LAYCA's POV
Ika-limang araw na ngayon ng burol at marami ang mga taong pumupunta rito para makiramay ngunit ang ilan ay narito para magsugal at makipag-chikahan sa kani-kanilang mga kumare.
Matapos ang padasal ay lumapit ako kay Daniel na naka-upo sa isang monobloc na upuan at mukhang wala sa sarili. Hindi siya natulog kagabi. Ako ay nag-file ng leave para samahan si Daniel. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay naaawa ako.
"Magiging okay din ang lahat" sabi ko sa kaniya at nagpakawala ng pilit na ngiti. Hindi siya tumugon, maski ang tingnan ako ay hindi niya ginawa.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong niya sa'kin. Na-paos na rin siya dahil sa walang humpay nitong pag-iyak.
"Kasi kaibigan kita" sagot ko sa kaniya, "Nandito ako, ginagawa ko 'to kasi kaibigan kita. Walang kaibigan ang gustong makita ang kaibigan na nasasaktan at parang nalantang gulay, Daniel"
Tumingin siya sa'kin, "Pwede mo namang ipagpatuloy ang buhay mo. Magtrabaho ka ng magtrabaho at huwag akong paki-alamanan" sagot niya.
Hinawakan ko ang mga kamay niya at huminga ng malalim, "Pero ito ang gusto ko, ito ang desisyong pinili ko"
"Salamat na lang" sagot niya at nginitian ko na lang siya saka ako tumayo mula sa pagkaka-upo at inilibot ang aking paningin.
Ngunit napako ang aking paningin sa isang lalaki na nagdala ng bulaklak na kulay puti at mukhang galing sa isang napakayamang tao bilang sign ng pakikiramay.
"Kanino galing 'yan?" tanong ko sa lalaki pero tiningnan niya lang ako.
"Sa'kin" napalingon ako nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses na mula sa isang lalaki. Hindi ko narinig ang boses niya nitong mga nakaraang araw dahil wala ako sa tabi niya at tanging ang assistant secretary ko lang na si Rex ang pumalit sa pwesto ko habang wala ako sa kompaniya.
"Sino ka?" tanong ni Daniel kay Mr. Tierro nang makalapit ito sa'min. Pero hindi siya nito sinagot at tiningnan lang mula ulo hanggang paa.
"Siya si Mr. Tierro, boss ko" ako na lang ang nagpakilala kay Mr. Tierro dahil mukhang wala itong balak na magsalita.
"H-Hello po, sir" nahihiyang bati ni Daniel kay Mr. Tierro. Akmang makikipagkamay ito kay Mr. Tierro pero tiningnan lang 'yun ni Mr. Tierro kaya napakagat ng labi si Daniel at binawi ang kaniyang kamay.
"My condolences" walang ekspresiyong sabi ni Mr. Tierro kay Daniel. Hindi naman nakasagot si Daniel at nginitian lang si Mr. Tierro ng pilit.
Pina-upo ni Daniel si Mr. Tierro sa isang monobloc na upuan samantalang ako naman ay agad na nagtungo sa kusina ng bahay nila Daniel para kumuha ng isang mangkok ng lugaw na kakahango pa lang mula sa kalan. Kumuha rin ako ng juice bago bumalik sa pwesto namin kanina.
"Sir, kumain po muna kayo" sabi ko at inilapag sa lamesa na nasa pagitan nilang dalawa ni Daniel.
"Thank you" sagot nito saka siya tumingin kay Daniel, "Do you have a relationship with her?"
"Sir, magkaibigan lang kami" sagot ko sa kaniya. Tumangu-tango naman si Daniel bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
Nag-usap pa sila tungkol sa nangyaring pagkamatay ng daddy ni Daniel at hindi na naman nito napigilang umiyak habang ikinu-kwento kay Mr. Tierro ang nangyari. Maging ako, ramdam na ramdam ko pa rin ang lungkot at talagang parang hinaplos ang puso ko habang nakikita si Daniel na ganiyan. Naranasan ko na rin kasi ang mawalan ng ama, nawala si Papa dahil sinaksak ito ng kainuman niya.
"Don't worry about the rest of your expenses" sabi ni Mr. Tierro saka niya inilabas ang phone niya at may tinawagan.
Maya-maya pa ay dumating si Rex na ngumiti sa'kin pero nakita kong palihim siyang siniko ni Mr. Tierro nang makarating na ito sa tabi niya kaya huminto na ito at naglabas ng voucher at ballpen. Kinuha naman 'yun ni Mr. Tierro at nagsulat bago ibinigay kay Daniel.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasiDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...
![The Half Blood Prince [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/215568140-64-k452158.jpg)