DANIEL's POV
"Ahh" daing ko nang makaramdam ako ng sakit ng ulo.
Napatingin ako sa paligid at nakitang puro lupa at bato ang nasa paligid ko. Sinubukan kong tumayo, ngunit hindi ko maigalaw kahit na ang mga paa ko. Doon ko napag-alamang nakatali ako.
Tanging ang ilaw lang mula sa itaas ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang paligid.
Napabuntong-hininga ako at agad na luminga sa paligid, "Tulong!" sigaw ko ngunit um-echo lang ito.
Sumigaw pa ako ng sumigaw ngunit tila walang nakakarinig sa akin, wala talaga. Takot na takot na ako at hindi ko alam kung makakalabas pa ng buhay mula rito sa loob.
Natigil lang ako sa pagsigaw nang mawalan na ako ng boses at lakas. Sinubukan kong sumigaw pa ulit ngunit kahit ang pagbuka ng bibig ay hindi ko na nagawa. Unti-unti nang dumilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
LAYCA's POV
Nakakatuwang isipin na pupunta kami ngayon ni Mauricius sa mall. Ngayon lang kami nagkaroon ng free time dahil sa dami ng mga meeting at proposals na kailangan niyang puntahan. Sa susunod na Linggo ay may pupuntahab pa itong business trip sa Hawaii.
Nanood kami ng sine at naglaro sa Arcade. Niyaya niya akong mag-shopping pero sinabi kong siya na lang at sasamahan ko na lang siya dahil wala akong pera at isa, hindi ako mahilig magtake ng advantage na kesyo mayaman na siya. Magmumukha lang akong gold-digger, hindi man sa paningin niya ngunit sa paningin ng ibang tao na nakakakilala sa kaniya.
Kasalukuyan ko na siya ngayong hinihintay na lumabas ng Fitting Room kasama ng ilan pang mga babae hindi magkamayaw sa pagtili at paghiyaw, kahit na napagalitan na sila ng security guard na naka-destino rito sa Department Store nitong mall kung nasaan kami.
Napatingin naman ako agad sa pintuan ng fitting room kung saan lumabas si Maui, suot ang damit na pinili niya kanina. Nakasuot siya ng white long sleeves na pinaresan niya ng gray na coat at gray din na slacks. Ang suot nitong sapatos na talagang kumikintab sa tuwing tatamaan ng liwanag ay nakakapagpaganda sa suot niya. Ang gwapo pa nito sa suot niyang shades na may manipis at kulay gold na frame.
Nagtilian na naman ang mga babae dahil sa kanilang nakikita na pinagpapantasyahan na nila sa kani-kanilang mga imahinasyon. Tumayo ako at naglakad palapit kay Maui.
"Ang gwapo mo" pabulong na puri ko sa kaniya.
Nagulat ako nang mabilis ako nitong halikan sa labi na nagdulot ng pagkadismaya sa mga mukha ng mga babaeng gusto siyang makasama habang-buhay.
Hinampas ko ng mahina ang balikat nito at inis na tumingin sa kaniya.
"What?" natatawang tanong nito sa'kin.
Inilinga ko muna ang paningin ko sa paligid bago ko siya muling tiningnan, "Nakakahiya!"
"So, ikinakahiya mo na ako ngayon?" tanong niya naman sa'kin dahilan para hampasin kong muli ang kanang balikat nito.
Nagtungo na kami sa cashier at mabilis na binayaran ang mga pinamili. Matapos 'yun ay nagulat kami nang makitang tumatakbong lumapit si Rex sa'min. Nang makalapit na ito ng tuluyan ay huminto ito at habul-habol ang kaniyang hininga.
Nagtataka naman kaming napatingin ni Mauricius sa kaniya.
"Si Daniel..." hinihingal na sabi nito.
Flashback :
"Saan ho ang punta niyo?" tanong ko sa Mama ni Daniel na nakita kong nagmamadali at hindi mapakali habang naglalakad.
Huminto siya at naglakad papunta sa'kin. Gulu-gulo ang kaniyang buhok at para bang baliw na hindi mo malaman kung ilang taon na bang nahihirapan sa kalagayan. Pero hindi ako lumayo at nanatiling nakatingin sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/215568140-288-k452158.jpg)
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasiaDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...