ho ibang tao si Jake para sa'kin" sagot ko sa kaniya.

"For you. For me?"

"S-Sir"

"Let's end this stupid conversation. I don't want that thing to ruin my day" sabi ni Mr. Tierro saka siya tumingin sa'kin ulit, "Give me my schedule for today".

"Y-You'll only have a business meeting with the panel at 10 this morning and will have a business party at Ruby's Hotel at 8 o' clock this evening"

Tumingin siya sa kaniyang wrist watch saka siya tumayo at naglakad palabas ng kaniyang opisina. Ako naman ay dali-daling sumunod sa kaniya.

Napakarami ang bumabati sa kaniya ngunit ni isa ay wala siyang tinugunan. Kinikilig pa ang mga babaeng nadaraanan namin. Ikaw ba naman makakita ng gwapo sa personal at malapitan?

Lumiko kami at pumasok sa isang conference room na ngayon ay puno na ng mga taong naka-business suit at formal dress. Karamihan sa kanila ay mediyo may edad na.

Nagsasalita si Rex sa harapan ng panel habang nagdi-discuss ito tungkol sa status ng kompaniya ni Mr. Tierro. May mga sinasabi si Mr. Tierro ngunit hindi ko naman maintindihan. Ang alam ko lang, tumaas at mas umuunlad pa ang kompaniya base sa graph na ipinapakita ni Rex.

Sumapit na ang hapon kaya umalis kami ni Mr. Tierro sa kompaniya at nagtungo sa bahay nila. Isinama niya ako dahil ako raw ang magiging date niya like duhhh~ nakakakilig kaya. Enebe?

Pero siyempre hindi niya mapapalitan si Mauricius dito sa puso ko. HaHaHa! Asa siya.

"Who are you? Are you his girlfriend?" nagulat ako nang may biglang sumulpot na lalaki. Mediyo may edad na ito pero gwapo pa rin sa suot nitong suit.

"A-Ahh—"

"She's not" sagot ni Mr. Tierro sa tanong ng lalaki na sinimangutan naman siya, "Ms. Reymundo, let's go"

"A-Ahh, Oo... O-Oo" sagot ko sa kaniya at sinundan siya.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda at laki ng lugar na 'to. Kulay puti ang paligid at talagang maayos na nakalagay ang mga furniture sa dapat nilang paglagyan.

Umakyat kami sa isang napakalaking hagdanan na sa mga teleserye at pelikula ko lang nakikita. Napakaganda dito, ang sarap sigurong tumira rito.

Maya-maya pa ay pumasok kami sa isang napakagandang kwarto kung saan mas lalo akong namangha. Napakalaki ng kama at napakaganda ng mga furniture na world-class ang datingan.

"Wait me here" sabi niya saka siya kumuha ng towel at tumingin ulit sa'kin, "And do not touch anything"

"Wahaw! ano'ng tingin niyo sa'kin ser, magnanakaw?" sarkastikong tanong ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako at hindi na sumagot pa.

Naglakad siya patungo sa CR na agad niya ring isinara. Habang naglalakad-lakad at pinagmamasdan ang napakagandang kwarto na meron siya ay napatingin ako sa isang libro na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang study table. Tatlo ito at lahat ay makakapal. Kulay puti ang isa, itim naman ang isa pa at hinating puti at itim naman ang isa pa.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon