Chapter Twenty-Seven

64 2 0
                                    

MAURICIUS' POV

"Sorry sa lahat" sabi ni Daniel.

"Okay lang"

"Hindi 'yun okay kasi 'yung n-nangyari. Hindi 'yun mangyayari kung hindi dahil sa'kin"

Naglakad ako palapit sa kaniya. Bago ko pa man siya mayakap ay mabilis akong nagpalit ng anyo bilang tao. Alam kong naguguluhan pa rin siya sa nangyari.

Matapos n'un ay napagpasyahan na naming umuwi. Agad akong gumawa ng portal para makabalik sa kompaniya. Hindi kasi kaya ng teleportation ang gan'un kalayo at kailangang gamitan ng portal para makapunta sa isang lugar na malayo rito.

"Maui" tawag ni Layca sa'kin nang makarating kami sa opisina.

"What?" tanong ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niya na lang akong halikan sa labi. Kahit mabilis 'yun ay talagang nakakahiya dahil nandito sa kwarto sina Rexus, Daniel at Arthur. Hindi ako sanay na siya ang unang humahalik sa'kin.

"I love you"

"I love you too" nakangiting tugon ko sa sinabi ni Layca at nginitian siya.

Umugong ang malakas na hiyawan nilang tatlo kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at naglakad patungo sa desk ko. I pulled the drawer out before getting a small red box. Bumalik ako sa harapan ni Layca at lumuhod sa harapan niya.

"Alam ko na 'to, napapanood ko 'to sa mga teleserye, eh" sabi niya.

"Tch! Pagbigyan mo na ako" sabi ko na lang sa kaniya saka ko dahan-dahang binuksan ang naturang box na naglalaman ng singsing, "Layca, will you marry me?"

"Uhm..." kunwaring nag-isip pa ito.

"Ano ba? Alam ko naman 'yung sagot mo, eh"

"Sige, oo na!" napangiti ako at mabilis na tumayo.

Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at isinuot sa kaniyang palasingsingan ang singsing na nakalagay sa loob ng box. Todo ang ngiti ko sa kaniya at gan'un din naman siya saka ko siya niyakap na tinugunan niya rin ng napaka-init na yakap.

Wala na akong mahihiling pa ngayon kundi ang matuloy ang kasal naming dalawa.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nandito ako ngayon sa loob ng isang kulay puting kwarto kung saan isinusuot ko na ang kulay itim kong necktie. Tumingin ako sa salamin kung saan nakita kong maayos na ang buhok ko at hindi na mahaba katulad ng dati.

Nai-inis ako ngayon dahil pinagbawalan kaming magkita ni Layca kahapon. Kahit ang makita lang man siyang isukat ang bridal gown niya, hindi ko nakita dahil hindi niya rin isinukat. Siya kasi ang may pasimuno n'un, masiyado kasi siyang paniwalain sa mga pamahiin na wala namang matibay na basehan.

Matapos kong isuot ang kulay blue ko na coat ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa salas kung saan nakita ko si daddy na bihis na bihis din.

"Kaya mo bang marinig ang mga sasabihin ng pari?" takang tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman tungkol sa mga demonyo ang sasabihin niya so there is a choice" sagot niya habang inaayos niya ang buhok niya sa harap ng napakalaking salamin.

Sumakay na kami sa kotse niya at mabilis na nagtungo sa Azrael's Hotel na pagmamay-ari ng kompaniya namin. Doon kasi namin napagdesisyunang i-daos ang kasal dahil kung sa simbahan, baka mamatay si daddy at malaman ng lahat ang tunay na pagkatao ni Rexus. Nang makarating sa nasabing lugar ay nakita kong may mangilan-ngilan na ring mga tao na nginitian ko at kinamayan. Nasa garden kami ng hotel dahil dito gusto ni Layca na makasal kung hindi sa simbahan.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon