Chapter Five

56 5 1
                                    

MAURICIUS' POV

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Nakalutang na ako sa ere habang nakapalibot sa'kin ang mga libro na parang mga ibon na lumilipad gamit ang kanilang mga pahina.

Parang hindi ako ang kumo-kontrol sa sarili ko. Hindi ko alam. Gusto kong gumalaw ngunit hindi ko magawa at nanatili akong nakalutang sa ere. Isang mala-demonyong tawa ang pinakawalan ko.

Pero sa kabilang banda ay parang natutuwa pa ako habang pinapanood ang mga nagliliparang libro na pumapalibot sa'kin.

"Mauricius!" napalingon ako kay Dad nang tawagin ako nito pero kusang gumalaw ang kanang kamay ko at binato siya ng bolang gawa sa apoy.

Agad siyang tumakbo para iwasan ang bolang patungo sa kaniya.

Muli akong tumawa at muli siyang binato ng bolang apoy na agad niya namang sinangga gamit ang kamay niya. Sunod ay sunud-sunod na kidlat ang tumama sa kaniya at kasunod n'un ay ang sigaw kong bumasag sa lahat ng gamit dito sa loob ng Library na gawa sa glass.

Bumagsak ako sa sementadong sahig kasabay ng mga libro na nakakalat na ngayon sa sahig. Narinig ko pang tinawag ako ni Dad pero hindi ko siya nagawang tingnan nang biglang dumilim ang aking paningin.

"A-Ahh" daing ko nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at natagpuan ang aking sarili na nakahiga sa isang napakalaking kama. Tumingin ako sa bintana kung saan pumapasok ang liwanag na nagmumula sa labas.

Tiningnan ko ang aking mga kamay at nakitang hati na ulit ako. Half Angel-Half Demon. Napabuntong-hininga ako dahil sa na-isip saka ako umalis sa kama at naglakad palabas ng kwartong kinalalagyan ko.

Bumaba ako ng hagdan at nakita si Dad na may mga inaasikasong papeles sa salas nitong mansiyon niya.

"Are you okay now, my son?" tanong nito sa'kin at bakas sa paga-alala niya sa tono ng kaniyang pananalita.

"Mm" tumango ako sa kaniya saka ako lumapit sa kaniya at niyakap siya, "Sorry"

Bumuntong-hininga siya saka niya ako binalingan ng tingin, "It's okay. It's natural, there's nothing to worry about"

Napangiti ako at saka ko tiningnan ang mga papeles na inaasikaso niya, "Ano 'yan?" takang tanong ko sa kaniya.

"It's for the transfer of the company" sagot niya, "It'll be transfered to your name, Mauricius Tierro"

"Mauricius Tierro?"

"Yeah" sagot niya saka niya ipinakita sa'kin ang isang page mula sa mga papeles kung saan nakasulat ang pangalan ko, "Because my name is Aldous Tierro. And you, my son, will inherit my last name... Tierro"

Napangiti ako sa kaniya ngunit biglang nawala ang mga ngiti ko nang may maalala ako. Napakalas ako mula sa pagkakayakap sa kaniya at napabuntong-hininga.

"Why?" nagtataka at naga-alalang tanong ni Dad sa'kin, "What's the matter, son?"

"'Yung nangyari..." tumingin ako sa kaniya, "Pa'no kung mangyari 'yun ulit?"

"It won't happen again, my son" tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa mahabang upuan saka siya nagsimulang maglakad, "Follow me"

Tumayo ako at naglakad patungo sa kaniya. Naglakad kami patungo sa basement ng bahay at pumasok sa isang napakalaking kwarto na walang nakalagay, kahit na isa.

Bakante ito bagaman maganda at may design na kulay pulang rose sa sahig. Naglakad siya papunta sa gitna at may kinuha siyang baril at nagulat ako nang bigla niya akong binaril sa tagiliran.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon