Chapter Eight

48 4 0
                                    

LAYCA's POV

"Grabe 'no?" tanong ni Jake. Nandito kami ngayon sa isang carinderia na nasa harapan lang ng opisina ni Mr. Tierro.

Ngayon lang ako nagkaroon ng free time dahil umalis si Mr. Tierro at may pinuntahan. Pina-cancel pa nga ang lahat ng meeting, eh. Si Jake naman ay pumunta talaga rito para lang makasama akong mag-lunch, wala raw kasi siyang kaibigan d'un sa opisina ng boss niyang napakabait. Sana pala, doon na lang ako nag-apply.

"Dati, factory worker lang tayo" sabi niya, "Pero ngayon, secretary na"

"Oo nga, eh" sagot ko sa kaniya saka ako uminom ng coke.

"Pero parang may napapansin ako sa boss mo" sabi niya dahilan para mapatigil ako sa pagkain at mapatingin sa kaniya.

"Ano 'yun?" takang tanong ko sa kaniya.

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at bumulong, "Kamukha niya si Mauricius"

"Bakit hindi ko napapansin?" takang tanong ko sa kaniya.

"Kanina kasi, n'ung pumunta siya sa Parking Lot ng kompaniya niyo, ginanito niya 'yung buhok niya..." sinuklay nito pataas ang buhok niya para i-demonstrate kung ano nga ba 'yung ginawa ni Mr. Tierro sa mahaba at itim na itim niyang buhok, "'Yung mga mata, noo, ilong, labi... Lahat! Kamukhang-kamukha niya talaga si Mauricius"

"Baka coincidence lang" sabi ko na lang sa kaniya kahit na ang totoo ay 'yun din ang lagi kong napapansin sa kaniya kahit na mata lang ang nakikita ko sa kaniya. Dalawang buwan na rin ang nakalipas at wala man lang siyang ipinagbago, masungit pa rin siya at strikto.

"Mauricius din 'di ba ang pangalan niya?" takang tanong niya sa'kin at tumango naman ako bilang sagot.

Nag-usap pa kami hanggang sa matapos na kaming kumain. Mabilis na bumalik sa kompaniya nila si Jake dahil baka ipatawag siya ng kaniyang boss, mahirap na daw. Samantalang ako naman ay inubos muna ang natitirang coke bago ko kinuha ang mga gamit ko at naglakad papunta sa building ni Mr. Tierro.

Habang may mga inaasikasong papeles na kailangang pirmahan ni Mr. Tierro ay napatingin ako sa kabubukas lang na elevator sa 'di kalayuan at nakita ang isang lalaki na nakasuot ng patterned lime-green long sleeves at itim na bow tie, nakasuot pa ito ng itim na coat at dark-green na slacks.

"Hi, Rex" bati ko sa kaniya. Siya 'yung nerd na um-interview sa'kin noon.

"H-Hi" nag-iwas ito ng tingin dahil nagba-blush ito.

Kaibigan ko na rin siya at dito rin sa top floor ang opisina niya kasama ang ilan pa sa mga empleyado ng kompaniyang ito. Hindi lang siya sumama sa lunch namin ni Jake dahil nahihiya raw siya.

"'Yung pinapa-asikaso pala sa'yo ni Mr. Tierro" agad kong kinuha ang box na nasa ilalim ng desk ko at ipinatong 'yun sa ibabaw. Kinuha ko ang isang pile ng mga bond papers na may mga nakasulat na hindi ko alam kung para saan.

"Thank you" agad din itong umalis at pumasok sa opisina nila.

"Layca" napatingin ako sa kabubukas lang na pintuan ng opisina ni Mr. Tierro.

"S-Sir" tugon ko naman sa kaniya habang nakahawak pa ang kanang kamay ko sa tapat ng dibdib ko dahil sa gulat. Malay ko ba naman na nakabalik na pala siya.

Hindi siya nagsalita at nanatili lang na nakatingin sa'kin kaya agad ko nang kinuha ang mga papeles na kailangan niya nang pirmahan. Isinara niya na ang pintuan kaya dali-dali akong pumasok dala ang mga naturang papeles.

"Sir, ito na po 'yung mga papeles na kailangan niyong pirmahan" sabi ko sa kaniya habang inilalapag ko sa desk niya ang mga papeles.

Hindi ito sumagot kaya nagpaalam na ako na lalabas na ng opisina niya. Nakatalikod kasi sa'kin ang recliner niya kaya hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip niya.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon