Chapter Fourteen

31 2 0
                                    

DANiEL's POV

Maaga kaming pina-uwi dahil nagkaroon ng urgent meeting ang mga teachers namin. Kasalukuyan na akong naglalakad sa daan patungo sa bahay namin. Ayaw ko namang dumaan sa shortcut na isang eskinita dahil kahit na nagbago na ako eh hindi ko pa rin kayang magtiis sa gan'ung klase ng lugar.

Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ko ang isang itim na limousine na nakaparada sa harap ng bahay nila Mauricius. Bahagya pang nakabukas ang kahoy nilang gate kung saan lumabas ang isang pamilyar na lalaki.

Agad akong nagtago sa isa pang nakaparadang sasakyan at sumilip sa bintana nito para tingnan kung siya nga 'yun at hindi nga ako nagkakamali dahil siya talaga 'yun.

Binuksan niya ang pintuan ng itim na limousine ngunit makalipas ang ilang segundo ay nanatili itong nakatayo at hindi pa rin pumapasok sa loob ng naturang sasakyan. Biglang kumunot ang noo nito na ipinagtaka ko naman.

"Ano'ng ginagawa mo diyan, Kuya Dan?" gulat akong napatingin kay Arthur nang bigla ako nitong tanungin.

Nakita ko itong umiinom ng bottled mineral water habang kumakain ng saging. Tumingin ako ulit sa bintana para silipin kung nakasakay na ba ng kotse ang lalaking nakita ko ngunit nagulat ako at agad na lumabas mula sa aking pinagtataguan nang makitang wala na siya doon, maging ang kotse ay nawala na parang bula.

"Kuya Dan, tinatanong kita" sabi ni Arthur saka nito itinulak papunta sa mukha niya ang suot nitong salamin.

"W-wala" sagot ko sa kaniya.

"Eh, ba't parang namumutla ka?" takang tanong niya sa'kin.

"Hindi ko alam" sagot ko na lang sa kaniya saka ko mabilis na tiningnan ang repleksyon ko sa hood ng sasakyan ngunit hindi ko nakita kung namumutla nga ba ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin kay Arthur. Nag-squat pa ako para magkapantay kami. Ginulo ko ang itim na itim niyang buhok.

"May ini-isip lang ako" sagot ko sa kaniya.

"Ano naman ang ini-isip mo?" takang tanong naman nito ulit sa'kin.

"Huwag nang maraming tanong, Arthur" sabi ko na lang sa kaniya.

"Tinanong kita kanina kung ano'ng ginagawa mo dito sa likod ng sasakyan na 'to tapos ang sagot mo, hindi talaga nasagot ang tanong ko" sabi niya sa'kin habang nakanguso pa, "Tapos n'ung tinanong kita ulit kung ano naman ang ini-isip mo, sasagutin mo ako na marami akong tanong. Dalawa lang nga ang 'tinanong ko sa'yo. Marami na ba 'yun?"

Tumayo ako ng maayos at nagtuloy na sa paglalakad. Maging siya ay nagtuloy na rin sa paglalakad, "Pangatlo na 'yang tanong mo" sagot ko sa kaniya.

"Saan ang sagot mo sa tanong ko?" takang tanong naman nito ulit sa'kin dahilan para mapahilamos na ako sa mukha ko.

"Bahala ka diyan, hindi na kita sasagutin"

"Nanliligaw ba ako sa'yo para sagutin mo ako?" takang tanong niya sa'kin.

"Pilisopo ka" inis na sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo na naman sinagot ang tanong ko" sabi niya saka siya tumawa. Napangiti naman ako dahil sa ginagawa niyang pamimilosopo sa'kin.

Nang makarating ako sa bahay nila ay agad ko na siyang pinapasok bago ako nagtuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay namin.

Nagmano ako kay Lola na kasalukuyang nagwawalis sa harap ng bahay.

"Oh, bakit inabot ka na ng hapon?" takang tanong ni Lola nang makapag-mano na ako sa kaniya.

"Pahirapan po kasi ang pagsakay sa jeep, La" sagot ko sa kaniya, "Doon na po ako sa loob" paalam ko.

The Half Blood Prince [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon