Chapter Twenty-One

24 2 0
                                    

LAYCA's POV

Pa-uwi na kami ngayon ni Maui sa bahay namin. Nakakatuwa lang na nag-abala pa siyang ihatid ako. Tahimik lang ang naging biyahe dahil sa kabilang banda, galit siya kay Andreus.

"Rex told me the one who will end the human race" sabi ni Mauricius sa'kin pagkaliko nito ng kaniyang sasakyan. Napatingin naman ako sa kaniya nang marinig ko ang pagbuntong-hininga nito, "Si Andreus"

Hindi ko alam ang mga sinabi ni Rex sa kaniya at ang alam ko lang ay si Andreus ang tatapos sa lahat ng kasiyahan at kalungkutan ng mundo at ng kaginhawan at kahirapan na dinarama ng mga tao. Pero wala siyang karapatan dahil isa lang din siyang nilalang na kagaya ko ay tuldok lang ika nga nila kahit pa literal siyang demonyo at masama.

Makalipas ang ilang saglit ay iginilid niya na ang sasakyan at akma akong lalabas nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay hindi ko mabasa ang ekspresyon na kaniyang ipinapakita.

"I asked myself kung dapat pa ba akong mabuhay o mamatay na lang, tinanong ko ang sarili ko kung dapat pa ba akong magpatuloy o huminto na lang" sabi niya at isang patak ng luha ang lumabas mula sa kaniyang kaliwang mata na ngayon ay gumuguhit na sa kaniyang kaliwang pisngi patungo sa kaniyang baba. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at hinintay siyang magsalita ulit, "Pero nang makita kita ulit, nagkaroon ako ng dahilan para mabuhay at magpatuloy"

Hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatingin sa kaniya na ngayon ay patuloy na ang pag-agos ng mga luha na nanggagaling sa kaniyang mga mata. Parang hinaplos naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Ngunit wala 'yong nagawa para pagsalitain ako.

"I chose to live because of you" sabi niya at nginitian ako.

"P-Pero bakit ako?"

"Dahil mas na-una akong mahalin ka kaysa na-una kang mahalin ako" sagot niya, "Nang unang beses kitang makita, gusto na kita. And that feeling grew inside of me and became love"

"I love you" inunahan ko na siya.

"I love you too" tugon niya at pinunasan ang kaniyang mga luha.

Agad siyang bumaba at nakita ko mula sa loob na naglakad ito patungo sa pintuan ng shotgun seat at binuksan ito. Lumabas ako at tumingin siya sa'kin matapos niyang isara ang pintuan ng sasakyan.

Mabilis niya akong hinalikan sa labi at nang humiwalay ang kaniyang labi mula sa'kin ay naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi.

"Hinintay kita at ngayong nandito ka na, ipaparamdam ko naman sa'yo kung gaano kita kamahal" nakangiting sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa'kin at tumawa ng mahina, "I'll expect that"

Hinampas ko ng mahina ang balikat nito, "Ipinaparamdam ko na sa'yo, ikaw lang talaga 'tong manhid"

"Hindi ako manhid" sagot niya sa'kin.

Pumasok na kami sa loob at agad na bumungad sa'ming dalawa si Mama at naka-cross-arms na tiningnan si Maui mula ulo hanggang paa. Nasa likod nito si Arthur na mukhang gusto maki-usyoso sa nangyayari.

"Hello po" nakangiting bati ni Maui at nag-wave pa ito kay Mama.

"Sino ka? At ano'ng karapatan mong landiin ang anak ko?" tanong ni Mama kay Maui, "Kahit gaano ka kayaman, hindi mo mabibili ang anak ko. May nagmamay-ari na sa kaniya"

Gulat na napatingin sa'kin si Mauricius at agad naman akong tumingin kay Mama, "Ma, sino na naman ang lalaking ire-reto niyo sa'kin?"

"Akala ko ba ang sabi mo, devoted ka kuno kay Mauricius"

"Ako ho si Mauricius" sabat ni Mauricius at gulat namang napatingin sa kaniya si Mama.

"Eh bakit ganiyan ang hitsura mo?"

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon