LAYCA's POV
Ini-abot ni Rex sa'kin ang hawak nitong bouquet ng red roses na tinanggap ko naman. Inilahad niya ang kamay niya sa pintuan ng opisina ni Mr. Tierro kaya dali-dali akong lumapit doon at pinihit ang doorknob. Agad akong pumasok ngunit agad akong nakaramdam ng takot at kaba dahil sa sobrang dilim ng paligid.
Ngunit sa isang iglap ay biglang lumiwanag ang paligid dahil sa mga nakasinding kandila na sabay-sabay na sinindihan ng kung sino man. Napatingin ako sa desk ni Mr. Tierro kung saan nakita ko itong naka-upo sa recliner niya at may hawak na isang tangkay ng napakapula at napakagandang rose na nakita ko sa tanang buhay ko.
Tumayo siya at naglakad palapit sa'kin, "Why it took so long, my love?"
"Mr. Tierro naman!"
"How dare you to call me like that?" nai-inis na tanong niya ngunit pabulong lang at para bang ayaw na may makarinig sa pagu-usap naming dalawa.
"Nasanay na ako, eh" sagot ko s kaniya.
"Call me..." napahinto pa ito at nag-iwas ng tingin na para bang nagi-isip ito ng susunod na sasabihin, "Hubby"
Hinampas ko ng mahina ang balikat nito at nginitian siya, "Luh! 'Di nga tayo kasal. 'Tsaka wala pang tayo"
"What?!" tanong nito sa'kin, "You love me, right? Bakit wala pang tayo?"
"Nanligaw ka na ba?"
"Hindi na 'yun uso ngayon" sagot niya saka niya ako hinawakan sa magkabilang bewang ko.
Unti-unting nagbago ang hitsura nito, ang kaninang tao ay naging kalahating anghel at demonyo. Tiningnan niya ako sa aking mga mata at gan'un din naman ang aking ginawa. Unti-unting naglapit ang aming mga mukha hanggang sa sentimetro na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.
Akmang hahalikan niya ako nang biglang bumukas ang pintuan nitong opisina ni Maui. Sabay kaming napatingin doon at napabuntong-hininga na lang si Mauricius saka niya itinutok ang kamay nito kay Rex na agad iyong sinalo at mabilis na sinira.
"Kumalma ka, Maui" sabi ko sa kaniya.
"What do you want?" walang emosyong tanong nito kay Rex na nakalapit na sa amin.
"Demonyo din ba siya? Pero hindi naman siya mukhang masama kaya sa tingin ko, anghel siya" tanong ko kay Maui.
"He's an angel" sagot ni Mauricius sa tanong ko.
"Huwag niyo nga akong pag-usapan" inis na sabi ni Rex saka niya ipinakita kay Mauricius ang tablet nito na may nakalagay na isang news article sa screen, "Nawawala si Threa"
Napatingin ako sa larawan na nasa gilid ng screen at nakita ang isang babae na nakasuot ng kulay pulang dress. Maganda siya at maputi. Mukha siyang mayaman dahil sa damit na suot niya, idagdag pa ang mga alahas na suot niya.
"I killed her" sabi ni Mauricius saka niya kinuha ang tablet na hawak ni Rex at mabilis na itinapon sa ere bago tinira ng maliit na bolang apoy, dahilan para sumabog ito.
"Pumatay ka na naman?!" inis na tanong ko kay Mauricius, "Magtapat ka nga sa'kin, kriminal ka ba?"
"If I didn't kill that demon, do you think na buhay ka pa ngayon?" natigilan naman ako sa sinabi niya.
Ngayon ay alam ko na kung ano ang Threa na 'yun. Isa siyang demon. Siya ang nagtangkang pumatay sa'kin nakaraan ngunit dahil sa pagliligtas sa'kin ni Mauricius ay namatay siya.
Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang gagawin ko. Marami ng demonyo ang gustong patayin ako at ang Rex na ito na nasa harapan namin ay isang anghel samantalang ang mahal ko naman, kalahating anghel at demonyo. Mababaliw na ako sa mga nakikita at nararanasan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasyDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...