LAYCA's POV
Hindi ko na alam kung nas'an ako. Masiyado na akong malayo sa kanila, 'yun ang alam ko. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang isang bahay na nasa 'di kalayuan. Tumakbo ako patungo doon at napag-alamang abandonado 'yun.
Alam ko na kung saan nanggagaling ang mga pagaspas na naririnig ko, mula 'yun sa mga pakpak ni Andreus. Nagmadali akong pumasok sa loob at agad na nagtungo sa kusina para kumuha ng mga pwedeng magamit laban sa kaniya ngunit kahit na balat ng chichirya ay wala akong nakita dahil talagang bakante ang bahay at walang laman kahit na basura.
Luminga-linga pa ako at nakita ang isang bakal na nasa ilalim ng lababo. Kinuha ko 'yun at nanlumo ako dahil hindi ko 'yun pwedeng magamit para malabanan ang demonyong Andreus na 'yun. Nagtago ako sa ilalim ng lababo bago pa man siya makapasok sa loob ng bahay.
Tila isang nakakatakot na lugar ang bahay na pinagtataguan ko nang dahan-dahang bumukas ang pintuan na akala mo ay nasa isang horror movie ako kung saan hinahanap ako ng multong papatay sa'kin. Napatakip ako sa bibig ko upang hindi niya marinig ang aking paghinga. Napakapit din ako ng mahigpit sa bakal na hawak-hawak ko.
"Where are you, Layca?" tanong ni Andreus at narinig ko ang yabag ng paa nito na tila hindi mapakali at kung saan-saan napupunta.
Napakalamig ng sementong sinasandalan ko at dumaragdag 'yun sa takot at kaba na nararamdaman ko. Alam kong mamamatay na ako, pero hindi ko pa rin kasi kayang tanggapin na mamamatay ako ng ganito. Napabuntong-hininga ako at pinakiramdaman ang paligid.
Ang yabag ng mga paa nito ay magulo at hindi ko malaman kung malapit ba ito malayo. Na-inis ako dahil sa napaka-unfair na sitwasyong ito. May kapangyarihan siya tapos ako, wala.
Sana pala, hindi ko na lang sinunod sina Maui at Rex. Sana hindi na lang ako tumakbo, para hindi ako nakakaramdam ng takot na katulad ng ganito lalo pa't mag-isa lang ako— kasama ang demonyong hinahanap ako.
Nagulat ako nang biglang lumitaw ang ulo nito sa harapan ko. Agad ko siyang sinipa sa mukha, dahilan para mapa-atras siya. Mabilis akong lumabas mula sa tinataguan ko at agad na inihampas sa kaniya ang bakal na hawak ko pero mabilis siyang naglaho.
Mabilis akong lumingon sa likuran ko at hinampas siya ng bakal dahil naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko ngunit mabilis itong nag-teleport na siyang ikina-inis ko.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang kanang braso ko kung saan hawak ko ang bagay na sa tingin ko ay pwedeng makapatay sa kaniya. Hinigpitan niya ang paghawak niya sa braso ko dahilan para mabitawan ko ito at malaglag sa sahig.
Akmang susuntukin niya ako sa mukha nang mabilis akong yumuko at kinuha ang bakal gamit ang kaliwang paa ko nang hindi niya napapansin.
"Ahh!" daing ko nang pilipitin niya ang braso ko pero walang ekspresyon ang mukha nito at talagang desidido akong pilayan ngayong gabi.
Pinilit kong sipain siya sa dibdib kung saan inipit ko ng dalawang daliri ng kaliwang paa ko ang bakal na tumagos sa kaniyang dibdib.
Agad siyang napabitaw sa braso ko at napahawak sa dibdib niya. Sumuka siya ng dugo at nahirapan siyang huminga. Sinubukan niya pang tanggalin ang bakal na naka-stuck na sa kaniyang dibdib ngunit malalim ang pagkakabaon n'un sa kaniya kaya hindi niya matanggal.
"Ahh!" pasigaw ang naging pag-daing nito at saka siya bumagsak sa sahig.
Namilipit ito sa sakit at unti-unti na siyang naging abo habang ako naman ay pinapanood lang siya bagaman naaawa ako sa kaniya. Pero pinili niya 'yan kaya bahala na siya diyan. Tinangay ng hangin ang kaniyang abo at lumabas sa bintana at kung saan pa mang mga butas nitong bahay na kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
The Half Blood Prince [COMPLETED]
FantasyDate Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip natin pero kay Mauricius, ang pagkakaroon ng ganitong katangian ay hindi maituturing na normal at m...