MAURICIUS' POV
"Secretary niyo lang naman po ako, eh" sabi niya saka siya naglakad palabas ng office ko.
Napako ako sa kinau-upuan ko. Sobra na ang lungkot na nararamdaman ko. Ramdam ko na rin ang pagiging demonyo ko kaya agad kong isinara ang venetian blinds para walang makakita mula sa labas ng building ng pagbabago ko ng anyo.
Nagiging ganito ako sa tuwing makikita ko si Layca na masaya kasama ang ibang lalaking empleyado rito sa opisina. Gusto ko na nga silang ipatanggal lahat kaso naaawa naman ako sa mga pamilyang umaasa sa kanila.
Napatingin ako sa napakalaking salamin na nasa gilid nitong kwarto ko at nakitang nag-iba na nga ang anyo ko. Mas lalong naging hapit sa katawan ko ang suit na suot ko at ramdam ko na ang napaka-init na pakiramdam na palagi kong nararamdaman sa tuwing naga-anyong demonyo ako.
Napasigaw ako at kusang gumalaw ang kamay ko na tumutok sa ilaw na nasa ceiling nitong building. Biglang may lumabas na kidlat doon dahilan para mabasag ang naturang florescent lamp.
Nagulat naman ako sa nagawa ko.
Ibig sabihin, kidlat ang kapangyarihan na meron ako bilang isang demonyo. Nagpaikut-ikot pa ako rito sa loob ng opisina at nakayanan kong mag-ikot ng 178 laps in only one minute. Amazing, right?
Natigilan lang ako nang may biglang kumatok sa pintuan ng opisina ko, "Sir?"
"Come in" mala-demonyong sagot ko. Agad siyang pumasok at mabilis na isinara ang pintuan ng opisina ko.
Umupo ako sa recliner ko at tumingin ulit sa kaniya, "What is it?" tanong ko sa kaniya.
"Brownout sa buong opisina. Ano'ng ginawa niyo?" tanong niya sa'kin.
"Bakit ako? Ako ba ang operator ng elektrisidad sa building na 'to?" inis na tanong ko sa kaniya at napalunok naman siya saka siya napatingin sa sahig at pinulot ang isang piraso ng bubog bago tumingala.
"You've destroyed it, sir" sabi ni Rex.
Siya si Rex. Rexus ang totoo niyang pangalan. Isa siyang anghel na ipinadala sa'kin ng pinuno nila para bantayan at i-guide ako mula sa mga demonyong gustong pumatay sa'kin.
Inayos niya ang salamin niya saka niya ikinumpas ang mga kamay niya at biglang umangat sa ere ang lahat ng bubog mula sa ilaw at nabuo 'yong muli at ngayon ay umiilaw na.
Naglakad siya papalapit sa'kin saka siya na-upo sa upuan na nasa harap ng desk ko pero agad siyang tumayo at ini-angat ang kanang kamay sa ere at may lumipad na bubog mula sa inupuan niya at bumuo sa ilaw na nabasag ngunit ngayon ay buo at hindi mababakasan ng pagkabasag.
Umupo siya at inayos ang suot niyang necktie, "Naramdaman ko ang kidlat na inilabas mo kanina and it is really terrifying. Hindi man 'yun naramdaman ng mga tao rito sa opisina pero ako, ramdam ko"
"Because you're an angel" sagot ko sa kaniya, "You know where your enemy is"
"But you're not an enemy, nor the opponent's enemy because you... you're neutral" sabi niya at naintindihan ko naman ang sinabi nito. Totoo, neutral ako dahil half demon ako at half angel, "And of course, you don't trust anyone because anyone can betray you"
"Layca is not an enemy" mala-demonyo kong sagot at agaf siyang tinira ng kidlat pero tumagos lang 'yun sa kaniya at tumama sa pader na ngayon ay wasak na wasak niya.
"You're the one who said that, Mauricius" sagot niya saka niya inayos ang kaniyang salamin.
Tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan. Akmang lalabas na siya ngunit agad niyang ikinumpas ang kaniyang kamay at inisa-ayos ang pader na nasira ko.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasyDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...
![The Half Blood Prince [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/215568140-64-k452158.jpg)