Chapter Twelve

32 2 0
                                    

LAYCA's POV

Dahil sa lungkot na nararamdaman ay hindi na ako bumalik sa office at umuwi na lang. Nang makapagpalit ako ay agad akong lumabas ng kwarto. Ako lang ang mag-isa rito sa loob ng bahay dahil wala si Mama at pumunta nga sa school dahil sa binully si Arthur nakaraan.

Kinuha ko ang wallet, cellphone at susi ng bahay namin. Napag-isipan ko kasing magpa-load sa tindahan ni Aling Andang. Ngunit nang makalabas ako sa gate ay napatingin ako sa bahay nila Mauricius sa 'di kalayuan at nakita ang isang pamilyar na itim na limousine na nakaparada sa harapan niyon.

Biglang gumulo ang isipan ko at napakaraming tanong ang bigla na lang umusbong. Habang naglalakad palapit sa kotse ay napatingin ako sa isang lumang bahay na pagmamay-ari nila Mauricius. Bukas ang bahay na siyang ipinagtaka ko kaya agad akong pumasok sa gate na gawa sa kahoy at naglakad palapit sa bahay.

Sumilip ako sa bintana at wala naman akong nakitang tao sa loob kaya muli kong nilingon ang itim na limousine sa 'di kalayuan ngunit nawala 'yun na parang bula. Sumilip ako ulit sa loob ngunit wala naman akong nakita at nang magtungo ako sa harap ng bahay ay nakasara na ang pintuan at naka-padlock. Nakasara rin ang kahoy na gate kaya patakbo akong lumabas bago pa man may mangyari sa'kin.

Nang makarating ako sa harap ng tindahan ni Aling Andang ay umupo ako sa bangko habang habul-habol ko ang aking hininga dahil sa pagod kakatakbo. Maya-maya pa ay tumayo na ako at nagpa-load na.

"Aling Andang" tawag ko kay Aling Andang na dali-dali namang pumasok sa loob ng kaniyang tindahan.

"Ano 'yun?" tanong niya sa'kin.

"Pa-load po ako" sabi ko sa kaniya at agad niya namang ibinigay sa'kin ang cellphone na keypad para i-type ko ang number ko doon, "Pabili na din pala ng chichirya at softdrinks"

"Ano'ng chichirya?" takang tanong niya sa'kin habang naghahalungkat ng chichirya sa estante sa loob ng kaniyang tindahan.

"Kahit ano po" sagot ko na lang sa kaniya saka ko ibinigay sa kaniya ang cellphone nang ibigay niya sa'kin ang chichirya at softdrinks.

Nagbayad na ako at agad na umalis matapos kong kunin ang sukli. Habang naglalakad ay tahimik lang akong kumakain habang umiinom.

Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Jake. Hindi na niya ako kinaka-usap dahil hindi naman kami nagkikita. Hindi rin siya nagti-text o tumatawag man lang at kapag ako naman ang nagti-text o 'di kaya, tumatawag sa kaniya ay wala siyang reply o 'di kaya ay hindi niya sinasagot.

Napabuntong-hininga ako pero natigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang lalaki na naglalakad at nakapamulsa. Nakasuot siya ng school uniform at ang isang strap ng bag niya ay nakasabit sa kanang balikat niya habang nakayuko itong naglalakad at para bang problemado. Nakita ko ang ID nito at nakasulat ang kaniyang pangalan, Daniel Ocampo.

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming mga paningin. Naglakad ako palapit sa kaniya na huminto sa paglalakad.

"Hi" bati ko sa kaniya.

"Kung tatanungin mo ako kung may single ako, sorry pero huli ka na"

"As if naman na hahabulin kita" sagot ko sa kaniya.

Sumabay na ako sa kaniya sa paglalakad dahil wala talaga akong maka-usap at bored na bored na rin ako. Ayaw ko munang umuwi sa bahay pero ayaw ko ring mag-lakwatsa sa mga mall o kung saan pa man.

"Gusto mo?" alok ko sa kaniya ng chichiryang kinakain ko at kumuha naman siya at kinain 'yon.

"Alam mo, pwede naman tayo maging friends, eh" sabi niya.

Iba na siya. Hindi na siya 'yung tulad ng dati na walang ibang ginawa kundi pumorma at magyabang. Maayos na siya magdamit ngayon at napag-alaman kong inatake sa puso ang daddy niya na ngayon ay nagte-take ng maintenance samantalang ang mommy niya naman ay todo kayod na ngayon bilang empleyado sa City Hall.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon