LAYCA's POV
"I know where they are" sabi ni Rex.
"They? Ibig sabihin, hindi lang si Daniel ang dinukot?" takang tanong ko kay Rex.
"Yeah" sagot niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko mula sa lamesa ng mini salas kaya agad akong naglakad patungo doon at mabilis na sinagot ang tawag ni Mama.
"Layca!" humahagulgol na tawag ni Mama sa pangalan ko, dahilan para magtaka ako at magulat.
"Ma?" ramdam na ramdam ko na ang unti-unting pagsalubong mga kilay ko, "Ma? Ano'ng nangyari? Bakit kayo umi-iyak?" nagkandautal-utal na ako habang binibigkas ang huling tanong ko kay Mama ngunit hindi ko 'yun pinaki-alamanan at hinintay siyang sumagot.
"Si Arthur" sabi nito at mas lalo pang tumindi ang paghagulgol nito.
Hindi ko man nakikita si Mama ngayon ay ramdam na ramdam ko ang labis na paghihinagpis na nararamdaman niya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko dahil sa mga nangyayari. Nakaraan, si Daniel ang nawawala at pagkatapos ngayon, si Arthur naman na kapatid ko.
"Ano h-hong nangyari kay Arthur?" tanong ko kay Mama.
Tanging paghagulgol lang nito ang naririnig ko ngunit makalipas ang ilang saglit ay nagsalita ito, "N-Nagpaalam kasi si Arthur dahil may research silang gagawin para sa English pero... n'ung gumabi na, nakita siya ng kaklase niya na lumabas ng bahay ng group leader nila at... hindi na nakabalik pa!" sabi nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Ano?!" gulat na tanong ko, "Ma, doon muna ho kayo magpalipas ng gabi sa bahay nila Aling Andang. I love you"
Mabilis kong ibinaba ang tawag at agad na isinilid ang aking cellphone sa aking handbag na agad kong isinukbit sa aking kanang balikat. Kinuha ko ang bote ng wine na nakapatong sa ibabaw ng lamesa ni Mauricius at mabilis itong binasag.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Maui sa'kin. Hawak-hawak niya ako sa braso para pigilan akong lumabas ng opisina niya dala ang bote na tanging leeg na lang ang na-iwan dahil sa pagbasag na ginawa ko rito.
"Kay Andreus" sagot ko sa kaniya, "Alam kong siya lang naman ang demonyong mahilig gumala sa gabi"
"B-But it is not safe—"
"Alam kong hindi ako ligtas at hinding-hindi ako magiging ligtas" matigas na sagot ko sa kaniya at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Mabilis kong pinahid ng kaliwang braso ko ang mga luhang dumaloy sa aking magkabilang pisngi, "Pero hindi ako pwedeng tumayo na lang dito sa loob ng opisina mo at maglakad ng pabalik-balik habang ang kapatid ko ay hawak ni Andreus at sa kahit na ano mang oras, pwede silang mamatay ni Daniel"
"B-But—"
"Wala na akong paki-alam, Maui" biglang sabi ko dahilan para maputol nito ang kaniyang sasabihin, "Ang tanging ina-alala ko na lang ay ang kaligtasan ng kapatid ko at ng taong kasama niya"
Hinawakan niya ang leeg ng bote na hawak-hawak ko at walang kahirap-hirap na nakuha ito. Itinapon niya ito sa basurahan sa pamamagitan lamang ng pagkumpas ng kaniyang kanang kamay. Hinawakan niya naman ako sa magkabilang kamay at tiningnan ako sa aking mga mata.
"Wala akong panahon sa drama mo, Maui" sabi ko sa kaniya at agad na lumabas ng opisina niya.
Naramdaman ko namang sumunod si Rex sa'kin kaya agad akong huminto at nilingon siya.
"Pipigilan mo rin ba ako?" tanong ko sa kaniya.
"N-No" sagot niya sa'kin at umiling-iling, "But please listen to Mauricius, hindi niya gusto na mapahamak ka"
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasíaDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...
![The Half Blood Prince [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/215568140-64-k452158.jpg)